Chapter 30
When the music stops...
The morning sunlight wrapped on my shoulders as the trees hum and cascades sings. The sound of the bees vibrating through the air and the wind embracing the dried leaves outside contributed to a sublime Saturday morning.
Bahagyang kumunot ang aking noo ng bukod sa kumot ay may kung anong mabigat na bagay ang nakapulupot sa aking tiyan. My eyes were too heavy to lift so I slowly move my foot with a soft moan while my forehead is on creased.
"Shh," he cooed, as if I am a baby that'll start to cry.
Sa akmang pagpihit ay natigilan ako ng pigilan ako ng dibdib ni Alexander sa aking likod.
"I'm here," he said in rag morning voice, before he placed kisses on my temple and started to slowly caressed my arm.
Imbes na makatulog dahil sa kaniyang ginawa ay doon mas lalong nagising ang aking diwa at tuluyan ko ng pagmulat ng aking mga mata. Ang kaniyang isang braso ay naging aking unan habang ang isa naman ay nakapulupot sa aking tiyan.
I couldn't move freely since he's spooning me underneath the warm blanket. Dahan dahan akong pumihit paharap sa kaniya at siyang namang paghigpit pa lalo ng kaniyang yakap sa akin, tila ba ano mang oras ay mawawala ako.
Umaktong tulog ay bahagya ko siyang sinilip. Ang kaniyang kamay sa aking ulo ay nagsimulang haplusin ang aking buhok habang ang kaniyang noo ay bahagyang kunot ngunit ang kaniyang mga mata ay malalim na nakapikit—halatang inaantok pa.
Mas sumiksik pa siya sa akin lalo at itinago ang aking mukha sa kaniyang leeg. At doon ko lang din napagtanto na wala siyang saplot pang itaas ngunit nanatili ang pantalon sa nakadantay na hita sa akin.
Matutulog na sana nang makarinig ako ng mga marahang pagkatok kasabay ng pagtawag.
"Ahia!"
Dahan dahan akong napamulat at siya namang paglala ng kunot noo ng aking katabi. Mas hinigpitan ang yakap sa akin ay siyang paglala at paglakas ng pagkatok.
"Ahia! Bilis na!" dinig ko pang tawag.
Ang aking kamay na namamagitan sa amin ay inilapat ko sa kaniyang dibdib. I can feel his warmth and his calm breathing under my hands.
"Alexander..." I softly called, the strength hasn't regained yet.
Sa aking muling pagtawag sa kaniya ay agad siyang napamulat na para bang naalarma sa kung ano.
"Marah, bakit?" agad niyang tanong sa magaspang na boses at sinilip pa ako.
Pumagitna ang malakas na katok sa amin nang manatili akong nakatitig sa kaniya.
"May tao...hindi ako makaalis,"
"Ahia! Pambihira!" sigaw ng kung sino sa labas.
Napalingon siya sa nakabukas na pinto ng aking kwarto bago muling ibalik sa akin ang tingin.
"That's Shoti," saad niya—halatang inaantok pa bago humikab.
Bahagyang kumunot ang aking noo nang kumalas siya sa pagkakayapos sa akin at tuluyan ng maupo. Ang kumot na nakatabing sa kaniyang dibdib ngayon ay nahulog sa kaniyang tiyan nang sulyapan niya ako.
"Matulog kana, ako na ang magbubukas ng pinto," aniya bago halikan ang aking noo at tuluyan ng pagtayo.
His bedroom voice and morning disheveled hair became one of the pieces of my room these past few days as he declared his stay here. The muscle of his back flex as he slides into his crumpled white shirt, and I also notice some marks on his Caucasian skin, perhaps from the position he has when asleep.
BINABASA MO ANG
The Endgame and Mischief
Teen FictionGrieved for the spoken words, Mourn for the memories on hold, Tears like a domesticated fall How could I remain the desire for so long? You lay down the rules, put down the knight and pawn, We played chess, I never thought, I was playing with death...
