Chapter 6
Commencement
Even Cassius Rebel cheated on me, even he causes disappointment to me, even he fooled me, I can't help but to cry, to shed a river of tears, dahil sa panghihinayang, sa kawalan at mga emosyong hindi maipaliwanag.
I'm late. I'm late to discussed the matter, huli na para ayusin ang dapat matagal ng inayos. And after all of these, I did let go of him, but as weekend passed, I did realize that Cassius Rebel let go of us, before all of these, bago pa man ako bumitaw, nauna na siya.
I left too late.
No texts. No calls. No hugs. No kisses. No Coffee pools. No Mockery. No Cassius Rebel.
I think the most heart breaking when ending a relationship is not truly the idea of being apart, but the feeling of being left alone, because we used to have them by our side, we used to have their company, and it was suddenly claim back.
But maybe...maybe every step I will take right now may cause an unbearable pain, but I'll try to be optimistic, someday...I hope that day will come that I'll look back today and I'll be proud, for putting myself first.
Inayos ang suot na jacket ay pinakita ko sa guard ang aking ID. Ang naturang mall ay sarado pa at nagbubukas tuwing alas nuebe ng umaga. Kapag may pasok kaming mga estudyante ay sa underground parking kami pumapasok, kasabay din ng pagbukas ng mall ang pag gamit ng elevator, kaya ang gamit namin sa umaga ay ang hagdan ng Fire Exit.
Habol ang hininga at nangangalay ang tuhod akong nakarating sa ika-apat na palapag. Nag chat na ako kanina kay Tempest kung nandiyan pa ang aming guro sa unang subject kaya ni-check ko ang aking phone.
Tempest:
Pasok kana! Wala na si Ma'am!
Tinakbo ko ang distansiya at agad pinihit ang saradora. Sinalubong ako ng malamig na buga ng Aircon kasabay ng tahimik na bulongan. Tinaasan ako ng kilay ni Shabina, marahil ay nagtataka kung bakit ako late o—bakit namumugto ang mata ko.
Hanggang ngayon ay wala pa din silang alam, pero kung mayroong oras ay bubuksan ko ang usapan.
"Nag quiz kayo?" hingal kong tanong sa nagliligpit na si Femella.
Nasulyapan ko ang aking kanang katabi na bakante ang upuan ngunit naroon ang kaniyang itim na NorthFace na bag. Napanguso ako.
"Hindi, nag discussed tapos nagpakopya lang. Hiram ka notebook ko?" si Femella ng tuluyan na akong makaupo.
Tumango ako.
"Huy Marah! Bakit ka late?!" si September at naupo sa teacher's table.
Ngumisi ako, tila lahat ay nasa maayos, tila walang umalis at walang nasaktan.
"Nilibot ako nung Tricycle, may binaba sa Ateneo." Palusot ko.
Kahit sa totoo lang nahuli ako dahil pinagisipan ko pa kung papasok ba ako o hindi. Pumatay ako ng oras kakabalanse sa sarili ko kung kaya ba ng katawan ko magtrabaho sa araw na ito.
But I'd motivated myself, seldom you may feel that the world stops, yet, despite of it, don't stop yourself, just go on, have your own. Kung magmumukmok ako sa apartment, walang mangyayari.
Hindi matatapos ang isang gawain kung titingnan ko lang. If I want to move-on I should learn how to step forward.
Kinuha ang aking notebook sa OralCom ay nagsimula na akong komopya sa lesson na isinulat ni Femella. Kinamot ang likod ng aking tenga bago buksan ang ballpen. Yuyuko na sana ng biglang bumukas ang pinto. Napaangat ako ng tingin.
The signature crooked smile of Flash Asnee was painted on his face. Binati niya si September sa may Teacher's table. Sa kaniyang likod ay nakasunod naman ang umagang-umaga ay nakabusangot na, na si Alexander, may hawak siyang kape na wari ko'y iyong tag-singko sa vendo machine.
BINABASA MO ANG
The Endgame and Mischief
Teen FictionGrieved for the spoken words, Mourn for the memories on hold, Tears like a domesticated fall How could I remain the desire for so long? You lay down the rules, put down the knight and pawn, We played chess, I never thought, I was playing with death...
