Tears in Heaven Part2

3 0 0
                                    

Nakakabingi....

Nakakabigla....

Ganon nalang ba yon?

Bakit?????

Hindi....

Panaganip lang to..

Hindi

Ito

Totoo....

Mabigat ang kanyang mga yabag...
Ni ayaw niyang lumapit sa harapan.
Sa kanang bahagi ng silid ay naroon ang mga dati nilang kamag-aral.
Lahat sila ay nakitingin sa kanya...dapat ay ligaya na muling nagkita-kita sila ang mangibabaw sa lugar na yon ngunit pighati at kalungkutan ang tanging nababanaag niya sa mukha ng mga ito.

Sa kabilang banda naman ang mga kapit bahay at mga kasama nilang nagtitinda sa palengke. Nag-uusap ang iba, ang ilan naman inaalo ang bawat isa.

Sa harap ng bulwagan ay nakaupo ang nanang ni Isay. Tahimik at matamang nakatitig lamang sa labi ng kanyang anak. Tangan nito at mahigpit na yakap ang larawan ng dalaga.

Marahang lumapit ang binata upang mag bigay galang.
Niyakap siya nito ng buong higpit at lumuluhang bumati rin sa kanya.

Umupo siya sa tabi nito habang tangan ang isang kamay ng ginang.

Hindi man lamang kayo nagkita ni Isay bago siya mawala. Sana'y isinama pala kita nuong huling punta ko sa kanya...nakita mo sana kung gaano siya kasaya.

Naalala mo ba noong kayo ay bata pa? Malimit kang makipaglaro sa kanya ng manika kahit ayaw mo.
Ikaw ang palagi niyang kasama.
Lumaki kayong malapit sa isa't isa.
Nang mamatay ang papang niya andun ka din at di mo siya iniwan kahit isang sandali.
Alam kong nasaktan ka ng husto ng naging mag nobyo sila ni Athan nakita ko yun sa mga mata mo kahit masaya kang nakikisama sa kanila.
Kung papipiliin ako...sa totoo lang ikaw ang gusto ko para kay Isay,  kaya nagtataka ako kung bakit hindi ikaw ang naging nobyo niya.

Ninang naman...nahihiya po kasi ako sa inyo...saka po baka kasi basted ako kay Isay kaya di ko maituloy.

Sayang nga lamang at hindi mo na ito magagawa pa....

Sana noon paman ay naglakas loob kana...

Nasa huli talaga ang pagsisisi Caloy.
Nangungulila ako sa anak ko..hanggang ngayon ay hindi ko mapagtanto ang nangyaring ito sa kanya. Pero alam mo wala akong sisisihin sa nangyari. Gumawa ng mabuti ang anak ko. Tumulong siya sa nangangailangan. Siguro hanggang doon nalamang talaga siya. Ang pinaghihinagpis ko lamang ay ni hindi ko manlang nakuhang yakapin ang kanyang labi. Naka casket na siya ng dalhin dito. Hindi na kasi halos makilala ang kanyang mukha. Tanging ang damit at kwintas na bigay sakanya ng kanyang kaibigan na lamang ang nagbigay pagkakakilanlan sa kanya.

Makakasama na niya ang kanyang papang...... Magiging masaya na sila sa langit.

Bagaman mababakas sa mata ng ginang ang sakit habang nagkukwento ito nagpakita parin ito ng kalmanteng aura.

Paminsan minsa'y pumapatak ang luha sa kanyang mga mata. Inaalo ang sarili at mga taong nakikiramay sa kanya.

Iginala ni Caloy ang paningin.
Naroon din ang kanilang mga kamag aral mula elementarya at highschool.

Sa isang parte ay nakaupo naman ang ilan sa kanilang mga naging guro.

Maya maya pa'y nagpaalam si Caloy upang tumulong sa pag bibigay ng makakain sa mga nakiramay.

Caloy...

Ikaw pala Ching..

Anong nangyari?
Garalgal na usal ni Ching.

Hindi ko alam....


