CHAPTER TWENTY-EIGHT

483 13 11
                                    


Chapter 27
Walking with wounded feet

The rock that've thrown in the calm lake, now made the water shaken that invites misery and tears, and now every fiber of my limbs weakens.

With their condole faces, flowers of agony, reminiscing of million little moments, the praises they never invoice on depressing times, words of sorrow and embodied sympathy, the room is sheathed with smoke of misery, while they were on tears, faithless, and asking for rationale.

In the loving memory of Shabina Colleen...

It was written in an elegize way, while the sash is waving through the air, like an invitation to whom, that this is the death of dearly to thee, this is the end of someone's life, mourn and wail.

Looking at those phrase, decorated just beside her casket formed tears on my eyes. I abhor those letters, it became a tattoo on my mind, a dark ink on my heart.

Tila sinasakal ako sa nakikita, ang iilang mga matang puno ng pagluluksa at pakikipagsimpatya ay nagdahilan ng panginginig ng aking tuhod.

Sa bukana ng kwarto kung saan nakaburol ang kaniyang katawan ay nanatili akong nakatayo, hawak ang pinitas na kalachuchi na alam kong kaniyang paborito.

Umalpas ang aking mga luha kasabay ng panginginig ng mga labi. Nagtiim ang aking bagang nang makita doon ang mga pulang rosas na nakapalibot sa ibaba lamang ng kaniyang kabaong.

If they knew Shabina enough, they should know how she hated red roses, how she thinks it as cliché. Gusto kong tumungo sa unahan at itaboy lahat ng ito, ngunit paano?

I can't even set my foot inside. Hindi ako makahinga ng maayos kapag nalalapit ako sa kaniyang nakangiting litrato, hindi ko halos maramdaman ang katawan sa ideya na tingnan siya.

Hanggang ngayon, simula kahapon nang tuluyan ng umako ng bisita ay hindi pa ako nangahas na lumapit sa kaniya, ni hindi ko pa 'nga nasisilip ang kaniyang mukha, kung makikita ba ang kasiyahan na nakapagpahinga na siya at ang kapayapaan na wala na ang sakit?

O...baka sa kaniyang mukha, habang napapalibutan ng puti, kandila, at mga bulaklak, ay naroon pa 'rin ang nakapintang kalungkutan?

Ayaw kong tingnan. Ayaw kong siguraduhin. Dahil hanggang ngayon, sa sulok ng aking dibdib ay umaasa akong pag-uwi ko mamaya o bukas sa Apartment, ay naghihintay siya sa akin, papaalalahanan akong patayin ang gasul o ang ilaw sa kusina.

Umaasa pa din ako na baka mamayang alanganing oras ay kakatok siya sa aking kwarto, sasabihin na natatakot siyang matulog mag-isa kaya naman magsisiksikan kami sa aking kama, at pagtatawanan kinabukasan na parang mga bata.

Hanggang ngayon, umaasa pa 'rin ako na baka magkaroon ng himala. Maybe this is not the final stage of life, maybe human death has its own second chance too. Baka kahit ngayon lang...ibalik sa akin ang taong nawala. Kahit ngayon lang paboran ako ng kung sinong nakakakita.

Sa rumaragasang mga luha ay naramdaman ko ang presensya ni Alexander sa aking gilid, hindi man siya lingunin ay samyo niya na mismo ang nagpapakilala sa akin.

"She looks beautiful in white," he uttered quietly.

Mariing pinagdikit ang aking mga labi kasabay ng hikbi at tuluyan ko ng pagkabitaw sa hawak na bulaklak.

"She looks..."

Natigilan siya ng pumihit ako paharap sa kaniya at pagyakap ko ng mahigpit. Sa nanghihinang tuhod ay sa kaniya ako kumapit, kasabay ng panginginig ng aking buong katawan ay kaniyang walang sawang pag-alo.

"Cry not Marah," bulong niya, nang sa hindi mabilang na pagkakataon ay isinuko ko ang sarili sa pag-iyak.

"She looks so peaceful, as if she's just sleeping," pahina ng pahina ang kaniyang boses. As if my emotions evaporated to his chest and now we're sharing the same feeling.

The Endgame and Mischief Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon