CHAPTER TWENTY-FIVE

632 14 8
                                    


Chapter 25
Scared heart. Bleeding trust.

"Marah, si Tita Grace mo 'to," saad ng malambing na boses sa kabilang linya matapos kong sagutin ang tawag.

Natigilan ay kumunot ang aking noo, inuungkat sa sulok ng aking alaala ang kaniyang pangalan.

"Naalala mo pa ba?" tanong niya pa sa kabilang linya ng marahil ay hindi ako makasagot agad.

Ang alaala ay sumibol sa aking isipan at agaran namang puminta ang ngiti sa aking labi.

"Ah, opo Tita," agad kong salo sa kaniyang tanong kanina. "Naaalala ko po. Kamusta na po kayo?" tanong ko pa bago maupo sa aking kama.

Narinig ko ang kaniyang malamyos na halakhak sa kabilang linya. "Maayos naman kami dito, hija."

"Siya 'nga pala," aniya, dahilan upang mapukaw ang aking atensyon.

"Iniimbitahan kayo dito ng Lola mo, sa katapusan ng enero," sambit niya pa dahilan upang ako ay matigilan, hindi inaasahan ang kaniyang biglaang pag alok.

"Gusto niyang magkaroon ng maliit na salo-salo at gusto ka niyang pumunta," dagdag niya pa ngunit sa kabila ng kaniyang maligayang boses ay hindi ko maiwasan na lihim na mapabuntong hininga.

"Hindi po kasi makakauwi si Mama, 'Ta." mahina kong putol sa kaniyang kasiyahan. "May bago po siyang kontrata, sa abroad."

"Pero po sasabihin ko 'to sa kaniya, sasabihin ko 'rin po na tumawag sa inyo," dagdag ko pa ngunit agad kumunot ang aking noo ng walang makuhang tugon mula sa kabilang linya.

Sinulyapan ang screen ng aking cellphone ay nakita doon ang patuloy na pagdaloy ng oras ng tawag.

"Tita Grace?" tawag ko pa.

"Ah, Oo hija," ahon niya mula sa katahimikan na ipinamalas. "Kahit ikaw nalang ang pumunta, total ay nami-miss ka na 'rin naman ng Lola mo."

"Titingnan ko po," sambit ko walang kasiguraduhan, dahil una sa lahat ay hindi ako ang taong mahilig sa ganitong mga okasyon, sa mga ganitong pagtitipon na dapat ay maging masaya ngunit hindi ko alam kung bakit para sa akin ay nakakabagot.

Nang maibaba ang tawag ay pagod akong bumuntong hininga-pagod na agad iniisip pa lamang kung anong mangyayari sa salo-salo na iyon, mga tanong na patungkol kay Mama, at sa aking pag-aaral na iisa lamang ang kasagutan, mga paalala at pagpuna nina Tito at Tita kung bakit ganito o ganiyan.

Sinulyapan ang orasan ay siyang pagpatak ng oras sa alas nuebe, sabado ng umaga. Ang sikat ng araw ay tumatakas sa aking bukas na bintana kasabay ng mga tunog ng ibon na mula sa mayabong na puno ng mangga.

Walang nagawa ay napagdesisyunan kong tawagan si Mama.

"Hindi ba puwedeng magpadala nalang tayo ng pera, Marah?" tanong niya sa kabilang linya bago humikab.

Ngumuso ay pinaglaruan ko ang dulo ng punda ng aking unan, bago mas lalong idiin pa sa tenga ang cellphone.

"Namimiss na daw kasi tayo ni Lola," katwiran ko.

"Hindi ako makakauwi," aniya puno ng pagkadismaya ang tono. "Naiintindihan mo naman hindi ba?"

Kahit hindi niya nakikita ay tumango lamang ako at hindi na nag-abala pang magbigay tugon.

"Kung ganoon, e'di kailangan mo talagang pumunta," aniya, walang magawa. "Kahit magpakita ka lang sa lola mo at umuwi na,"

Agad akong napasimangot sa kaniyang sinabi. Gusto ko sanang sabihin na, hindi ba puwedeng pumunta nalang ako doon kapag wala na sina Tito? Kapag si Lola nalang at Tita Grace ang nandoon?

The Endgame and Mischief Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon