Chapter 21
Insecurity. Fear. Satisfaction.
Iniimbita ang antok sa Sistema kasabay ng paglalim ng gabi ay siyang pag-ayos ko ng higa. Ang paghinga ay nagsimulang kumalma at maging ang aking laman nang biglang may kumatok sa aking pinto kasabay ng marahang tawag ni Shabina.
"Marah," tawag niya pa kasabay ng pagkatok.
Umirap ay huminga ako ng malalim bago tamad na hubarin ang aking kumot. Sa pag bukas ng pinto ay siyang pag awang ng aking labi at pagpinta ng kagitalan sa aking ekspresyon.
"May bisita ka," humihikab na sambit ng pinsan habang walang habas na kinakamot ang kaniyang tiyan.
Ngunit ang paningin ay agad ibinaling sa rebultong kaniyang katabi dahil na 'rin sa paglukob sa akin ng pagtataka.
Tumango sa pinsan ay siyang naiiling niyang pag-balik sa katabing kwarto.
Nang bumaling sa kaniyang sinasabing bisita ay nanatili itong malalim na nakatitig sa akin at sa akmang pag-utas ko ng katanungan ay siyang walang sabi-sabi niyang paglapit sa akin at pagyapos ng yakap.
"Alexander," malamyos kong tawag ng madiin pa ako lalo sa kaniyang dibdib at sumomsub ang kaniyang mukha sa aking buhok.
"Anong nangyari?" I asked, but he remained silent as his embrace tightened.
"Let's go inside, ang lamig ng balat mo," sambit ko pa ngunit hindi siya nagbigay senyales ng pagkalas niya sa yakap.
Ang kaniyang kamay na nakalibing sa aking buhok ay mas lalong naghukay ng mas malalim na kapit kasabay ng kaniyang matutunog na buntong hininga.
Walang nagawa ay siyang paghakbang ko na paatras habang nanatiling nakayapos siya sa akin. Para siyang batang iniwan sa dilim kaya ngayon ay ayaw ng bumitaw.
Sa pahirapang pagsara ko ng pinto ay siyang pagkalas niya sa yakap. Ang dilim sa apat na sulok ng kwarto ay winakasan ng buhayin ko ang ilaw. Nang muli siyang harapin ay nakaupo na siya sa aking gilid kama, ang dalawang siko ay nakatukod sa tuhod at ang kamay ay nakasabunot sa kaniyang buhok.
Dahan-dahan akong tumungo sa kaniya, ang isang tuhod ay itinukod sa sahig bago ipatong ang aking kamay sa kaniya upang baklasin ang kaniyang pagkaka-puwesto.
"Anong problema?" marahan kong tanong ngunit kaakibat ay labis na pag-aalala.
Sinilip ang kaniyang eskpresyon ay siyang paghaplos ng aking hinlalaki sa kaniyang hintuturo.
Maybe at least, through my touches it'll comfort the things that're bothering him.
Pagod siyang nag-angat ng tingin sa akin. Ang gilid labi ay umangat ngunit hindi umabot sa kaniyang istriktong mga mata. Ang isang kamay ay lumipad sa aking baba bago bumaba ang kaniyang tingin sa aking labi.
"Can I sleep here?" magaspang at tila namamaos niyang tanong.
Maliit na ngumiti ay tumango ako at nagustuhan ang ideyang nakapaloob sa kaniyang tanong. Nanatiling nakatitig sa kaniya ay napansin ko ang pangingitim sa ilalim ng kaniyang mga mata dagdagan pa ng kaniyang pamumutla.
Binasa ang aking pang-ibabang labi ay nagpakawala ako ng buntong hininga.
"You can tell me anything," halos bulong ko ng sambit. "It'll lessen a bit,"
Huminga siya ng malalim bago kumalas sa pagkakahawak sa akin. Umayos siya ng upo bago tapikin ang kaniyang katabing espasyo.
Tumungo sa kaniyang sinabing puwesto ay Paharap na naupo sa kaniya at siyang pag-indian seat ko ng taimtim na matitigan ang kaniyang mukha.
BINABASA MO ANG
The Endgame and Mischief
Teen FictionGrieved for the spoken words, Mourn for the memories on hold, Tears like a domesticated fall How could I remain the desire for so long? You lay down the rules, put down the knight and pawn, We played chess, I never thought, I was playing with death...
