Take Me Back To The Start

6 0 0
                                    

Yung pakiramdam na gusto mong ibalik lahat ng nangyari nung araw na huli mong nakita ang taong pinakaimportante sayo bago siya tuluyang nawala..
Yung kahit sampu o limang minuto manlang makita mo ulit siya at marahil magkaroon ka na ng lakas ng loob na magsalita.
Kung nagkaganoon sana, siguro nagbago din ngayon ang takbo ng buhay mo..
The vid  sana for this chapter is The Scientist by Coldplay.
Isa sa mga paborito ko ang kantang ito. Credits to the owner of the song.

Kung pwede lang san ibalik yung araw na yon..hahahah.

Happy reading.

************************************
Pasok ka muna...

Hindi na pupunta pa ako kay lala kasi nag alala nadin yun kahit pa nag paalam ako.

Sige...pano...

Lakad na pumasok ka na sa loob ng makaligo kana.

Kumain ka pati konti lang ang kinain mo kanina.

Oo na...

Pano kita kits nalang sa school?

Bahala na.

Anong kaengotan nanaman yan?

Bahala na nga sabi.

Tae ka talaga. Mula bukas susunduin na kita para masiguro kong papasok ka.

Oo na ingay.

Pasok na cry baby.

Sige.

Ahmmmm..... Mhims...

Bakit?

Salamat.

No prob.

Isang mahigpit na yakap ang isinalubong kay Caloy ng kanyang nanang. Hindi na kinailangan pang magsalita ng binata.

Para siyang isang musmos na mahigpit na nakayakap sa ina.
Animo'y nagsusumbong ang bawat hikbi ng binata.

Matagal, di man niya masabi ang mga hinanakit ang kanyang panaghoy ay sapat na upang maunawaan ng kanyang nanang kung gaano kasakit ang pinagdadaanan ngayun ng binata.

Hinaplos nalamang nito ng paulit-ulit ang likod ng kanyang anak at
hinayaan itong ilabas ang anu mang natitirang pighati sa puso nito.

Nang....

Hmmm????

Pwede po ba akong matulog sa kwarto ninyo mamayang gabi?

Oo naman..

Salamat po...

Muli niyang niyakap ang kanyang ina.

Magpalit ka na ng damit.
Pinagluto kita... alam kong pagod at gutom kana.

Sige po nang.

Tahimik na dumulog sa hapag ang mag ina. Pinikit ng binatang kainin ang inihandang pagkain ng kanyang nanang upang hindi na magalala pa ito. Napansin din din kasi niyang parang nahulog din ang pangangatawan nito marahil sa pagiisip din.

Habang nagliligpit ang ina ay pumanhik na ang binata sa kwarto nito.

Nagpasya siyang dito muna matulog dahil lalo lamang niyang maiisip si Isay kung sa kwarto niya siya magpapahinga.

Kinuha niya ang telepono ngunit walang mensahe iyon.

Dagling sumagi sa kanyang isip si Mhimay kaya't nagpasya siyang i text ito.

A Childish WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon