Chapter 18
Bandaid on a bullet hole
For every circumstances that I put myself into, my defense was to be so sure, or perhaps more than sure about the outcome, what will happen next? Or to be aware what will be the ending, to be certain like jasmine to Aladdin, or Prince Eric to Ariel, but looking what is mine to lose, living with my hope, floating in the bubbles of bliss, the ending became vague or too foggy that my vision couldn't figure it out.
With Alexander, I can't say what tomorrow prepared for us, it was too hard to be au courant, for every seconds I'd spent with him it was full of adoration and devout, that it made me addled and for the first time in my life, I bet all the things I have, accepting the terms and conditions in the truth of risks.
My vision succumbed by the darkness as I hold onto the fabric like every sincere beat of my heart depend on it, sa paggalaw ng mga labi, sa tibok ng pusong naging tila ritmo, ay nagsumigaw ng hangin ang aming mga baga.
Naka-upo sa kaniyang kandungan ay nakapulupot ang aking kamay sa kaniyang batok habang kinukusot ang kaniyang buhok at ang isang naman ay nasa kaniyang kuwelyo hinihila siya palapit, at pilit pinapalalim ang halik.
Sa akmang pagtagilid ng aking ulo para sa mas malalim na halik ay siyang pagtunog ng kaniyang cellphone sa aming gilid, agad iyong inabot bago pataubin na tila isang kasalanan ang pag-ingay nito at kailangan ng tapusin.
Sa pilit na hindi pagbigay atensyon sa bagay na tumutunog ay siya namang mas lalo pang pag-ingay nito, tila nanunudyo o kaya naman nagpapapansin, sukong tinapos ang halik ay parehong hingal bago ko ihilig sa kaniya ang noo.
Nanatiling nakapikit ay naramdaman kong pinatakan niya ng isa pang mababaw na halik ang tungki ng aking ilong bago huminga ng malalim.
"Tapos na ang break time," namamaos niyang sambit ngunit nanatili akong nakapikit, hindi nagpadala sa kaniyang sinabi.
Miyerkules ng hapon, pagkatapos ng uwian ay dumiretso siya sa aming Apartment upang sabay kaming mag-aral ngunit matapos ang halos isang oras na pag-discuss sa isa't isa ng lesson sa Genmath, ay nagkaroon kami ng fifteen minutes' break.
Ang kamay niyang nakapulupot sa aking bewang ay nagsimulang mabagal na haplusin ang tela doon na nagdulot ng antok sa akin dagdagan pa ng samyo niyang hinahalina ako.
Umayos ng upo ay siyang pagsiksik ko ng aking mukha sa kaniyang leeg at singhutin ng bahagya ang kaniyang pabango doon.
"Time runs pretty fast," aniya habang katulad ko ay hindi pa din kumakalas pa sa aming puwesto.
"Maaga pa naman, isa pa-"
"No...no procrastination,"
Hinarap siya ay agad akong ngumuso.
"Damot," asik ko.
"Porke't masarap eh," dagdag ko pang bulong.
Humalakhak siya at sa akmang pag-alis sa kanyang kandungan ay siya namang paghigpit ng braso niya sa aking bewang.
May lamay ng ngiti mula sa halakhak ay namumungay ang mata niyang nakatitig sa akin. Binigyan siya ng nagtatanong na ekspresyon ngunit nanatili siyang aliw na nakatitig sa akin, tila isa akong nakakatawang palabas na handang panoorin ng paulit-ulit ano mang oras.
Tinaasan siya ng dalawang kilay-naghihintay bitawan ang mga salitang naglalaro sa kaniyang isipan ngunit nanatili siyang nakatitig idinaan sa tingin ang nais sabihin.
"Bakit?" tanong ko na nang hindi na makayanan ang mapupungay niyang mga mata.
Ang kaninang kamay niyang namamahinga sa aking bewang ngayon ay lumipad patungo sa aking panga, iniwan ang kaniyang hinlalaki sa aking pang-ibabang labi bago nagsimula sa marahang ritmong paghaplos dito.
BINABASA MO ANG
The Endgame and Mischief
Teen FictionGrieved for the spoken words, Mourn for the memories on hold, Tears like a domesticated fall How could I remain the desire for so long? You lay down the rules, put down the knight and pawn, We played chess, I never thought, I was playing with death...
