Bracelet

35 1 0
                                    

Hi Isay

Athan ikaw pala..san ka galing bakit ngaun ka lang nagparamdam?

May inasikaso lang akong importante

Tungkol san?

Tungkol kay mama.

Ah ganun ba? Kamusta na nga pala siya?matagal nadin ng huli ko siyang nakita.

Ok naman siya medyo busy lang kaya di makauwi dito.

Kumain ka na ba? halika samahan mo ako kumain di pa ako nagtatanghalian eh.

Sige saglit lang ayusin ko muna itong mga gulay.

Tulungan na kita.

Salamat.

Jun ikaw na bahala dito pakisabi sa nanang ko umuwi na ako papunta nadin yun dito.

Sige Isay ako na bahala dito.

Halika na Athan.

Athan ikaw ba may balak kang umalis dito sa Baguio?

Ayoko magsalita ng tapos Isay minsan kasi may mga pagkakataon na ibibigay sayo ang buhay na maaring maging dahilan para umalis ka sa lugar na kinalakihan mo.

Ibig sabihin may balak ka nga umalis dito?

Kung para sa ikabubuti maaring oo.

Ikaw ba?

Ako?natatakot ako umalis dito.

Baka kasi di ako maka adapt sa bagong lugar na lilipatan ko.

Hindi mo dapat ikatakot ang pagbabago Isay. Nasa pakikibagay naman yun eh.

Saka di naman ako aalis dito ayokong maiwan ung taong mahal ko.

May minamahal kana? Sino? Kilala ko ba?ikaw ha bakit diko alam yun?

Anu kaba? si mama syempre. Saka ikaw..

Ako?

Oo saka si Caloy pati si Aling Tina mahal ko kayong lahat kaya di ako agad makakaalis ayokong iwan kau.

Sabagay. Kala ko may pinopormahan kana eh.

May balak sana kaso alangan ako eh.

Ha?yang gwapo mo at talino mo na yan?engot lang ang di magkakagusto sau.

Teka maiba ako ikaw bakit sa dami ng nagpapapansin sayo di ka nagpapaligaw?

May hinihintay kasi ako..

Hinihintay? sino?

Ikaw...

Ako?

Oo ikaw, ay oo ikaw nga hinihintay ko mag ka gf ka muna saka saka si Caloy bago ako tama ganun nga.

Ikaw talaga halika may bibigay ako sayo.

Ang cute naman nito..

Pasalubong ko sayo yan at tanda yan na habang wala pang nagmamay ari ng puso mo ako muna ang magaalaga at magtatanggol sayo.

Ang galing parang si Shaider kapag kelangan ko tulong tatawagin kita dito sa bracelet ko. Ang tanong dadating ka ba?

Kahit di mo ako parati kasama lagi kitang inaalala ganun ka kahalaga sakin Isay.

Nang gabing yun hindi halos nakatulog si Isay sa sayang naramdaman.

A Childish WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon