Chapter 17
The notebook full of hope
In the name of my dear life, I was used of being one of the options, the choices, one of the things you'll leave once you've made up your decisions.
But it is the human nature, to choose the best, the one we think we deserve, we don't settle for less as we know our worth. So we asked for something good or better or luxurious or gleaming, the one we'll remind us of our greatness, so why would settle for a stone? if there's a diamond waiting?
And, as I've live my not so glamorous life, I know that there's always someone who's better or greater than me, someone who's capable on things I cannot, that's why things become vindicated, the only thing I could do, to people who leave me as their choices was Acceptance, to wave my hand, as I watched them leave, because that is their own perceptions, I can't do anything about it.
But right now, with grace, immaculate touches, divine feelings I can't put into words how ecstatic this moment is. How marvelous it is, for someone to choose you, to become their answer, to be their missing piece.
The overwhelming feeling being someone's light, or water in the middle of the drought, or fire in the winter, and it was Alexander. The one who made me feel so surreal that I doubt if I am still exhisting, yet, on the other hand, without trying, he did convince me to hold and tighten the gripped for my life, the end is far, and I have so many things to live about.
Kinabukasan ay parehas kaming puyat ni Shabina dahil matapos umalis nina Alexander ay tuluyan niya na akong hindi pinakawalan upang simulan ang unang pahina ng kuwentong takam silang marinig, at katulad niya habang nagsasalaysay ako ay hawak niya ang cellphone at naroon sa kabilang linya sina September, taimtim na nakikinig na tila ba nakadepende sa akin ang kanilang tenga.
Gusto ko man sanang wag na munang ipaalam kina Shabina sa dahilan na maghahanap pa ako ng tiyempo at lakas ng loob dahil sa kahihiyan, ngunit naisip ko na ngayon pa ba ako mahihiya? Pagkatapos ng mga nangyari?
Pinagdikit ang mga labi ay mariin kong nilabanan ang ngiting pumipilit sumibol sa aking labi.
Segundo matapos ang halik ay nanatiling nakapulupot ang aking mga kamay sa kaniya. Ang baha ng iba't ibang uri ng galak na nararamdaman ay pinapahupa bago unti-unti ng imulat ang mata.
Ang kaniyang singkit na mata ngayon ay nababahiran ng malamyos na ekspresyon at ang labi ay may maliit na ngiti habang ang mga kamay ay nanatili sa aking bewang.
"Sabi na eh, lihim mo kong pinagpa-pantasyahan," bulong ko sa pagitan ng hingal at ngiti.
"Tinupad ko lang ang pangarap mo," ganti niya pabalik dahilan upang matawa ako.
"Ang kapal ng mukha mo,"
"Wag kang masiyadong maging masaya, nahahalata," aniya dahilan upang mas lalo pa akong matawa.
Ang aking kamay ay dumantay sa kaniyang buhok bago malamyos itong kusutin habang nakatitig sa kaniya. Ang kaninang tawa ay nauwi sa sinserong ngiti habang hinahayaang malunod ang sarili sa dilim hatid ng kaniyang mga mata.
"Bakit hindi mo manlang ako pinansin? Bakit hindi mo manlang ako pinilit? Kasi baka kung ganoon, mas maaga kung napagtanto," bulong ko habang nakatitig pa 'rin sa kaniya.
"Gusto kita, Marah, pero ayaw kong pilitin ka na piliin mo 'ko,"
Hindi ko mapigilan na mapangiti.
"Thank you," pinigilang maging emosyonal ay agad ko siyang niyakap.
On my odyssey full of wrong ways and U-turns I am more than blessed for I have someone waiting for me at the end, waving. I don't need someone who'll run with me, chasing those demons, I need someone who can understand me while I chased my own demons. Hindi ko kailangan na sabayan ako sa lahat ng bagay, ang kailangan ko ay iyong iintindihin ako sa mga oras na hindi ko maintindihan ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
The Endgame and Mischief
Подростковая литератураGrieved for the spoken words, Mourn for the memories on hold, Tears like a domesticated fall How could I remain the desire for so long? You lay down the rules, put down the knight and pawn, We played chess, I never thought, I was playing with death...