Hindi ko alam Ching....nakatungong sagot ng binata.

Ilang sandali pa ay humakbang na papasok si Ching sa loob. Nilingon siya ni Caloy at nakitang tumabi ito sa kanyang ninang. Umiiyak si Ching habang animo'y may sinasabi ang ina ni Isay.

Itinuloy ni Caloy ang ginagawa. Para siyang lumulutang. Sa kabila dami ng tao doon ay parang wala siyang anumang naririnig. Pagal na ang kanyang katawan ngunit wala siyang nararamdaman.  Wari'y namamanhid ang kanyang mga palad at binti.

Masikip ang kanyang dibdib masakit na masakit ang nararamdaman nito halos sumabig ang kanyang dibdib. Hindi niya malaman ang gagawin.

Habang lumalalim ang gabi'y nababawasan nadin ang mga tao sa loob ng silid.

Magpahinga po muna layo ninang...ako napong magbabantay dito.

Hindi anak ayus lamang ako. Ayokong iwan ang anak ko. Matagal siyang nawalay sa akin at ngsyon hindinna siya babalik pa kaya sa ilang sandali na makakasam ko pa siya hindi ako aalis sa tabi ng anak ko.

Sasamahan ko na lamang po kayo ninang.

Ikaw nalamang ang magpahinga.
Pagod kanarin Caloy. Saka walang kasama ang nanang mo baka kailangan ka niya.

Andun po muna sa bahay si ate Badet siya po muna ang kasama ni nanang sa bahay. Ayos lamang po ako ninang kayang kaya ko po dito lamang po ako sa tabi ninyo yun din po ang bilin ng nanag sa akin kanina bago umuwe hanggst maari daw po ay wag akong aalis sa tabi ninyo.

Salamat anak. Napakabuti mo talagang bata. Napakaswerte ng nanang mo sayo.

Gusto po ba ninyo ng makakain o maiinom ninang?

Kape na lamang anak.

Agad tumalima sa tinuran ng ginang si Caloy.

Patungo na siya sa kusina ng mapansin ang pigura ng isang lalaking naglalakad papalapit sa kanya.

Natigilan si Caloy at matamang nakatitig sa lalaki ng makalapit ito sa kanya.

Kamusta kana pre. Mahinang tugon nito.

Athan?????? Kelan kapa dumating.

Yumakap ng mahigpit si Athan sa kanya.

Kagabi lang pre.

Pano mo nalaman?

Sa balita pre.... kamusta si tita?

Mukha naman siyang ok pero..ewan ko..nakakatakot ang sobrang kalmante niya.

Ikaw kamusta na mama mo?

Nakakarecover na siya pre. Malaking tulong para sa kanya ang pag alis dito.

Pre dun muna ako kay tita.

Sige sige.

Sa maikling panahon, kaydami agad nangyari sa sobrang dami ng mga ito walang ni isa man ang mag sink in sa kanyang isip.

Pakiramdam niya'y unti-unting numinipis ang hangin sa paligid. Hindi siya makahinga kaya't bapagpasyahan niyang maglakad lakad muna.

Nakatingin sa kawalan, nakatingala sa mga nagniningning na bituin sa langit.

Ang ganda ng langit ngayong gabi ano? Ilang gabi nadin kasing maulap....ngayon ko lamang ulit sila nakita.

Kanina kapa dyan?

Oo kaninang kanina pa...

Bakit dikita napansin?????

Eh paano lutang na lutang katawang lupa mo kaya di mo ako napansin.

Pasensiya kana.....

Its ok, sige dito lang ako baka gusto mo mapag-isa.

Pagtalikod ng dalaga ay hinawakan ni Caloy ang braso ni Mhimay. Hinila niya ito palapit sa kanya.

Nagukat man ang dalaga sa biglang pagyakap sa kanya,  batid nito ang ibig sabihin ng binata.

Sinuklian niya ng mahigpit na yakap si Caloy na ng mga oras na iyon ay nagsisimula ng humikbi.

A Childish WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon