✓Chapter 150

33 2 0
                                        

Chrizzy

"We'll try the best we can, Miss Vargas." wika nung registrar na kausap ko. "But as of we know about your lastest chosen company. They don't accept sudden changes for OJT pupils."

Dahan-dahan akong tumango sa kanya, "Thank you. Please update me anytime."

Nakangiting tinanguan rin niya ako saka inabot pabalik ang mga inabot kong papeles. Tumayo kaagad ako ng makuha saka lumabas ng registrar's office.

Medyo kakaunting na ang mga estudyante narito sa campus. Hindi na ako nagtataka dahil last day na naman ng klase bago ang mahabang holiday break. Ni parang kailan lang yung opening of classes namin, at mukhang nawala nga sa isip ko kung anong pesta na. Subalit nakakabuti din ito may kaunting pahinga. Dahil masyadong abala ang naging first semester namin. Hindi pa nagtatapos pero buhay naman namin ang matatapos.

Bababa na sana ako sa building nang dumaan muna ako saglit sa CR. Kanina pa ako tinatawag ng kalikasan pero dahil mas importante yung pinapaayos sa registrar. Pagkatapos kong ilabas ang idapat ilabas ay naghugas kaagad ako ng kamay saka inayos ang sarili bago lumabas.

"Look's like your rival is back." rinig kong boses ni Claudia mula sa likod ko.

Ngunit hindi ako nag-abalang huminto o lingunin ito. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad samantala nakasunod naman ito sa likuran ko at binibwisit ako.

"Ano naman kung nandito na siya?" mataray kong sambit.

Rinig ko naman mahina siyang natawa, "Hindi ka ba na threaten na nandito siya? Poor thing. You're going back down again where she left you."

Sa inis ay huminto ako sa paglalakad at hinarap siya.

"Would you stop annoying me?" iritang-irita kong bulyaw.

"Ang akala ko ba kilala mo na ako?" Pinagkrus niya ang dalawang braso sa dibdib at mataray din akong tinignan. "Or maybe you forgot who I really am..."

"Kilala kita, pero ayaw ko ang paraan ng pambibwisit mo." Lumagutok ang dila ko sa kanya saka siya inirapan.

Subalit sinalubong ko ulit ang paningin niya ng marinig ang mahina niyang pag-humming. Yung tipong parang may iniisip ito habang nakatitig sa'kin.

"Its quite odd." aniya habang nakakunot ang noo.

Tumaas ang isang kilay ko, "Wala akong oras sa kalukuhan mo."

Tatalikod na sana ako para makaalis. Nang napahinto ako sa sunod niyang sinabi,

"Bakit nga ba mukhang hindi ka nagulat sa pagdating niya?" Kahit hindi ko inutusan ang kamay ay unting-unti naging kamao iyon sa pagpipigil. "Ang ibig kong sabihin, mukhang ikaw lang ang hindi nasopresa sa pagdating ng taong iyon."

"Why should I be surprise?" pagtatago ko.

"Vargas...." mapaglaro niyang bigkas sa apelyido ko.

"I don't care she's back."

Iniling niya ang ulo, "Really? Sa pagkakaalam ko hindi ba ikaw ang humingi na mawala siya ng tuluyan sa paligid mo."

"Alam ko kung ano ang hiniling ko nung araw na iyon---"

"But you didn't do something?" putol niya sa dapat kong pagpapaliwanag.

"I already did..." anas ko.

Mas lalo naman kumunot ang noo niya at minaliitan ako ng tingin.

"Don't tell me you already s----"

"Indeed!" singgit ko para tumigil na siya. "Remember the night you came to me in the bar? She saved me when I was almost got hit by a car. And not just she saved me from the threat of the dead, but she drives me home since I am too drunk to commute on my own."

Assassination Incorporated | SEASON 2Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon