Marriage Booth

45 1 0
                                    

Ano neng ready kanabang sabihin sakin kung sino ang nang goodtime sayo?

Ako na mismo magkukulong sa kanya ng libre!

Wag na akin nalang yun..

Sige kung ayaw mo ako nalang ang may papaaresto sayo pero wit mo siya ikukulong.

May sapak ka din pala eh..anu pat jail booth tayo kung di naman ikukulong..

No neng kasi after nun dadalhin siya sa marriage booth.

Tapos ikakasal kami hihi!

Anung kaharutan yan Ching?

Pagbigyan mo na ako friend pasko naman eh yun nalang ang gift mo sakin please please please???

O siya..sino ba yun?

Sino pa edi si papa Caloy!

Naku sa iba mo nalang ipahuli

Sige na friend ikaw nalang kasi para sure na sumama.

Ayoko.

Sige na.

Ayaw.

Sige na tapos si Athan naman ang huhulihin ko.

At talagang pinainan mo pa ako?!

Sige na sige gawin mo lang yun alipin mo ako for 1whole day.

1day lang?

Sige 1week.

Ok!deal

Ang bait alipinin talaga ako.

Eng eng joke lang. Sige wait mo ako.

Teka iposas mo muna ako.

Oo alam ko excited much.

Luisa POV: Sa toto lang ayoko talagang gawin to dahil sa nangyari kagabi ayoko na sana siyang makita pa...pero di ko kayang tanggihan si Ching lahat ng ginawa nya para sakin at ngayon ko lang nakitang ganito ka determinado ang kaibigan ko. Kaya nga pinili kong wag na sabihin sa kanya na si Caloy ang lalaking nagpakita sakin sa dulo ng clue kasi alam ko masasaktan siya kahit pa trip lang yun. Gustung gusto siya ni Ching ayokong masira ang friendship namin dahil dun.

Oi Caloy inaaresto kita sa salang ginawa mo. Sumama ka ng matiwasay sa akin at hindi ka makakalabas sa kulungan hanggang di mo pinapakasalan itong si Ching.

Pumapayag ako, mahinahong wika ni Caloy. At nagpaposas na ito.

Sa marriage booth.

Ikaw Caloy tinatanggap mo ba itong si Ching bilang asawa at katuwang na mamahalin at aalagaan habang buhay?

Opo.

Ikaw naman Ching tinatanggap mo ba itong si Caloy bilang asawa at katuwang na mamahalin at aalagaan habang buhay?

yes na yes po!

Dahil sa bisa na ipinagkaloob sa akin kayong dalawa ay mag-asawa na. Maari mo nang halikan ang iyong asawa.

Lumapit si Caloy at unti-unting inilapit ang mga labi nito sa mukha ni Ching. Sobrang lapit na animo'y magkadikit na ang kanilang mga labi.

Agad hinalikan ni Caloy si Ching sa pisngi.

Kitang kita iyon ni Isay hindi niya mawari ang damdaming biglang naramdaman.

Nagmamadali siyang umalis na mabigat ang damdamin.

Neng salamat talaga sa ginawa mo teka bakit nawala ka dun?

Ako?baka kasi makawala yung mga preso.

Ahh!maraming thankyou talaga. Ako naman ang gagawa ng para sayo.

Makalipas ang ilang oras.

Grabe neng di ko nakita si Athan labs mo. Sabi ng mga kasama nya sa booth di daw pumupunta mula pa kanina.

Anu na kayang nangyari dun?kahapon pagkatapos ng play diko na siy nakita di din naman nagpalam di din nasagot sa mga text ko tapos nung tinawagan ko patay ang cp nya.

OMG friend. Ano pa blotter na natin?

Grabe ka naman blotter agad?

Malay mo may importante nanamang inasikaso alam mo naman yun parang kabute pasulput sulpot. Bakit di mo nalang itanong sa asawa ko?

Asawa?!

Oo asawa ko na si papa Caloy remember?

Ewan ko sayo ayan posas kausapin mo.

Inis na inis na umalis ang dalaga.

Daisy na daisy ka neng!

Natatawang sambit ni Ching.

A Childish WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon