Chapter 13
Cruel confusions and fears of obsidian heart.
"Magkano isang pirasong ledger?"
"Pahiram naman ako ng pantasa!"
"May extrang lapis kayo?"
Sa pangatlo at huling araw ng exam ay tanging major subject ang aming i-ta-take-Accounting. Kaya naman hindi na halos magkanda-ugaga ang lahat sa paghahanda. Dalawang oras...at sa loob niyon ay kailangan nakapag-journalizing, trial balance at work sheet na.
Sa labas ng Classroom ay doon kami nagtipon habang sarado pa ito. Pinagmamasdan sina Shabina sa aking harap na magpabili ng binili nila kahapong sheets ng ledger.
Muling bumaling sa aking reviewer ay tahimik kong tinandaan ang mga terms at theories na naroon. Inabot ang bote ng kape ay hindi ko na alam kung pang-ilan ko na ito simula kahapon. Ramdam ko na 'rin ang paghapdi ng aking sikmura ngunit ang tensyon na bumabalot sa akin ngayon ay walang panama 'rito.
Wala sa sarili akong nag-highlight ng isang linya, hindi ko alam ngunit hindi pa man nagsisimula ang aking buong araw ay pagod na ako, tila ba walang buhay ang lahat, tila ang paligid ay nakakawalang gana.
"Nandiyan na pala sina Flash eh!" anunsyo ni Diether dahilan upang ako ay mag-angat ng tingin.
Mula sa bunganga ng Fire exit ay iniluwa niyon sina Flash, sa kaniyang likod ay si Alexander na prente lamang na naglalakad, ang kaniyang awra ay kinokontra ang buong tensyon na nararamdaman ko ngayon dahilan upang ako ay makaramdam ng pagtataka.
Suot ang kanilang complete uniform ay agad kumaway sa amin si Flash. Hindi na ako nag-abala pang bumati dahil nasa may sulok ako naka-upo kaharap si Raymart, iyong kaklase naming magaling sa Math.
Narinig ang batian at tanungan mula sa bagong dating ay hindi ko iyon pinansin at ibinuhos ang buong atensyon sa binabasa. Hindi pa man minuto ang lumipas ay may aninong tumabing sa aking puwesto.
Sa istilo ng itim na sapatos, sa amoy ng samyo na lumukob sa aking posisyon, at ang suot na awra na bumubutas sa hangin ay agad nakilala ang pagkaka-kilanlan. Hindi nag-abalang mag-angat ng tingin ay nagpatuloy ako sa pag-highlight.
"Anong ginagawa mo?" tanong niya sa uri ng pang-umagang boses.
Ang matang kaninang nakabaling sa mga letrang itim ngayon ay lumapat na sa kaniya. Nag-squat sa aking harap ay taka niya akong tinitigan. Ang kaniyang mukha ay halatang bagong gising dahil sa pagkakadiin ng kasingkitan ng kaniyang mga mata dagdagan pa ng tamad na ekspresyon na umuukit sa kaniyang mukha.
Bumuntong hininga ay pinaglaruan ko ang hawak na highlighter. "Baka nagre-review?"
Nahuli ko siyang palihim na umirap dahil sa aking sagot. Ang kaniyang buhok ay pinasadahan bago padaanin ang dila sa pang-ibabang labi.
"Ilang minuto nalang exam na," aniya sabay sulyap sa kaniyang pang-kamay na relo.
"Kaya 'nga kailangan kong mag-review, Takahashi. Up to four hundred iyong exam, hindi ako puwedeng bumagsak," asik ko at agad bumalik sa ginagawa kanina.
Ramdam ko ang kaniyang pag-iling bago magpakawala ng mabigat na hininga.
"Kinakabahan ako," mahina kong dagdag habang ang tingin ay nasa papel pa din ngunit hindi na maintindihan ang nakatala doon. "Hindi ako puwedeng bumagsak..."
"Paanong hindi ka kabahan kung ginagawa mong tubig ang kape," saad niya dahilan upang mahila niya pabalik ang aking atensyon.
Tumayo ay may kung anong kinuha siya sa kaniyang backpack, hindi manlang siya nag-abala na palitan iyon sa mas maliit pa dahil sana exam naman. Naglabas ng bote ng mineral ay yumukod siya bago ilagay iyon sa aking gilid at naka-ismid na kinuha ang aking hindi pa masiyadong nabawasan na kape.
BINABASA MO ANG
The Endgame and Mischief
Teen FictionGrieved for the spoken words, Mourn for the memories on hold, Tears like a domesticated fall How could I remain the desire for so long? You lay down the rules, put down the knight and pawn, We played chess, I never thought, I was playing with death...
