Chapter 19
Yellow smiles and red promises
"Hello! I'd rather be broke and crying while on my pair of Balenciagas and drinking my chamomile tea in my Hermes dainty tea cup, than to be broke and broke and broke," si Shabina habang kami ay nakahiga sa kaniyang kwarto.
Tumawa ako at idinantay sa kaniya ang hita. Inabanduna ang ideya ng antok ay nanatili kaming nag-uusap gabi bago ang kaniyang birthday, ito na 'rin ang naging paraan namin para sa pagsalubong ng kaniyang kaarawan.
Tumawa ay umiling ako sa kaniyang sinabi.
For me, I'd rather be hungry and have supper with the best person on the best night. Because I'd live with life where luxury has been served, when material things became company...and the feeling was more than being broke.
I think that's my own perspective, based on my lack of... Shabina has a complete family, living on an average life but fair enough to have those things she is in need...but despite of those, she must ask something that she was deprived of...luxury.
Yumakap sa akin ay siyang paghalakhak niya.
"Dati gusto kong i-celebrate 'yung eighteenth birthday ko sa pag-travel...'yung ako lang mag-isa," aniya.
"Bakit hindi mo gawin ngayon?" tanong ko bahagyang pumikit.
"Kasi napagtanto ko bigla na nakakatakot pala ang mundo," mahina niyang sambit dahilan upang ako ay mapamulat. "Alam mo 'yun,"
Sinulyapan siya ay nakapikit siya habang ang kamay ay marahang pinapasada sa kaniyang buhok.
"Hindi mo mapapatunayan kung hindi mo susubukan,"
Umiling siya. "Sa estado ko ngayon? Hindi papayag si Papa, sasabihin 'nun gastos lang,"
Ngumiti ay umiling ako. "Birthday mo naman..."
"Naalala mo pa ba," bigla niyang panimula bago tumihaya sa pagkakahiga. "'Yung grade six tayo, hindi pa natin alam na magpinsan tayo," she snorted.
"Tapos inaway mo ako kasi sobrang sipsip ako sa Teacher natin, to the point na dinadalhan ko pa siya ng snack para sa recess,"
Humalakhak ay tumango ako. "Kaunti na 'nga lang mag rally na kami sa harap ng classroom eh, mapatalsik ka lang sa section natin,"
"Alam niyo naman kung bakit ko ginagawa 'yun diba?" mahina niya biglang sambit. "Gusto ko lang naman maging proud sa akin sina Mama, nahihirapan akong mag-sulat ng essay sa English kaya wala akong choice, hindi puwedeng bumaba ang grades ko,"
Tuluyang bumaling sa kaniya ay ngumiti ako. Sa ilaw na tumatakas mula sa poste ng kalsada ay siyang pagbigay sa akin ng liwanag bilang alay.
"Lahat naman Shabby may rason, masama man o hindi," ani ko.
Shabina and I started being mortal enemies, hindi ko na 'nga maipaliwanag ang nararamdamang muhi sa kaniya noon, ngunit kahit kaklase namin noong Elementary ay hindi makapaniwala kung saan na kami dinala ng galit at kung ano na kami ngayon.
Sinulyapan ang relo na nakasabit sa kaniyang puting ding-ding ay napangiti ako ng makitang tumutok ang kamay ng orasan sakto sa Alas dose ng umaga.
"Happy Birthday Shabby," anunsyo ko bago bumaling sa kaniya at pumalakpak sabayan pa ng mahinang kanta ng 'Happy Birthday'
Antok siyang ngumiti bago umiling sa akin. I jokingly cleared my throat and be seated. Natatawa niya akong tinitingnan habang inaayos ko ang aking buhok.
"Alam mong ayaw ko ng mga ganito, birthday cards and greetings," ani ko. "Pero dahil birthday mo sige," natatawa kong saad.
"Dami mong alam dapat kanang ipatumba," sambit niya na nagbigay tawa sa amin.
BINABASA MO ANG
The Endgame and Mischief
Teen FictionGrieved for the spoken words, Mourn for the memories on hold, Tears like a domesticated fall How could I remain the desire for so long? You lay down the rules, put down the knight and pawn, We played chess, I never thought, I was playing with death...
