Caloy throwlines tayo.
Ayoko.
Sige na tulungan mo ako wala pa namang nabili.
A-yo-ko. Busy ako.
Anong busy eh nakanganga ka lang naman dyan.
Bakit mo alam? Di mo naman ako sinisilip.
Kanina pa kita tinitingnan dito sa compact mirror ko. Panay lang ang pindot mo sa cp mo.
Naglalaro ako COC wag kang magulo!
Gusto mong ibato ko tong repolyo sayo? Hoy Caloy kahit di ako naglalaro nyan alam ko nagsisinungaling ka.
At bakit?!
Pano ka maglalaro nyan wala namang wifi dito sa palengke.
Naka packet data ako.
Packet packet ka dyan eh inuutusan ka ng nanang mo kanina na itext mo ung suki nyo na nakaiwan ng bayong sabi mo wala kang load.
Bakit ba ako kinukulit mo asan ba si Athan?
Wala dinalaw mama nya.
Sige na sige na.
Punta nako dyan ha Caloy?
Teka TF ko pano?
Anong TF? Ah eto oh Tenk fyu.
Haha!kilitiin mo nga ako.
Bakit?
Para matawa ako.
Bilis na start na bili nalang kita fishball mamaya.
Margarita, irog ko mahihintay mo ba ako? Hahahahaha!
Walang tawa sa linya mo!
Eh natatawa ako eh ang keso much nito.
Wag kana magulo ituloy mo nalang.
Masakit para sa akin na iwan ka ngunit kailangan ako ng Inang Bayan.
Naiintindihan kita Fernando. Batid kong kailangan nating ipagpaliban ang ating kasal. Ang tanging magagawa ko lamang ay hintayin ang iyong pagbabalik.
Pangako irog ko, kahit anong mangyari ay babalik ako.
(Dahan dahang lumapit si Caloy, hinaplos ang pisngi ng dalaga. Nangungusap ang mga matang nakatitig ito sa kanya. Unti unting naglapit ang kanilang mga mukha. Bumilis ang pintig ng puso ni Caloy natigilan si Isay.
Shaks!anu to?hahalikan nya ba ako? Na carried away ba siya? Isay anu na tatayo ka na lang ba? Si Caloy yan hindi si Athan!
Bago pa makapagsalita si Isay ay niyakap na siya ng mahigpit ni Caloy. Natigilan ang dalawa.
Ilang saglit pa..
So-sorry Isay yung kasi yung nasa script ginaya ko lang. (sabay kamot sa ulo)
Ok...ok lang, sige next time nalang tayo mag throw lines balik nako sa pwesto namin.
Papa Caloy, anyare sayo may pinagdadaanan ka ba?
Ikaw pala Ching hindi naman may iniisip lang. Anung aten?
Paorder daw si momsy ng 3kilong carrots at 2kilong patatas. 1/4 na bell pepper at 1kilong sibuyas. Bukas nalang ipickup ni popsy.
Wala na ba Ching?
Meron pa nga pala.
Ano pa order mo?
Ikaw.
Weh joke mo waley. Sabay ngiti.
Hindi seryoso ako.
Ansaveh mo teh?! Ikaw na talaga friend.
Friend ikaw pala bantay ngayon dyan.
Pag weekends kami ni Caloy ang nandito diba pahpah CALOY! (nangiinis na himig)
Ah oo.. Sige Ching bukas nalang.
Pag-alis ni Ching.
Uy!selos ang prinsesa ko....
In your dreams...sabay irap.
Wag ka mag alala di kita pagpapalit
(hindi ko kaya)
Pagtalikod ni Isay lihim na bumulong si Caloy.
Isay...pwede ba kitang maging girl friend?
BINABASA MO ANG
A Childish Wish
RomanceLahat tayo ay nagdaan sa panahong nagkaroon tayo ng crush. Madalas na depensa pa nga sa simpleng kalandian na ito ay ang salitang inspirasyon. Masarap balikan ang mga panahong nagnanakaw ka ng tingin sa kanya tapos nahihiya ka pag nahuhuli ka niya. ...