First Date Part1

41 0 0
                                    

Masarap sa pakiramdam ang first date yung tipong para kang di mapakaling sisiw kinikilig ka ng sobra at napapangiti ka sa mga bagay na walang kwenta. Natitigilan at natutulala tapos maya-maya matataranta kang bigla. "Ano isusuot ko?magpapagupit ba ako? Aahitin ko ba kilay ko? Mas gusto nya kaya ang kulu't-kulutan o straight? Dress or jeans? Heels or not? Red lipstick or lip gloss? Nakaka pressure, nakakaloka siyempre first impression last diba? Ganito ka din ba nung first date mo? Ay naku!parehas tayo.
Pero sa tuwing haharap ka sa taong pinakamamahal mo mas mabuting ipakita mo ang natural na ikaw. Diba mas nakakakilig yung sasabihin nya na minahal ka nya kung ano ka hindi kung anong porma o outfit meron ka.

~~~~~~~~~~~~********~~~~~~~~~~~

Isay...sunduin kita bukas sa inyo ng 4pm.

Bakit?

Gusto sana kita ayain manuod ng sine tapos kumain sa labas?

Inaaya mo ba ako ng date?

Parang ganun na nga...maari ba?

Oo naman..

Sige kita nalang tayo bukas.

Ok...

Bye Isay....salamat sa time sorry ulit.

Ok lang yun...Bye Athan

Matapos magpaalam agad na naglakad pauwi si Athan sa sobrang gaan ng kanyang pakiramdam at sayang nadarama, halos magtatatalon at magsasasayaw siya sa kalsada.

Luisa POV: pagbilang ko ng tatlo lilingon ka Athan sabi sa book na nabasa namin ni ching ganun daw yun paglumingon ibig sabihin mahal ka nga ng guy...

isa....

dalawa....

tatlo!

Unti-unting humarap si Athan at nagsimulang lumakad ng marahan paatras habang tinatanaw niya ang dalaga. Kumaway pa ito ng makitang naroon parin si Isay at matamang nakatingin din sa kanya.

Luisa POV:
Ayieee!lumingon siya!ay hindi humarap pa talaga siya!nakakaloka! Mahal nya ako mahal nga nya ako! Ayiieee!!! Akala ko ako lang ang deads sa kanya siya din pala!pak na pak talaga ang ganda mo Luisa!!!bonggang bongga!

Anu't para kang di mapaanak na pusa dyan Isay?sambit ng nanang niyang nakamasid pala sa kanya.

Over naman kayo sa suspense mader nagulat ako ng bongga!kaloka!

Oo muka ka ngang naloloka! Sino ba yung kausap mo?pumasok kana nga pati at baka magkasipon ka pa.

Si Athan po..yes mader andyan napo..mader maari po ba akong manuod ng sine kasama ni Athan bukas?

Hindi sumama si Caloy?

Its a date mader..

Nanliligaw na ba sayo si Athan?

Opows...(kiligness)

Mabait naman si Athan..hoy Luisa papayagan kita pero dito sa bahay ang akyat ng ligaw at hatid sundo kung aalis..gang 10pm lang walang labis mas ok kung kulang.

Yes hepe!

Sige babawiin ko nalang

Ay hindi si mader naman joke lang po.

Lakad at matulog kana ng maganda bukas. Dalaga kana talaga Isay. Tiwala naman ako sayong bata ka alam kong matalino ka at dika gagawa ng katangahan. Wag pababayaan ang pag-aaral ha?

Yes po thank you thankyou mader!mwah mwah mwah mwah!

Naku ke baho baho ko na eh.akyat na maglilinis lang ako ng katawan at susunod na ako.

Kinabukasan..

Bakit k napatawag sunget?kala ko ba galit ka saken?

Kaya nga ako napatawag aayain sana kita para makapagsorry nadin.

San tayo pupunta?

Basta...sama ka na sige na..libre ko.

Weh?!

Oo nga..

Sige sunduin kita ligo lang ako.

Sige wait kita bilisan mo ha?

Pgkalipas ng isang oras.

Tagal mo para ka talagang juding.

Ah ganon uwi nalang kaya ako magsosorry daw eh galit ka agad. Dapat lang mag-intay ka ikaw ang may atraso.

Oo na dami pang daldal lika na.

San ba talaga tayo pupunta?

Sa mall?

Aba mapera ata ang aking prinsesa.

Siyempre sobrang special ng araw na to eh..,

Wow naman ganun pala ako kaimportante sayo...di ka napat nag abala simpleng sorry lang sapat na.

Anu bang pinagsasabi mo?may date kami ni Athan mamaya papasama ako sayo bumili outfit.

So yun pala talaga ang dahilan dapat sa kanya ka nalang nagpasama kayo pala ang may date.

Eng eng!edi hindi na surprise saka ano kaya yun?dh naman pwede yun wag ka na nga umangal..

Wala ng nagawa pa si Caloy kundi samahan si Isay. Ayaw naman nyang umalis itong mag-isa. Kailangan din niyang itago ang nararamdaman para di ito mahalata ni Isay..

Agad na nagsukat ng damit ang dalaga..anu man ang suotin nito ay bumagay sa kanya lalong lumitaw ang ganda ni Isay nang isukat nito ang pulang bestida na may itim na laso sa bewang. Lumitaw ang hubog ng kanyang katawan at kinis ng kutis simple man itong tingnan tiyak na makakapukaw padin ito ng pansin.

Ano sa tingin mo Caloy?

Ok lang...

Anong ok lang?di ata bagay palitan ko nalang.

Ok lang yan mas simple mas maganda. Kahit anong isuot mo bagay sa sayo.

Talaga?dahil dyan libre kita talaga eat all you can!

Caloy POV: Kahit nakikita kitang bagong gising at di pa nagsusuklay o naghihilamos ikaw parin ang pinakamaganda para sakin. Hindi mo na nga kailangang magsuot ng ganyan kasi mas gusto ko yung natural na ikaw yung mukha at porma ng Isay na kumukumpleto ng aking bawat araw.

Matapos kumakain ay may inabot si Isay kay Caloy.

Ano to agang regalo pamasko ah..

Sorry gift ko sayo yan buksan mo.

Ganda naman nito.

Yan kasi bawat oras na tawagin kita andyan ka palagi. Para kang super hero kasi kahit asan ako pagtinawag kita sumusulpot ka kaagad. Isa pa napansin ko na luma na din yang relo mo kaya kung ok lang sayo palitan na natin ng bago.

Sabagay...salamat dito Isay.

Sus maliit na bagay lang yang kung ikukumpara sa lahat ng pabor na ginawa mo sa akin.

Halika na nga at ng makapag pahinga ka mamaya na date nyo diba?

Ok po sir!matamis na sagot ni Isay.

A Childish WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon