One Last Summer

17 0 0
                                    

Hi po! bakasyon na weeeeeeeeee!!!!!!
Salamat po sa nga patuloy na sumusubaybay sa istorya nina Caloy, Isay, Athan at Ching. Happy reading :)

#################################

Luisa anak nakapag ayos ka naba? Andito na si Caloy.

Opo nanang saglit lang po bababa na

O siya maupo ka muna Caloy at ako'y pupunta na sa palengke. Magiingat kayong dalawa ha?

Opo ninang, ingat po kayo.

Maya maya pa'y bumaba na si Isay.

Oh...asan si mader dear?nagtatakang tanong ni Isay ng mapansing wala na ang ina.

Pumunta na sa palengke. Ano ready ka na?

Talagang yung si mader parang nagi iwan lang ng kuting...di man lang nagpaalam.

To naman....hayaan mo na sa palengke lang yun.

Sabagay...taralets go na!!!!!

Masayang namasyal ang dalawa sa eco park sa kabilang bayan.

Ang sarap dito no????para kang nasa langit. Sarap sa pakiramdam yung puro puno at halaman ang nakikita mo.

Di ka ba nagsasawa sa ganyang view?parang di ka taga Baguio ahhh....

Hinding hindi ko pagsasawaan ang ganito Isay....hinding hindi ko ipagpapalit ang ganda ng baguio kahit sang lugar pa ako makarating.

Halika...iniabot ng binata ang kamay kay Isay.

Bakit?anung gagawin natin?wag mong sabihing tatalon tayo dyan ha? Naku ayoko pang mategi! Panic mode na wika ni Isay.

Hindi no????halika gayahin mo ako. Idinapa ni Caloy ang mga kamay. Sinunod naman ito ni Isay.

Bibilang ako ng tatlo tapos sabay tayo pipikit ha?

isa.....

dalawa......

tatlo.......

Sabay na pumukit ang dalawa.
Damang dama nila ang paghalik ng malamig na hangin sa kanilang mga pisngi. Ang halimuyak ng mga pine tree na pumupuno sa paligid. Ang huni ng mga ibong animo'y nagkakasiyahan sa himpapawid. Ang kalmado at malamig na kapaligiran na nagbigay ng kapanatagan sa puso ng dalawa. Ano man ang naglalaro sa isipan ng dalawa ay sabay nilang pinagnilayan. Maya maya pa'y binasag ni Caloy ang katahimikan.

MAHAL KITA!!!!!!!!!!!!!!!!

MAHAL NA MAHAL!!!!!!!!!!!!!!!

Makailang ulit umalingawngaw sa hangin ang mga salitang kumawala sa bibig ni Caloy. Di niya alintana ang dalagang nabigla sa kanyang ginawa.

Naiwang tulala si Isay...sa gulat niya ay hindi siya nakapagsalita. Matamang nakatingin lamang siya kay Caloy.

Nakangiti lamang ang binata na humarap sa kanya.

Oh...anung klaseng tingin yan? Alam mo naman na may mahal na ako diba?Gayahin mo masarap sa pakiramdam. Nakangising dugtong pa niya.

Oo...oo nabanggit mo na nga pala sa akin ang tungkol dyan...sana makilala ko naman siya.

Soon! matipid na wika ni Caloy. Its your turn Isay. Say whatever you want. Isigaw mo sa hangin ang kahit ano na nais mong sabihin.

Sige....bumuwelo ang dalaga.

Athan!!!!!!!!!!!!!!!!

Kahit sinaktan mo ako ng sobra...........

kahit pinaasa mo ako sa wala......

A Childish WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon