CHAPTER FOUR

1.2K 22 7
                                        


Chapter 4
Wonderings of dying heart

I can't help but to question myself...my affection for Cassius Rebel. Did I assuredly manifest my feelings to him? Napanindigan ko ba ang bawat 'Mahal kita' na pinapakawalan? Kasi baka iniwan niya ako kasi may kulang. Kasi may puwang na hindi napunan.

Like what I've said, I've experienced love...a small part of love, but I've never experience how deep the depth of it...

But they said love is everything and nothing. It wasn't a part, yet it was everything. If you have the small portion of it...then it's nothing. Maybe I wasn't Cupid's favorite, maybe I was poet's Ovid daughter in the past.

Hindi ko alam ang pagmamahal. I've grown in a set of life, where love is in a way of compensation. In a way of submissive. Isang mamahalin na sapatos kapalit ng pag-iintindi.

That's why I'm asking myself...Paano ko nasabi na mahal ko si Cassius Rebel kung una pa lang ay hindi ko alam kung ano ang pagmamahal? Paano ko nasabing naiparamdam ko sa kaniya ay pagmamahal kung una pa lang ay hindi ko alam, ano ba ang pakiramdam ng minamahal?

Was it love? An illusion? Or it was just the society's dictation? Sinabi nila sa akin na ang kabog ng dibdib, ang kaba na hatid at ang kilig na umuukit sa laman ng paulit-ulit ay walang iba kung hindi ay pag-ibig.

Pero pag-ibig 'nga ba iyon, Marah?

My eyes squinted as the rays of the scorching sun escape on the swaying green leaves of Mahogany tree. Naupo sa may kainitan na pebble chair ay mas lalong bumigat ang aking pakiramdam.

The sun's already high, the city seems all yellow, the color of joy was vividly painted right in front of my eyes. The people passing through me looks like they have nothing to think for the endlessly tomorrow, as if this day was wonderful and there's nothing to cry for...parang nanunudyo ang mundo. Parang sinasabing ako lang ang miserable sa mga panahong ito.

May maliit hikbi na tumakas sa aking lalamunan dahilan upang mapasulyap sa akin ang isang nagwawalis na matanda. Hindi binigyang pansin ang Ale ay napayuko ako. Ang San Francisco Church sa gilid ng aking kinauupuan ay kumalampag ang kampana, marahil ang anunsyo para sa bagong misa.

I did skipped classes. Matapos kong kausapin si Alexander ay lumabas ako ng establisyemento. The air there suffocates me. It's as if the carbon dioxide traded the oxygen in the earth's atmosphere.

"Isang tao nanaman ang binigo ang pag-ibig!"

Napalingon ako sa isang pulubing naupo hindi kalayuan sa akin. Isa siya sa mga nagkalat sa Quince Martires kung nasaan ako ngayon, ang kaniyang mga kasamahan ay sinusundan ang mga dumadaan habang nakalahad ang palad.

Hindi ko siya kinibo. Bukod sa hindi ko alam kung ako ang kaniyang kausap ngunit marahil ay wala lang akong gana sa lahat ngayon.

Pailalim ko siyang tinitigan. May hawak siyang isang itim na pusa. Ang mukha ay madungis. Ang suot na t-shirt na sa tingin ko ay mula sa pangangampanya ng isang konsehal ay may iilang punit, ang short na suot ay hindi na 'rin makilala dahil sa dumi, at ang tsinelas ay hindi kambal, ngunit magpinsan.

"Kaya gusto ko nalang dito, Nala..." aniya habang nakatingin sa malayo at ang kamay na may kadungisan ay hinahaplos ang halatang antok ng pusa.

Bumaling ako sa aking harap. The car honks, the sound of dried leaves being drag on the concrete as the Street sweeper clean the place, the muffled conversations of those people who passed us, feels like their words needs to travel a thousand miles before it reached us.

"Hay, Mas pipiliin ko na lamang dito dahil sa patuloy na kagulohan ng mga pesteng iyan. Mas mabuti dito, Malaya...masaya."

Sa pag-sinok ay marahas kong nilingon ang katabi at hindi makapaniwala siyang tinitigan.

The Endgame and Mischief Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon