Chapter 20
Words of addled lips
Matapos ang Peñafrancia Fiesta sa buong Bicolandia ay siyang panunumbalik ng aming klase sa Dati. Maagang nagising ay sinigurado kong maligpit ang mga activity na pinagawa ng aming teachers na ipapasa ngayong lunes.
"Okay ka lang?" tanong ko kay Shabina ng makaharap siya sa lamesa.
Naupo sa aking upuan ay nakatitig ako sa kaniya habang sumimsimsim ng aking mainit na kape.
Kumunot ang kaniyang noo bago ako sulyapan.
"Bakit naman ako hindi magiging okay?" tanong niya sa akin pabalik habang kinakalat ang kinaskas na niyog sa kaniyang kutchinta.
Tinitigan siya ng mabuti ay nakita ko kung paano mamutla ang kaniyang balat, maging ang pamumuo ng itim sa paligid ng kaniyang mga mata, at nakapintang pagod sa kaniyang Sistema.
"Sigurado ka?" paniniguro ko pa. "Mukha ka kasing hindi natulog kagabi,"
"Tinapos ko 'yung activity sa English," sambit niya, nasa kinakain ang paningin.
Walang naidugtong sa kaniyang sagot ay kumuha na lamang ako ng pandesal at keso bago ito tahimik na palamanan.
"Si Flash," bigla kong utas. "Simula 'nung birthday mo, hindi na pumunta dito,"
Sinulyapan siya ay nakita ko kung paano bumagal ang kaniyang pag-nguya at siyang paglalim ng kaniyang titig sa kinakain.
"Hindi ko maisipan na imbitahan," tanging sagot niya na sinundan ng tilaok ng manok ng kapit bahay.
"Nag-away ba kayo?"
Huminga siya ng malalim bago tila bagot na bagot na nang bumaling sa akin. Lumunok ay nakita ko kung paano siya umirap sa hangin.
"Marah," panimula niya pa. "Hindi porke't lagi kayong magkasama ni Alexander eh, dapat kami din. Ayaw ko lang na nandito si Flash...palagi,"
"Hindi kami nag-away, okay?" aniya. "Hindi sa lahat ng bagay kailangan namin sumabay sa inyo,"
Natigilan ako sa pag-kagat na gagawin sa pandesal na hawak at siyang pagtitig ko sa kaniya na may gitatal na eskpresyon. Ang usok ng mainit na likido ay mas idiniin ng hangin na hindi maintindihan at ang sikat ng araw ay kinontra ang kung anong anino na nararamdaman ni Shabina.
"Tinatanong ko lang naman..." mahina kong utas, nakatitig pa 'rin sa kaniya.
Huminga ng malalim ay siyang pag-iling niya at pag-tayo.
"Kalimutan mo na," tanging sambit niya at niligpit ang cup at platong ginamit bago niya ako talikuran at tumungo na sa lababo.
Hindi na lamang pinansin ang kakaibang akto ni Shabina ay siyang pag-tuon ko ng pansin sa aking sariling mga gagawin.
May mga araw naman talaga na ganoon, na ayaw mong makipag-usap kahit na sino at mahalina sa sariling oras, nakakatamad din magsalita o bigyan ng atensyon ang kahit anong bagay, marahil ay iyan ang nararamdaman ngayon ni Shabina kaya hinayaan ko nalang.
Nang hingal na makarating sa aming classroom ay pito pa lamang kami. Wala pa sina September at tanging si Alexander at Femella lamang ang naroon saaming magkakaibigan.
Agad puminta ang ngiti sa akin ng buksan ang pinto. Dumiretso sa aking upuan ay binati ko si Femella ng magandang umaga na tanging tango lamang ang isinagot sa akin dahil abala sa panonood sa kaniyang cellphone.
"Huy, Goodmorning," saad ko sa aking katabi nang maupo.
Talagang matapos nilang mag-report ng araw na iyon ay bumalik na siya sa aking tabi ganoon din si Flash kay Shabina.
BINABASA MO ANG
The Endgame and Mischief
Teen FictionGrieved for the spoken words, Mourn for the memories on hold, Tears like a domesticated fall How could I remain the desire for so long? You lay down the rules, put down the knight and pawn, We played chess, I never thought, I was playing with death...
