CHAPTER EIGHT

1K 23 27
                                        


Chapter 8
Lips of compliments and kissing doubts

Like what I've thought, Alexander and I became friends, o kung friends ba ang maitatawag doon. Our nods have improved. Kung minsan kapag wala akong kausap dahil abala si Femella sa panonood sa kaniyang cellphone ay siya ang kinakausap ko. Though, may kamahalan ang mga sagot niya pero puwede na.

Maaga akong pumasok ngayong araw dahil sa aking make-up. Dumating na noong nakaraan iyong package na pinadala ni Mama kaya gumising talaga ako ng maaga para mag ayos. Ni-try ko ang isang limited edition na lipstick at medyo natagalan pa sa pag outline ng aking labi gamit ang lip-liner ngunit dahil sa maaga akong nagising ay hindi ako nahuli sa klase.

Hingal na nakarating sa classroom ay pi-pito palang kami. Si Femella ang palaging early bird sa aming magbabarkada kaya heto siya ngayon nakikipagdaldalan. Tumapat sa aircon ay dinama ang lamig nito sa aking mukha ng mapawi ang init. Paunti-unti ng nagsisidatingan ang aking mga kaklase. Marahil lecture lamang ngayon dahil hindi sila abala.

Naupo ay wala akong magawa kung hindi ay tumunganga. Sa paglangitngit ng pinto ay napaangat ako ng tingin.

My lips parted in awe. Ang ilaw ay bahagyang naging masakit sa mata dahil sa walang habas kong pagtitig. Ramdam kong natigilan ang aking mga kaklase dahil sa paghina ng kanilang kuwentuhan.

"Wow naman!" si Roxy.

Kasunod si Ma'am Kaari, ay naroon si Flash Asnee at Alexander wearing our school uniform. I used to hate our uniform before, bukod kasi sa nangangati ang leeg ko ay mainit dahil sa patong-patong na tela. Ngunit sa mga oras na ito ay nagpapasalamat ako sa mananahing nagtabas at bumuo ng kanilang suot ngayon.

Alexander with the strictness on his eyes, he was debonair wearing our uniform. His hair was combed neatly leaving some strands play on his forehead. With his black north face bag he walks like a warrior, chin up, proud broad shoulders, with his straight face, and intimidating expression, as if he was about to lead the cavalry and as he walks he lay down his own set of rules, his tactics to protect the emperor.

Nagising ako sa aking malalim na paghanga ng tapatan ako ng kaniyang anino. Sa likod ng paghanga ng buong klase ay tahimik niya lamang na hinubad ang bag sa upuan at maupo.

Nasulyapan ko si Flash.

Flash Asnee on the other hand...his common mocking smile, the playfulness lingering on his aura was still in there, despite of the formality our school uniform has bring, suot niya pa 'rin ang kaniyang beanie. At nakangisi na binati ang bawat estudyanteng nagbibigay papuri sa kaniya. Sumulyap siya sa akin bago tumango at kumindat. Siya iyong tipo ng estudyante sa eskwelahan na kapag sa pangalan mo lang kilala ay maiinis ka dahil sa kaniyang mukhang mahangin na personalidad. Napailing ako.

Napabaling ako sa aking katabing hindi manlang ako pinansin. Ka-uma-umaga napakasuplado!

Napaangat ako ng kilay ng makitang may hawak siyang iilang bond paper na bahagya niyang sinasalansan ng maayos.

"Ano 'yan?" I asked.

Nilingon niya ako at sumulyap sa kaniyang hawak.

"Para sa quiz sa GenMath," simple niyang sabi. Kumunot ang kaniyang noo at bahagyang pumagilid ang ulo.

"May ipapa-photocopy ba?" gulo kong tanong.

Inosenteng tumango sa akin si Alexander. "Iyong para sa formula,"

"Ay, nakalimutan mo ba Cornell?" napalingon ako sa president naming si Layla. "Kailangan 'yan sa quiz, bawal manghiram ng copy. Kapag wala ka automatic zero,"

Nanlaki ang mata ko at napaawang ang labi ng mapagtantong nakalimutan kong dumaan kahapon sa computer shop!

"Bakit?" si Alexander. "Nakalimutan mo nanaman ba?" malumanay niyang tanong.

The Endgame and Mischief Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon