CHAPTER THIRTY-FOUR

748 16 3
                                        


Chapter 34
The treachery of the dynasty

"Ma'am I need to talk with your relatives po. Kasi except po for some few new medicines that you'll take, Dr. Del Roman needs to discuss the therapy that you'll go into,"

Hawak ang kaniyang tsart ay halos mangalay na ang sulok ng aking mga labi dahil sa ngiti nang manatili akong nakatayo sa kaniyang gilid. Ang pasyenteng kausap ay nanatiling nakatitig sa akin tila ba ang sinabi ay puno ng kahibangan.

"Ma'am Anita?" tawag kong muli nang manatili ang kaniyang blankong titig.

Huminga siya ng malalim bago umiling. Pumikit ay ipinatong niya ang braso sa kaniyang noo.

"Bakit hindi mo nalang sabihin sa akin?" nanghihina niyang aniya. "Tawagin mo si Dr. Del Roman at sabihin mo na, sa akin mismo ipaliwanag. May deperensya lang ang puso at kidney ko pero marunong pa naman umintindi ang utak ko,"

Hindi ko maiwasan na magpalit ng puwesto dahil sa mga salitang kaniyang ginamit na nagsanhi sa akin ng pagiging hindi komportable.

"Kasi Ma'am—"

"Bumibigay na ba ng tuluyan ang katawan ko?" putol niyang tanong—diretsahan, walang takot, at tila alam niya na mismo sa sarili ang sagot.

Umiwas ako ng tingin bago muling buklatin ang kaniyang tsart. Sa aking gilid mata ay namataan ko ang kaniyang pagtango.

"Malala na 'nga," bulong niya. "Kayong mga Nurse at Doctor kapag may masamang balita o mamamatay lagi kayong may ekspresyon na hindi ko alam, itinuro 'rin ba 'yan sainyo?"

Ngumiti ako bago umiling.

"Kailangan ko pong makausap ang Pamilya o kahit sinong kaanak Ma'am, para po malaman nila kung anong maaring epekto at proseso ang dadaanan ng kata—"

"Wala akong pamilya, hija," masungit niyang aniya.

Agad ko siyang inalalayan nang nanghihina siyang maupo at iniabot ang kaniyang mga gamit sa paggansilyo na nasa gilid lamang ng kaniyang lamesa.

Hindi ako sumagot dahilan upang kunot noo niya akong lingunin. Ang kaniyang unti-unting nalalagas na buhok ay nakasuklay paitaas dahilan upang magbigay diin pa iyon sa mga taon na nagdaan sa kaniyang balat.

"Kahit kasambahay po o kaya naman nag-aalaga," sambit ko at bahagyang ni-check ang kaniyang IV  dahil sa kaniyang biglaang paggalaw.

Nanatili kaming tahimik habang ako ay ni-check ang pagkain na dinala kanina ng Orderly kung nabawasan ba, minsan kasi ay kahit sa pagkain ay nagtatanong si Dr. Del Roman. Sa iilang linggong pagtatrabaho ko dito ay napansin ko ang kaniyang masisid palagi na pagmatyag sa pasyente.

Lahat gusto niya ay detalyado lalo na doon sa mga pasyenteng medyo maselan ang kalagayan.

"May mga anak ako," biglaan niyang aniya dahilan upang mabilis akong mapasulyap sa kaniya.

Nakataas ang isang kilay ay nagsimula na siyang magpatuloy sa kaniyang naantalang pag gansilyo.

"Nasa Cambodia iyong isa doon na nagka pamilya, iyong isa naman ay nasa Seattle, ikakasal na sa susunod na linggo kaya naman hindi makauwi agad," ang kaniyang kamay ay nagpatuloy sa trabaho nito. "Bigyan niyo nalang ako ng Notice sa payment nang masabi ko sa mga Anak ko, magpapadala agad iyon,"

Agad akong natigilan. Ang kaniyang sinabing katiting na impormasyon ay nagsanhi nang pagkawala ng mga salita sa aking isipan. Ang kulobot na mga kamay sa marahang paggalaw nito ay binubuo ang bawat muwestra sa sinulid.

Sa likod ng kaniyang ma-otoridad na mukha, sa kilay na tila mapagmataas, at ayaw magpakita ng kahinaan ay nakita ko doon ang pagdaan ng lungkot o marahil ay pangungulila.

The Endgame and Mischief Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon