Man of my Dreams

36 2 0
                                    

Salamat po sa mga bumabasa ng aking gawa. Salamat po at kahit paano'y napansin ito. Kung nais man po ninyong magkumento ay maluwag ko po itong tatanggapin at gagamitin upang maisulat ko pa ng mas maganda ang mga susunod na bahagi ng story. Thankyou po ulit :-)

^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^

Neng!umalingawngaw sa covered court ang isang tinig. Tinig na pamilyar kay Isay. Mula sa kabilang dulo ng court ay natanaw niya ang isang babaeng humahangos at halos madapa makalapit lang ng mabilis sa kanya.

Anu ka ba naman Ching!asar na sabi ni Isay. Anlakas lakas ng boses mo daig mo pa naka mega phone. Naiinis man walang magawa si Isay, ganito talaga si Ching kahit maliit ito napakalakas talaga ng boses nito. Madalas itong tuksuhin ng mga kaklase at tawaging mega short for megaphone.

Hay!buti inabot kita..hingal na hingal pa ito habang nagsasalita.

Hay grabe nagutom ako dun ah! shet naman aga aga ang pawis ko.

Baka mantika kamo. Bulong ni Isay habang naka pameywang. Sino ba naman kasing nagsabing magsisigaw at magtatakbo ka?hay pambihira ka talaga saka isa pa magkaklase tayo kaya sure naman na makikita mo ako.

Ito naman aga aga napaka grouchy. Siyempre kahapon yung big day nyo diba?

So?pairap na tanong ni Isay.

Kwento naman neng.

Maya sa classroom. Nangingiting sagot ni Isay. Naalala pa niya ang nangyari kagabi bago sila maghiwalay ni Athan.

*flashback*

Nang magdilat ng mata si Isay nakita niyang nakatitig sa kanya si Athan halatang nabigla din sa nangyari. Dali-dali siyang kumalas sa pagkakakapit dito at inayos ang sarili. Sa sobrang kaba hindi malaman ni Isay ang gagawin o sasabihin.

Isay...so-sorry hindi ko sinasadya. Hindi ko matandaan kung pano... biglaan lang biglaan lang kasi..sorry, sorry talaga..dagling paghingi ng tawad ni Athan.

Nanatili padin nakatayo si Isay at nakatingin lang kay Athan.

Pasok na ako..goodnight. Iyon lamang ang tanging nasabi ni Isay at kinuha nito ang duplicate key sa kanyang hand bag.

Thankyou ulit..goodnight i-ingat ka pag-uwi. Nahihiyang sambit ni Isay at tumalikod na siya upang pumasok sa loob.

*end of flashback*

Arte!may paganun ganun pa.

Tara na nga. Ilang minuto din nilang tinahak ang pathway at papuntang Science Building kung saan ang unang klase nila. Natigilan si Isay ng mapansin ang isang grupo ng mga lalaki na patungo sa direksyon nila. Kilala niya ang mga ito. Mga miyembro ito ng Prime Movers ang sikat na all male dance group sa school. Sino ba namang di kikiligin sa mga ito sobrang gugwapo at sobrang galing sa dance floor. Marami ng nahakot na award at napanalunang contest ang mga ito in and out of the school. Sa katunayan nananatiling defending champion ang mga ito sa Inter School Clash Dance. Na sinasalihan ng iba't ibang private at public school sa lalawigan.

Nanlaki ang mga mat ni Isay ng mula sa grupong ito ay humiwalay ang isa at akmang lalapit sa kanya.

Hindi na nya nagawang kumilos pa ng tumigil ito sa tapat nya.

Good morning my princess. You look so lovely today. Then the young man showed an enchanting smile and winked at her. Daan lang ako saglit sa tambayan may meeting kami saglit. I'll meet you in class dugtong pa nito.Bumalik ito sa grupo ng mga binatang kasama nito at sumabay ng lumakad palayo. Narinig pa ni Isay ang panunukso ng mga kasama nito habang papalayo kaya nilingon nya ito. Gulat ma gulat siya ng makitang nakaharap ito sa kanila ni Ching habang naglalakad ng patalikod at may isinenyas ang mga kamay nito.

Love

sabay turo sa kanya at ibuka ang bibig para sabihin ang salitang

You.

Oh ehm ghee! kinkilig na tili ni Ching. Ikaw na talaga friend ikaw na!

Shh!tahimik nakakaeskandalo ka. Pinagtitinginan na tayo oh sabay nguso sa mga estudyanteng nakatingin sa kanila nagbubulungan ang mga ito at batid ng dalawa kung anu ang pinaguusapan ng mga ito.

So what?! nakapameywang na sabi ni Ching pakialam ng mga chaka na yan! Sa ikaw naman ang nilapitan eh wit mo pansinin ang mga Daisy  na yan. Mataray na dagdag ni Ching at kumapit na sa braso ng kaibigan. Palakad na sila ulit ng tumigil si Ching at napatili ulit.

Anu nanaman?nagka kunot noong tanong ni Isay.

OMG neng! mukhang kumpleto  sila pero bakit di nila kasama ang asawa ko???

Tumaas ang kilay ni Isay. Asawa???asawang pinagsasabi mo?

Spell asawa neng?

capital C-a-l-o-y heart heart heart!

Tse!ang blondie blondie mo! baka late lang yung. Halika na nga sabunutan kita dyan eh. At hinatak na ni Isay ang kaibigan papapuntang classroom.

Sa classroom ay ikinuwento ni Isay anggmga nangyari sa date nila ni Athan ngunit ng dumating sa puntong nasa pintuan na siya ay napatigil si Isay sa pagkukuwento unti-unting namula ang pisngi nito at napayuko nalang. Nahihiya siya bestfrend nya si Ching since Grade1 kaso nagaalangan pa din siyang ikuwento ang nangyari. Ayaw niyang isipin nito na kiss and tell siya. Pero dahil nangako sila sa isa't isa na walang sikretuhan ikinuwento niya narin ito. Halos magkulay kamatis siya ng matapos napakagat naman sa sandwich na baon si Ching.

Grabe neng nagkiss kayo??halos mabulunan ito at agad na uminom ng tubig.

Smack lang di naman sadya eh aksidente yun... Halos pabulong na sabi ni Isay.

Ayiee!so may first kiss ka na edi siya na yung last mo?

Teka anong last?

Tanda mo pa ba yung sinulat mo sa slam book nung grade four tayo?

Saglit siyang nagbalik tanaw. Naalala nga niya ang nakasulat doo.

Who is your first kiss?

Isay wrote.

Wala pa and if meron he will be my first and last. My first love and my last love the man of my dreams :-).

Naputol ang pagmumuni-muni ni Isay ng pumasok sa room si Athan. Kunwa'y di niya ito nakita. Nagulat nalang siya ng tumabi ito sa kanya. May isinuksok itong papel sa bag niya at nakangiting bumalik sa upuan niya. Tatanungin nya na sana si Athan ngunit pumasok na sa room ang teacher nila.

Mamaya nalang. Umikot ang kanyang tingin. Parang may kulang..wika ni Isay sa sarili habang nagbubuklat ng notes. Napagtanto lamang niya ang sinabi ng marinig niya ang tawag ng guro.

Sales

Absent po ma'am sagot ng isang kaklase niya. Napaangat ng ulo si Isay at napatingin sa direksyon ni Athan. Nang magtama ang kanilang paningin nagkibit balikat ito senyas na wala rin siyang alam.

Kinuha niya ang cellphone sa bag at palihim na ngtext.

To Caloyski:

Oi asan kana bakit di ka pumasok?

Lumipas ang ilang minuto pero wala pading reply. Napabuntong hininga si Isay.

Lagot ka sakin mamaya. Inis na bulong nito.

Para po magets nyo yung ibang words.
Daisy-inggit

Blondie-malandi.

Thankyou for reading :-).

A Childish WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon