Pre kanina pa kita hinahanap sabi ko na nga ba andito ka.
Ikaw pala kamusta practice?
Ok naman. Teka diba yan yung balatik na gawa ng papang mo?
Oo asan yung sayo?
Tinapon ko na.
Bakit?ang ganda nun ah. Diba ayaw mo pa nga ipagamit sakin dati yun kasi gawa yung ng daddy mo?
Ayoko siya pagusapan.
Caloy tanda mo nung naligo tayo dito
Tapos inanod yung tsinelas mo. Ayaw mo panga umuwi kasi papaluin ka ng nanang mo.
Oo naman tapos ikaw pinaanod mo din yung sayo para parehas tayo mapalo kung sakali.
At paguwi natin kala natin mapapalo tayo.
Buti na lang hindi. Nu pre?
Oo kasi akala ng nanang mo nawala ung tsinelas natin kasi hinabol tayo ng aso ni Mang Igme.
Hahaha oo, tandang tanda ko yun.
Eh Athan naaalala mo ba nung mahulog tau sa puno ng mangga?
Oo kala ko nun mamamatay na ako kasi paggising ko nasa ospital na tayo.
Tama sabi pa ng doktor napakaulit ng magkapatid na ito. Ayan napagastos tuloy ang nanay nyo. (habang ginagaya ang porma ng doktor)
Oo nasa Italy kasi si mama nun.
Caloy mula ng mawala ang kuya ko ikaw na ang tinuring kong kapatid. Kung buhay pa sana si kuya Paolo. Kasalanan to lahat ng taong yon. Siya ang dahilan kung bakit nagkaganito ang buhay namin. Diko siya mapapatawad.
Pre di na natin maibabalik ang panahon. Magsisi man tayo huli na. Siguro ang mahalaga ngayon ung mga alaala ng kuya mo atleast kahit papano may mapapanghawakan ka at magbibigay sayo ng lakas ng loob.
Tama ka pre, alam mo kung di dahil sa inyo ng nanang mo siguro napariwara na ako. Sira na din pala itong kubo medyo madalang na kasi tayo tumambay dito.
Oo nga balak kong ayusin to kaso wala akong time kailangan kasi ako ni nanang sa palengke habang wala pa si Papang.
Kelan nga pala uwi Mang Inggo?
Sa susunud na taon pa pre pinagextend pa sya ng amo nya eh.
Medyo matagal na din ang papang mo dun ah. Pero ok nadin yun kasi sigurado naman na babalik siya sa inyo. Ako wala na.
Wala ka dyan may daddy ka pa diba?sustentado ka nga nun eh.
Di ko kailangan sustento nya kung tutuusin kulang pa yon pambayad sa lahat ng ginawa nya.
Naku tama na nga to ke lalaki nating tao napakadrama natin.
Oo nga muka ng mata ng bisugo yung sayo Caloy.
Anung ako?ikaw nga up and down na sipon mo. Kita na pati buong bayan sa laki ng butas ng ilong mo.
Halika na nga at baka hinahanap na tau ni nanang. Tutulungan ko pa yun magsara ng pwesto.
San ba kayo galing na mga mokong kayo?
Nagdate kami Isay.
Date?baka nakipagdate kamo.
Selos ka naman (akmang kukurutin sa pisngi si Isay)
Sige subukan mong idikit ang dugyot mong daliri sa muka ko Caloy sasapakin talaga kita.
Alam mo prinsesa ko mas gumaganda ka kapag ganyan ka. Pagtanda mo alam ko na tatawag ko sayo.
At anu naman yun Mang Caloy?
Tandang Sora!kasi lagi kang nasosora!hahahahaha!
Halika ditong bwisit ka uupakan kita!!!
Tama na Isay di ka naman titigilan ni Caloy. Alin pa ba dito ang kailangan ligpitin tutulungan na kita para makauwi na tayo.
Athan buti dika nagsasawa dyan kay Caloy no?
Bakit naman ako magsasawa dyan eh sila nalang ni Aling Tina ang nagsisilbing pamilya ko dito. Parang ikaw kahit mula pagkabata kasama na kita hanggang pagtanda hinding hindi ako magsasawa sayo. Kung ikaw ang prinsesa namin, si Caloy naman ang bestfriend ko.
Ikaw ba Isay nagsasawa na ba kay Caloy kasi lagi ka nya iniinis?
Ako?hindi naman kasi pagnawala yan wala na akong alipin. Saka pag hindi ako inasar nyan malamang sira na ulo ng alipin ko na yan.
At talagang alipin lang ang tingin mo sa akin?
Bakit alipin naman talaga kita diba?
Arf arf arf!
Alipin hindi alaga.
Anu pre tapos kanaba dyan?
Oo pareng Athan.
Ihatid na natin si Isay.
Hindi pre ikaw nalang hintayin nalang kita sa bahay.
Sigurado ka?
Oo pre, di na tau kasya sa frame haha.
Tama kasi pampasira ka sa litrato pagnagkaganon Caloy!
(yes!masosolo ko ang lalabs ko)
Halika na Isay.
Dyan na po.
Gusto kitang ihatid Isay, pero siguro dapat lang na dumistansiya na ako sayo. Hindi ko kasi matagalan na makitang kasama mo siya. Ilang beses kong pinilit ang sarili ko na magpanggap na walang magbabago pero nasasaktan talaga ako. Mukhang mas bagay kayo ng bestfriend ko.
BINABASA MO ANG
A Childish Wish
RomanceLahat tayo ay nagdaan sa panahong nagkaroon tayo ng crush. Madalas na depensa pa nga sa simpleng kalandian na ito ay ang salitang inspirasyon. Masarap balikan ang mga panahong nagnanakaw ka ng tingin sa kanya tapos nahihiya ka pag nahuhuli ka niya. ...