Chapter 9
Eyes of the unchosen one
"Maganda ba 'yun?" tanong ko sa kaharap na si Flash.
Ang hawak na styro cup ay hinipan bago sumimsim ng dahan-dahan. Ang mainit na likido ay tinalunton ang aking bibig hanggang sa daanan ng aking lalamunan habang nag-iiwan ng mainit na pakiramdam.
Nilingon ako ni Flash bago ambang ihuhulog ang kaniyang five pesos sa vendo-machine. Nginisihan niya ako bago marinig ang kalansing ng barya dahilan upang lumuwa ang machine ng styro cup at nagsimula ng dumaloy ang mainit na tubig doon.
"Oo nga," aniya at tinago ang kamay sa bulsa. "Panoorin mo, engineer siya tapos nakulong kapatid niya. Kaya nagpakulong din siya para itakas kapatid niya,"
"Sabi sayo, Marah, ang astig!" dagdag niya pa.
Pinanood ko lamang siya habang manghang nagsasalaysay patungkol sa isang series na kaniyang pinapanood. Nang matimpla na ng machine ang kaniyang kape ay kinuha niya ito saka na kami nag lakad ng dahan dahan pabalik sa aming classroom.
"Ayaw ko na kasi ng mga romantic movies, medyo nakakasawa din. Kaya gusto ko din naman ng mga action," saad ko.
Ilang araw ang nakalipas ay nawala na 'rin naman sa akin ang nangyari kay Cassius Rebel, matapos din niyon ay wala na din akong naging balita pa sa kaniya, hindi din siya magawi dito sa aming building kaya kahit anino niya ay wala.
Vacant kami ng second subject ang sabi ay may pinuntahan daw si Ma'am Jane. Maaga 'rin umalis si Ma'am Kaari ang aming first subject kaya marami-rami kaming libreng oras ngayon.
Pinihit ang pintuan ng classroom at inakbayan ako ni Flash. Tila ba kinukumbinse akong tumaya sa kaniyang manok sa sabong.
"Ako pa, Marah. Panoorin mo kasi. Tapos pag tapos kana, sabihin mo sa akin, madami pa akong maire-rekomenda sayo,"
Ngumisi ako at hinarap si Flash. Nasa harap na kami ng buong klase, malapit sa teacher's table.
"Erotic movies, may alam ka?" tanong ko.
Nanlaki ang mata ay tumawa siya ng malakas. Iyong tawa na umugong sa apat na sulok ng kwarto. Dahilan upang mapatingin sa amin ang iilang kaklase. Bahagya pa siyang tumingala at ng harapin ako ay maluha-luha ang mata akong tiningnan.
"Kahit porn pa, Marah," aniya.
Ako naman ngayon ang napahalakhak bago umiling. Kumalas sa kaniyang akbay ay tumungo na sa aking upuan.
Sumalubong sa akin ang usual na mukha ni Alexander. Nginitian ko siya bago inilapag ang kape sa aking armchair.
"Flash Asnee," dinig kong tawag niya kay Flash gamit ang baritonong boses.
Tiningnan siya ay seryoso lamang itong nakabaling sa rebulto sa harap.
"Activity mo," si Alexander. Hinugot ang isang bondpaper sa ilalim ng kaniyang notebook na nasa lamesa ay walang habas at padabog niya itong itinapon sa hangin.
Dinig ko ang malakas ulit na tawa ni Flash, sinulyapan siya ay pinulot niya na ang bond paper na may drawing marahil ay iyong pina-activity sa amin sa earth and life.
"Ito naman si Hapon parang hindi kaibigan!" anito at inayos ang kaniyang proyekto.
Naupo ay nasulyapan ko ulit ang proyekto ni Flash.
"Ang galing mo palang mag drawing, Flash," puri ko bago sumimsim sa aking kape.
"Sali ka sa poster making next month!" si Femella. "Balita ko may mapapanalunan na three thousand,"
BINABASA MO ANG
The Endgame and Mischief
Teen FictionGrieved for the spoken words, Mourn for the memories on hold, Tears like a domesticated fall How could I remain the desire for so long? You lay down the rules, put down the knight and pawn, We played chess, I never thought, I was playing with death...
