Chapter 12
Captured beats and boundaries
"Marah, anak..."
Ang malamyos na boses ng ina ang sumalubong sa akin, lunes ng umaga. Nag-aayos na ng gamit at handa ng lumabas para sa almusal ng nakatanggap ako ng hindi inaasahang tawag mula sa kaniya.
"Baka hindi na lang tatlong taon ang kontrata ko dito," aniya na nag-dahilan sa akin upang matigilan. Ang hawak na Journal sa accounting ay nasuspende sa pagsilid sa aking bag.
Wala man siya sa aking harap ngunit bumaling pa 'rin ako sa cellphone na naka-loudspeaker ngayon tila nakikita niya ako.
"Po?" tanong ko. "Nadagdagan po ba? Apat? Lima? Anim?"
Ibinaba ang kamay sa kandungan ay ramdam ko ang kaniyang buntong hininga sa kabilang linya. Sa tinig na iyon ay agad ko ng naramdaman ang kabiguan o panghihinayang o baka lungkot.
Sa iilang Segundo ay parehas kaming naiwang tahimik. Ako na kinakabahan sa kaniyang sasabihin at siya na marahil ay nilalabanan ang pag-aalinlangan.
The hunger of idea having mother's care in me remain unfed. Ever since I was a kid, I need to learn how to depend on myself, dahil wala akong ibang aasahan kung hindi ang sarili ko. Kailangan kong tumayo mag-isa dahil kung hindi ay masusugatan ako at ako lang din naman ang gagamot sa sarili ko.
I've met a lot of people, envying me, showering me praises of how well independent I am. For how good I manage things on my own, for I always solve my dilemmas without the help of others, pero kasi minsan nakakapagod, nakakapagod din maging matapang.
Dahil wala akong ibang pagpipilian. Minsan kailangan ko 'rin naman magpahinga at dumepende sa iba, dahil tao lang 'rin naman ako. Umiiyak. Nanghihina. But since I was carrying the meaning of 'independent' no one's offer their help. So I have no choice.
Staring at my reflection on the vanity mirror, I've realized how pitiful I am.
"Naaprobahan na ang PR ko," panimula niya. "Dumating na ang green card ko hija,"
Agad pumorma ang kunot sa aking noo kasabay ng hindi makapaniwalang nararamdaman dagdagan pa ng gulat na sumaklolo sa aking Sistema.
"Baka hindi na ako bumalik diyan," dagdag niya pa ng maramdamang hindi ako magsasalita.
May kung anong mabigat na bagay ang dumagan sa aking dibdib sabayan pa ng mga luhang kinalabit ng kaniyang mga salita. Wala galak akong humalakhak na para bang isa siyang payaso na nagbitaw ng malaking biro.
"Anong sabi mo, 'Ma?" tanong ko sa pagitang ng tawa. "Hindi na babalik?"
Sa kabilang linya ay narinig ko ang kaniyang marahan na pag-saway sa aking pangalan, sinasabi ng kaniyang tono na intindihin ko siya ngunit sarado 'ata ang aking utak.
"Ma paano naman ako?" tanong ko ng lumisan na ang pagtawa. "Paano ako dito?"
Parang nilulukumos na labahan ang aking dibdib. Hindi masabi ang mga salitang gustong isigaw sa kaniya.
"Marah, makinig ka, padadalhan pa naman kita ng pera. Hindi ka kasi puwede dito-"
Agad akong umiling kasabay ng pagtakip ko sa aking tenga. Ayaw tanggapin ang kaniyang mga salita dahil pagod na ako sa paulit-ulit na diskusyon na ito.
"...nandiyan naman ang pinsan mong si Shabina hindi ba?"
Lumipad ang aking kamay sa bibig kasabay ng pagkawala ng aking marahang hikbi. Hindi masabi kung saan ako tatakbo ngayon dahil una sa lahat, pagkatapos ng college ay kukunin na 'rin sina Shabina ng kaniyang Papa na nasa Dubai ngayon.
BINABASA MO ANG
The Endgame and Mischief
Подростковая литератураGrieved for the spoken words, Mourn for the memories on hold, Tears like a domesticated fall How could I remain the desire for so long? You lay down the rules, put down the knight and pawn, We played chess, I never thought, I was playing with death...
