Kenny
It's been a long month for us all. And its the 2nd week of October. Many things had change too, like how fast the night turns into a new bright tomorrow. Yet, despite how many times we tried to escape. We know the only thing to do is to survive and be content to what the sunshine brought to us.
Kung pwede lang sana ako magpatulong sa guwardiya ay kanina ko pa ginawa. Subalit nagdadalawang isip ako, nagbabasakaling talagang pag-isipan nila akong tunay na bading. Ngunit ano ba?! Ang bigat-bigat kaya nitong mga pina-laundary ko. Ni hindi ko nakikita masyado yung dinadaraanan ko. Andami ko palang mga bedsheet at ibang damit na hindi ko masyadong ginagamit, pero kinakailangan nang labhan dahil lilipat na ako pagkatapos ng maiikling holiday break namin sa eskwela.
Mahina akong bumuntong hininga sa bigat nang bitbit ko at sandaling inayos ang pagkakayakap sa malaking laundry bag. Hindi ko ito magawang bitbitin sa gilid kaya binuhat ko nalang ito. Sinubukan at ginawa ko na iyon kanina pero hindi kinaya nung BAG!
Oo, yung bag ang may problema!
Lumalakad na ako papuntang elevator nang makapasok sa building ng condominum ng bigla akong may nabanggang tao. Ganun nalang ang pagtataranta kong tumagilid para tignan kung sino yung hayop---
"Hindi ka ba tumitingin sa dinadaraan mo?" mataray niyang wika.
"I'm sorry, Miss.." kalmadong paghingi ko ng pasensya. "I didn't mean to bump---"
"Oh my gosh! You must be Kenny." singgit niya nang makilala ang gwapo kong mukha.
Subalit kumunot naman ang noo ko, "P-po? Do I know you, Miss?"
"Of course not." Sabay tawa niya. "Paakyat ka na ba?"
Minaliitan ko siya nang tingin para titigan ito. Nagbabasakaling nakita ko na ito kung saan, subalit kahit anong titig ko sa mala-koreana niyang mukha ay sadyang walang may pumipitik sa mga dendrites ko sa utak.
Magsasalita palang sana ako para magtanong ng nauna na niya ako.
"Kailangan mo ba ang tulong?" nakangiti niyang alok.
Hindi ako sigurado sa kung ano ang nangyayari. Ngunit isa lang ang maisisiguro kong, hindi ko kayang pumindot ng kahit anong buttons sa elevator. Kaya bago pa man magbago ang isip niya ay kaagad na akong tumango.
Tamang-tama nang maipindot na niya yung up-botton. Iyon din ang pagbukas nang pinto nung elevator. Ibinigay ko din kaagad sa kanya yung daan para mauna itong makapasok. At nang makapasok ito ay sumunod rin naman ako. Kasabay nun ang pagtanong niya sa'kin kung saang floor ako. Kahit medyo nahihiya sinabi ko pa din atsaka nang pasalamat sa kanya.
"You're friends with Trinity, right?" basag niya sa katahimikan namin.
Mahina ako tumango, "Y-yeah..."
"Hindi na ba siya nakatira dito?"
"Ba't mo naman naitanong?" nacucurious kong anas.
Nakipagbalikat lang ito, "Nothing, hindi ko na siya kasi masyadong nakikitang umuuwi dito. Saan na ba siya ngayon?" Sabay baling nang tingin niya sa'kin.
Pero nanatili akong nakatingin sa harap, "I can' t disclosed my friend's information with anyone."
"Why not? I just want to know you." anas niya.
What's with this feeling? I felt something wrong with this woman. Is she' trying to flirt with me or did she want something that could brought trouble?
Sinusubukan kong baliwalain ngunit nang naging tahimik ulit kami pareho. Parang may kung ano akong nararamdaman. Yung tipong parang may binabalik ito. Teka! Hanggang dito na lang ba talaga ako? Sandali, ni hindi man lang naging kami ni Tomboy. Kahit sa huling paghinga ko man lang.
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 2
Aksi| ONGOING (Updates Every Saturday) | What's the saddest thing about love? It's when you know there's no way you'll ever be together, however, you still wish for it to work. It's when your mind tells you to "let go," but your heart tells you to "hold...
