Prom King and Queen Part2

41 1 0
                                    

Shhh.......tama na yan neng halika na uwi na tayo.

Wala ng nagawa pa si Ching kundi aluin ang kaibigan.

Umuwi ng hindi man lamang nananghalian ang dalawa.

Isay somehow felt guilty, kaya she decided to invite Ching na sa kanila nalamang mag lunch bagay na hindi na tinanggihan ng kasama.

Bukod sa masarap magluto ang nanang ni Isay, batid ni Ching na kailangan nito ang presensiya niya. Hindi niya maisip na iwanan sa ganitong kalagayan si Isay.

Inihaw na baboy, ginisang gulay fresh lettuce in hundred island dressing at pakwan ang nakahain sa mesa. Naabutan pa ng dalawa ang nanang ni Isay na inilalagay ang bagong lutong kanin sa hapag.

Oh andito na pala kayong dalawa magsipag hinaw na ng kamay at kumain na tayo. Aya ng ina.

Tahimik na dumulog naman sa hapagkainan ang dalawa.

Wow naman mader kapag ganito po ang nakikita ko sa hapag mawawala po sa isip ko ang dieta. Takam na takam na wika ni Ching. Akmang kukuha na ito ng kanin ng tampalin ni Isay ang kamay nito.

Neng wag masyado excited nagdarasal pa si mader. Sabay nguso sa inang nakapikit parin at taimtim na nananalangin.

Kutsara at tinidor attack! nasisiyahang wika ni Ching. Natataea naman at naiiling ang butihing may bahay.

Hinay hinay laman anak kayo lamang namang dalawa ni Isay ang kakain. Baka mabulunan ka niyan. Nagaalalang sambit ng huli.

Nasa kasarapan ng kain ang tatlo ng may marinig silang tinig na nanggagaling sa labas. Nagdesisyon si Isay na siya nalamang ang tatayo upang alamin kung sino ang dumating.

Oh Caloy ikaw pala. Napadaan ka?

Inutusan kasi ako ng nanang ko na dalhin itong leche flan dito. Alam niya kasing mahilig din dito ang nanang  mo.

Sabay abot sa lastay na may lamang dalawang lianera ng leche flan.

Salamat, agad namang kinuha ng dalaga an dala ni Caloy.

Halika kain ka muna. Anyaya niya.

Hindi na kakatapos lo lang kumain. Pinahabol lang yan ng nanang ko.

Ganun ba?.... Sige salamat ulit dito.

Bago paman isara ni Isay ang pinto ay pinigilan ito ni Caloy.

Isay saglit lang.....

Ano yun?

Will you be my?

My????

Will you be my prom date Isay? sabay abot sa dalaga ng isang kahon.

Inilapag ni Isay ang lastay sa pasimano ng balkon at binuksan niya ang kahon. Isang blankong ekspresyon ang rumehistro sa mukha ni Isay ng makita ang laman nito. Isang silver necklace na may butterfly pendant.

Ayaw mo ba? Di mo ba nagustuhan?  Nagaalalang tanong ni Caloy.

No....hin...hindi sa ganon. Ang totoo nagustuhan ko kaso inaalala ko si Ching......alam mo naman nabroken hearted yun gawa mo tapos malalaan niyang ikaw magiging date ko? Ayoko naman maging unfair para sa kaibigan ko. Besides wala akong balak pumunta sa prom Caloy.

Isang malambing na ngiti ang itinugon ng binata.

Bago ako magpunta dito ipinaalam ko na kay Ching. Saka may date na siya. Yung co-dancer ko na si Bryan may tama pala sa kanya ang mokong kaya nung nagpatulong siya sa akin di na ako nagdalawangg isip. Nag date na nga yug dalawang yun ehh.. Ayaw lang ipaalam sayo ni Ching kasi ayaw niyang madepress ka lalo.

A Childish WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon