Chapter 11
Jealousy, jealousy, all eyes on me
Araw ng biyernes ay halos kaliwa't kanan ang aming quizzes. Dahil na 'rin sa buong linggo ay puro activity at lecture lamang kami. Kaya ayaw ko ng ganito eh, mas gugustuhin ko pa ng after discussion ay quiz dahil kapag iipunin ang topic ay hindi ko na alam saang sulok ng utak ko nasiksik ang tinatawag nilang 'stock knowledge'
Nanlulumo akong yumuko matapos ipasa ang one whole sheet of paper na naglalaman ng aking quiz sa General Math. Wala akong naisagot sa number two at seven dahil sa nakalimutan ko iyong formula, bukod pa diyan ay hindi 'rin ako sigurado sa sagot ko sa ibang number.
Hindi ko alam pero gusto ko nalang maiyak. Nag review naman ako. Kinabisado ko naman ang lahat ng formula na nasa quiz pero bakit wala pa 'rin akong nasagot? O kinabahan lang ako? Kasi diba Math...pero hindi, nag review kasi talaga ako.
Naluluha ang mata kong kinuha ang aking ballpen at kuwaderno nang sa nalalabing kinse minutos ay nagpakopya si Ma'am ng susunod naming topic.
Sinulyapan ko si Alexander ng maramdaman ang kaniyang mainit na titig sa akin.
"Bakit?" mahina ang boses kong tanong. Binuksan ang sign pen ay bumaling na ako sa pisara. Nagpaalam ang aming guro matapos isulat ang hindi naman kahabaang lesson.
"Bakit ganiyan ang mukha mo?" kunot noo niyang tanong.
Muli siyang sinulyapan ay napalabi ako. "Ganito naman ang mukha ko ah,"
"You look like a baby asking for a milk, Cornell,"
Napabaling ako sa kaniya na bahagyang nanlaki ang mata. Naiiling siyang bumaling sa kaniyang kuwaderno bago magsimula ng magsulat. Natigil sa ginagawa ay tuluyan ng nanubig ang aking mga mata.
"Dalawang beses akong hindi nakasagot sa recit, Takahashi..." mahina kong ani. "Nag-review naman ako, pero kanina wala akong masagot, as in wala. Kung hindi dahil sa Domain and range ay wala talaga akong sagot," umalpas ang luha sa aking mga mata at mahinang napahikbi.
Natigil siya sa pagsusulat ngunit hindi bumaling sa akin. Nasulyapan ko pa ang paglingon sa akin ni Ara, marahil sa pagtataka.
"Nag-aral naman ako parehas niyo, pero bakit ako walang masagot?" yumuko ay pinunasan ko ang aking mga luha na nag uunahan sa aking pisngi. Mabuti na lamang at wala si Femella, OA pa naman 'yun.
"Bagsak talaga ako 'dun, Alexander." Saad ko sa pagitan ng mga hikbi.
Namataan ko ang kaniyang pag buntong hininga bago ibaling sa akin ang kaniyang katawan. Ang ballpen ay itinakwil at ang kaniyang kamay ay dumantay sa aking mukha-hinawi ang iilang tikwas ng aking buhok at itinago ito sa likod ng aking tenga.
"Nag-aral ka, Cornell." Mahina niyang ani, ang kamay ay idinantay na sa aking armchair. "Stop torturing yourself. Kung mali 'yun, edi mali. Kung bagsak e'di bagsak wala na tayo 'dun magagawa."
Mas lalong naiyak ay hinila ko ang kaniyang buhok kasabay ng kaniyang palatak.
"Siraulo ka! May pangarap ako 'no! Hindi puwedeng bagsak, kahit mga seventy-six lang. Ma-survive ko lang ang GenMath!" asik ko at binitawan ko ang kaniyang buhok at pinalis ang aking luha.
Inirapan niya ako bago padabog na inayos muli ang kaniyang buhok.
"Ang sinasabi ko lang naman," mahinahon niyang ani. Binasa ang kaniyang pang-ibabang labi ay tinagpo niya ang aking tingin. A little fire was lit inside my chest that makes me feel warm, when I saw worried and concerned on his sunset like eyes.
"Kung bagsak ka, mag-aaral tayo. Tuturuan kita hanggang sa makuha mo. Hanggang sa makapasa ka. Trust me, Marah. Makakapasa ka." aniya.
Napasingot ay tinitigan ko siya kasabay ng pagsibol ng pag-asa sa akin. Maybe a little try harder. Maybe I should exert extra effort than before. Kasi ganon naman diba, there's no easy success, there's no shortcuts in the long path we were walking in. We should bear it, even how much it takes.
BINABASA MO ANG
The Endgame and Mischief
Teen FictionGrieved for the spoken words, Mourn for the memories on hold, Tears like a domesticated fall How could I remain the desire for so long? You lay down the rules, put down the knight and pawn, We played chess, I never thought, I was playing with death...
