Umuwing masaya si Athan bagay na agad napansin ni Caloy
Mukhang masaya tayo ngaun pre ahh..pasipol sipol ka pa lakas mo maka ibon.
Siyempre naka first base na ako eh.
Nagtapat ka na?
Konti...pero gusto ko romantic yung pagtatapat ko sa kanya ng pormal.
Daga ka ba?
Bakit daga?
Lakas mo maka keso pre.
Haha mang asar kana gang gusto mo basta ako may chance na magka gf.
Muka nga malaki ang chance mo.
Talaga pre sa tingin mo din?
Oo malaki chance mo maging bading! Daming ka landian may pa ganun ganun pa!
Dapat lang si Isay yun eh first love at first gf kung sakali
Ikaw first lang ako first and last.
May sinasabi ka pre?
Sabi ko yung first may second third at fourth gang may numero kang mabibilang di ka mauubusan.
Hoy pre di ako ganun.
Basta Athan wag mo siya sasaktan.
Ano ako sadista?siyempre hindi.
Tanga!ang ibig kong sabihin wag mo siya paiiyakin wag mo sasaktan ang damdamin nya.
Oo naman ayoko naman sirain yung pinagsamahan namin bilang magkababata.
Pre pwede ba ko humingi ng pabor?
Wala akong pera.
Engot to hindi ganun pre.
Eh ano?
Pag nagtapat ako tulungan mo ako i set up yung place para kay Isay.
Sige pre walang problema.
Lumalim pa ang gabi habang mahimbing na natutulog si Athan, naiwang nagiisip si Caloy. Sa gitna ng kanyang pagmumuni-muni nakatanggap siya ng di inaasahang text.
From:2448
When you feel so down
Don't let your heart frown
The pain of a broken heart
Won't tear your self apart
Its ok to cry
Just let your tears flow by
When you are ready to move on
You'll learn to go alone
That is the art of letting go.
Want to get more heart quotes?text HEARTON to 2448
Ayus din to ah may silbi din pala tong mga text promo alert na to paminsan minsan.
BINABASA MO ANG
A Childish Wish
RomanceLahat tayo ay nagdaan sa panahong nagkaroon tayo ng crush. Madalas na depensa pa nga sa simpleng kalandian na ito ay ang salitang inspirasyon. Masarap balikan ang mga panahong nagnanakaw ka ng tingin sa kanya tapos nahihiya ka pag nahuhuli ka niya. ...