CHAPTER TWENTY-FOUR

631 15 7
                                        


Chapter 24
Welcome to a new chapter

Kinabukasan matapos nang agahan ay maagang umalis si Alexander dahil sa hindi pa siya nakakapag-impake, dagdagan pa ng kanilang sobrang agang flight at kailangan din ng maagang pag-alis patungo sa Airport.

Kinahapunan 'din ng araw na iyon ay siyang pag-alis din ni Shabina para maghabol sa huling biyahe ng bus pauwi sa kanila. Kaya naman nang pumatak ang gabi ay wala akong nagawa ng maiwang mag-isa sa buong Apartment. Pinailaw ang Christmas tree ay nagpatuloy ako sa paghahanda ng aking hapunan.

Kinabukasan, sa kalagitnaan ng mahimbing na pagtulog ay naalimpungatan ako nang tumunog ang aking cellphone. Sa humahapdi ngunit nanatiling pikit na mga mata ay kinapa ko ang parte kung saan ang pinanggagalingan ng tunog.

Sinilip ang Caller ay tuluyan na akong nagising ng makita ang pangalan ni Alexander.

"Hello," magaspang kong panimula bago mas balutin pa ang sarili ng kumot.

The cacophony sound blast through my phone speaker; car honks, inaudible conversation, footsteps, and I think an Airport announcement.

"Marah," he said in between his breath. Narinig ko ang kaniyang paghingal maging ang kaniyang mga yabag.

Silaw na sinulyapan ang screen ay nanatiling nakalathala dito ang kaniyang pangalan.

"Naka-off screen ka," saad ko at humikab. "Buksan mo Camera mo, hindi kita makita,"

"Ah yes, wait," said he and chuckled.

Napangiti ako ng marinig ang kaniyang malutong na halakhak.

Nang tuluyan ko ng makita ang kaniyang mukha sa aking Screen ay siya namang pag-adjust ng kaniyang Camera kontra sa malamyos na sikat ng Araw.

Inayos ang ulo sa pagkakahiga ay agarang tumaas ang aking kilay ng makita ang kaniyang itsura. Kinagat ang pang-ibabang labi ay pinigilan ko ang malaking ngisi na nais kumawala sa aking labi.

"Nakikita mo na ba ako?" tanong niya at kumunot ang noo na nilapit ang screen habang wari ko ay naglalakad.

"Hmm," tanging tugon, naka-ngiti pa 'din. "Japan na kayo?"

"Yes, kakalabas lang namin mula sa Airport," sagot niya pa sa pagitan ng hingal.

Nanatili akong nakatitig sa kaniya, ang ngiti ay hindi mawala at ramdam ang pamumungay ng aking mga mata.

He's looking to his phone from time to time while he's watching his steps. His straight black hair was now waving at me while the morning breeze whispers and his breath formed a smoke in the air as the snow falls like pieces of Japan.

Huminga ako ng malalim ng marinig ang kaniyang bawat hingal habang sa screen ay makikita ang kaniyang awang na labi.

"What?" asked he, when he noticed my sheepishly grin.

His nose reddened a bit, perhaps caused by the cold weather. Ang kaniyang itim na sunglasses ngayon ay nakahimlay sa kaniyang ilong—itinatago ang kaniyang mga mata at suot ang gray na sweatshirt na pinatungan niya ng kaniyang itim din na leather jacket, he's fluorescing as the color contradict his skin.

"Marah," tawag niya pa at tuluyan ng itinaas ang kaniyang suot na sunglasses—na hindi ko alam para saan dahil wala namang masiyadong araw.

Sa pagpatong ng kaniyang sunglasses sa ulo ay siyang pagkagulo ng kaniyang buhok dahilan upang gumawa ito ng maliit na gusot.

I want to brush it using my fingers, to feel the softness of his hair through my skin or just smell it while I felt his skin sheathing me from everything.

The Endgame and Mischief Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon