Chapter 35
Mischief
"Bakit ka nagagalit sa sarili mo?" tanong sa akin ni Aadya habang nakaupo sa aking kama—sa Dorm.
Umiling ay humigpit ang pagkakayakap ko sa unan.
"Kasi nasaktan ko siya, Aadya," mahina ang boses kong saad. "Alam kong lubos ko siyang nasaktan,"
"Ako ang may kasalanan kung bakit kami nahantong sa ganito. Kung bakit sa pitong taon ay hindi kami magkasama, kung bakit kami nag hiwalay."
Huminga siya ng malalim bago umiling. "Marah..."
Yumuko ay pumikit ako ng mariin nang maramdaman ang mga luhang nagbabadya sa aking mga mata. Sa pitong taon na nakalipas, iniwasan ko itong pag-usapan, iniwasan kong ipagdiinan pa sa sarili ang nangyari dahil natatakot ako na sa mas pagbusisi ko pa ng mga detalye ay siyang paglalim pa lalo ng mga sugat na natamo.
"Hindi mo kasalanan na nawalan ka ng Kaibigan. Hindi mo kasalanan na iniwan ka ng Mama mo. Hindi mo kasalanan na naging malupit ang buhay sayo." Aniya. "Marah, parehas kayong nasasaktan. Base sa kuwento mo, parehas niyong itinatawid ang araw-araw. Hindi ko masabing tama ang ginawa mo kasi nakasakit ka ng tao, pero hindi ko 'rin naman masabing mali dahil kung magpapatuloy kayong dalawa ay iyon naman ang pagmumulan ng panibagong problema,"
Ang aking dibdib ay nagsimulang manikip maging ang aking lalamunan ay nagsimulang manakit.
"Aadya," nanghihina kong tawag nang maramdaman ang pagsibol ng luha sa aking mga mata dahilan upang manatili akong nakapikit.
Naramdaman ko ang kaniyang titig sa akin at buong atensyon dahilan upang ako'y magpatuloy.
"Alam mo ba na noong iniwan ako ni Cassius Rebel, iyong boyfriend ko 'nung High School. Iniwan niya ako dahil nakahanap siya ng iba, alam mo ba na naisip ko na...na baka hindi ako karapat-dapat para sa pagmamahal na totoo. Na baka hindi para sa akin ang mga bagay na gusto noon,"
Naramdaman ko siyang tumango.
"Pero hindi ko alam, hindi ko alam kung kailan pumasok si Alexander, hindi ko alam kung kailan siya nagsimulang ipakita ang mga bagay na para sa akin...na dapat para sa akin. Nagsimula na akong hindi maniwala, nagsimula na akong magduda pero baka kahit paano ay mabait pa talaga sa akin ang mundo kasi...kasi binigyan niya ako ng katulad niya na ipapakita sa akin ang mga bagay na minsan ko ng pinagdudahan...alam mo 'yun,"
"Kaya naiinis ako sa sarili ko kasi...kasi si Alexander iyon eh. Ayoko siyang nasasaktan pero ako mismo ang dumurog sa kaniya ng paunti-unti at harap-harapan,"
Ang luha sa aking mga mata ay tuluyan ng umapaw at siyang pagragasa nito sa aking pisngi. Umiling ako nang maramdaman kong hawakan niya ang aking kamay. Mahigpit at mainit.
"Kaya hindi ko alam kung bakit, kung bakit hindi siya galit sa akin? Kung bakit bukod sa lahat, bakit ganito? Bakit mabait siya sa akin kung malupit sa akin ang mundo? Pagkatapos ng lahat, bakit?"
Sa pagmumulat ng mga mata at nanlalabong tingin ay namataan ko ang simpatya sa kaniyang ekspresyon habang may maliit na ngiti naman sa kaniyang labi.
"Base sa mga kuwento mo na paulit-ulit," aniya bago tumungo ang tingin sa kaniyang mga kamay na nakapatong sa akin. "Sa tingin ko hindi ganoong klaseng tao si Alexander. Mabuti siyang tao. At ang magalit sayo dahil lang sa hindi mo na kaya at naghangad ka lang naman ng mabuting bagay para sa inyong dalawa ay sa tingin ko ay hindi siya iyon. Nararamdaman ko na hindi siya ganoong klaseng—"
"But I hurt him, Aadya. I cause him so much pain that I deserve angst and cruelty," agad kong putol sa kaniya ngunit agad siyang umiling sa akin.
"But he's more than that." Malumanay niyang saad at ang mga mata ay puno ng pag-iintindi.
BINABASA MO ANG
The Endgame and Mischief
Teen FictionGrieved for the spoken words, Mourn for the memories on hold, Tears like a domesticated fall How could I remain the desire for so long? You lay down the rules, put down the knight and pawn, We played chess, I never thought, I was playing with death...
