Hindi ka naman gutom neng? Natatawang sabi ni Ching habang pinagmamasdan ang kaibigang sarap na sarap sa pagkain ng isang tasang puno ng fishballs, kikiam, squidballs, tukneneng at kung anu-ano pa.
Kakagutom kaya ang heartbreak. Kakain pa ako ng mangga mamaya yung may bagoong. Sabay subo sa isang squidballs.
Natatawa nalamang ang dalaga habang nilalaro nito angmga black pearls sa iniinom na zagu.
Buti pa si Ching, dinadala na lamang sa magagaan na bagay ang lahat....samantalang ako...bakit kahit ano pa ang sabihin ko di ko padin matanggap?
Isang mahabang butong hininga ang pinakawalan sa hangin ng dalaga.
Naging magulo para sa kanya ang lahat mula ng araw na iyon. At lalo pang dumami ang mga tanong sa kanyang isipan ng makita niya ang kamay ni Athan. Pilit man niyang labanan ang nararamdaman hindi niya padin mapigilan ang sarili na magalala para sa binata.
Tara na neng. Iyon ang tinig na pumutol sa malalim niyang iniisip.
Tapos kana kumain neng? Tanong niya sa kaibigsng umiinom ng softdrinks.
Oo medyo busog na ako mamaya nalang ulit ako kakain sa bahay.
Langya ka Ching medyo busog ka pa nyan sa lagay ng kinain mo???? Namamanghang tanong niya. Eh halos ubusin mo lahat ng tinda ni ate sabay nguso sa babeng abalang abala sa pagaayos ng mga paninda.
Wag kang ano hihirit ka pa????? Pairap na singhal nito.
Alam mo namang dito ko lang nailalabas ang sama ng loob ko ehhh.....nakangusong dugtong pa nito.
Oo dahil sa daming kinain no siguradong as c.r. ka maglalabas ng sama ng loob mamaya. Hahahaha!
Bago pa makasagot si Ching ay tinakpan na ni Isay ang bibig nito. Naaliw siya sa company ng kaibigan. Kahit paano ay nakaklimutan niya ang skit na nararamdman. Habang nagkukulitan ng dalawa ay may isang estudyanteng lumapit sa kanila.
Isay may nagpapabigay.
Binuksan ni Isay ang sulat.
Isay,
Please see me after class sa park.
I will tell you something.
Please be there, I will be waiting. If by sunset dika dumating....I will understand. Maybe that will be the cue for me to stop. But please do see me.Athan
Pupunta ka be neng?
Hindi Ching, wala na akong balak pang makinig sa mga kasinungalingan niya.
Pero neng malay mo ito na yung time para masagot yung mga tanong mo.
Wag na lang Ching....ayoko na makita pa siya bibigyan ko naman siya ng time na magpaliwanag kaso....ewan ko bahala na pero wala talaga akong balak pumunta.
Sige kung, yan ng gusto mo pero kung magbago isip mo sabihin mo lang agad sa akin sasamahan kita.
Salamat Ching, maaasahan ka talaga. Pero kung magbago man ang isip ko siguro kaya ko na yon mag isa.
Natapos ang klase ni Isay. Bago pa siya makalabas ng school ay nagpaalam na si Ching na mauna na siya dahil aayusin pa nito ang nawalang library card. Nakasakay na siya ng jeep pauwi, kinuha niya ang wallet sabag upang kumuha ng pamasahe ng may malaglag mula dito. Dinampot ni Isay ang papel at naalala niyang ito nga pala ang sulat na iniabot ng kaklase niya kanina. Matigas ang loob ni Isay wala na talaga siyang balak na makipagkita pa kay Athan ngunit may isang bahagi sa puso niya ang nangungulit bagay na ang nagpagulo nanaman sa kanyang nararamdaman. Saglit pa siyang nagisip haggang sa makapagpasya na siya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya sa hangin at muling ibinalik ang sulat sa loob ng kanyang bag. Sa halip na umuwi ng bahay ay dumeretso siya sa palengke. Naabutan niya ang kanyang nanang na abalang nagsasara ng tindahan. Nagulat pa ito ng makita ang anak.
BINABASA MO ANG
A Childish Wish
RomanceLahat tayo ay nagdaan sa panahong nagkaroon tayo ng crush. Madalas na depensa pa nga sa simpleng kalandian na ito ay ang salitang inspirasyon. Masarap balikan ang mga panahong nagnanakaw ka ng tingin sa kanya tapos nahihiya ka pag nahuhuli ka niya. ...