Hi po! sobrang init ng panahon ngayon kaya mag ingat po kayo lalo na kung lalabas ng bahay.
This story is dedicated to DianeFigueroa6.
Salamat po sa patuloy ninyong pagbabasa ng aking mga gawa.Happy reading :)
@@@@@@@@@@@@@@@@@@@
Thank you for a very sumptuous dinner honey, wala talagang tatalo sa luto mo.
Siyempre naman espesyal para sa akin ang pinagluluto ko at mas espesyal kasi andito ang pinakamamahal kong pamangkin.
Salamat din po sa lahat ng mga bagay na binigay nyo sa akin auntie,uncle.
Alam mo Luisa kahit di kami nabiyayaan ng supling ng Auntie mo, napakalaking regalo narin ng dumating ka sa amin. Anak nadin ang turing namin sayo kaya ano man ang mga bagay na binibigay namin, parte yon ng mga responsibilidad namin bilang auntie, at uncle mo.
Matapos maghapunan ay napagkasunduan nilang magpunta sa garden. Naupo sa isang marmol na upuan sina Isay at ang kanyang uncle samantalang ang kanyang auntie ay pumanhik sa kwarto at may kinuha.
Ilang saglit pa ay lumapit ito sa kanila tangan ang isang paper bag.Luisa my dear, I have something to give you.
Iniabot ng tiya ni Isay ang paper bag na tangan.I phone 6????di makapaniwalang sambit ni Isay ng mapagtanto ang laman ng kahon.
This is way too much Auntie. Ok pa naman po yung cellphone ko.
Nagaalangan si Isay na tanggapin ang bagay na yon.No...its fine and you need it too. Saka maganda nadin na yan ang gamitin mo dahil nakapost paid yan. You can get easily in touch with us kasi makakausap mo na kami 24/7.
Paliwanag ng kanyang tiya.You're auntie is right Isay. Pagbigyan mo na yan at ngayon kalang ulit namin naibili ng gift. Sabihin nalang natin na late graduation gift namin sayo yan. Dugtong ng kanyang uncle.
Pero po auntie...uncle...
Hay naku ikaw talagang bata ka. Maiba ako how's your meeting with the NGO hon?
Ahhh yun ba? It went fine and infact this weekend na magsisimula yung medical mission namin sa Barangay Ligtong.
Well that is good to hear. Bakit di mo isama si Luisa para mawili din? Pagbibigay suhestiyon ng uncle ni Isay.
Yeah that's a very nice idea. Gusto mo bang sumama sa medical mission Luisa?
Sure auntie sasama po ako.
Good girl. Oh pano its getting late maaga pa ako sa ospital bukas. I'll go ahead.
Ako din hon masyadong stressful ang araw ko sa office kanin.
How about you Luisa?Tanong ng tiyahin.
Ok lang po ako aakyat nadin po ako maya maya auntie.
Hinalikan ng mag-asawa si Isay sa noo at sabay nilisan ng mga ito ang garden.
Isay sat on the grass and stared blankly at the stars.
Ang ganda ng langit...kamusta na kaya si nanang..., si Ching...., si Caloy...humugot ng malalim na buntong hininga si Isay, ikaw Athan...kamustah kana?naalala mo pa kaya ako?
1message received
Caloyski:
Kamusta Isay? Sensiya na late reply ha? Medyo busy kasi sa shool. Kinakamusta kadin ng nanang mo galung ako sa palengke kanina. Ok kanaba? Pagnakarating ako diyan turo mo sakin yung nakainisan mo gugulpihin ko hehe.
BINABASA MO ANG
A Childish Wish
RomanceLahat tayo ay nagdaan sa panahong nagkaroon tayo ng crush. Madalas na depensa pa nga sa simpleng kalandian na ito ay ang salitang inspirasyon. Masarap balikan ang mga panahong nagnanakaw ka ng tingin sa kanya tapos nahihiya ka pag nahuhuli ka niya. ...