CHAPTER SIXTEEN

723 20 6
                                        


Chapter 16
Waving the white flag

When everything falls apart, when you seek for an urgent help and they have nothing to offer...doon mo pala malalaman kung gaano ka katapang, doon ko pala magagawa ang lahat ng hindi ko inakala na kaya ko.

I kept on saying, na matatapos 'din to, better days are about to come, ngunit sa bawat araw na lumilipas na tila pasakit at pinetensya ay hindi ko na alam. That thought became a dream...na kailan ba ako gigising isang araw na mararamdaman ko na mahalaga ako? Kailan kaya ang araw na hindi na ako iiyak, na mararamdaman ko naman na may halaga ako?

Dahil sa tuwing gagawa ako ng hakbang patungo sa ideyang iyon ay siya namang paghila sa akin pabalik sa simula ng mga bagay na pilit kong nilalagpasan.  At sa mga oras na ito ay pagod na ako, pagod na akong bumalik ng paulit-ulit sa simula.

Natigilan sa pag-iisip nang sa pangatlong pagkakataon ay katukin ako ni Shabina na halos ikasira na ng aking pinto.

"Alas syete na bumangon kana diyan!" dinig ko pang sigaw niya. "Lalamig 'tung kape!"

Huminga ng malalim ay nanatili ako sa aking kama alas syete ng umaga. Walang tugon na naibigay sa kaniya dahil maging sa pagsalita ay pinagkaitan ako ng lakas.

Nanatili sa aking kama ay hindi pinansin ang ingay ng paggalaw ni Shabina sa labas.

Ibinaling ang katawan sa gilid ay nakita ko kung gaano ka-sabog ang aking mga gamit. Nagkalat ang mga papel sa aking study table at ang iilang highlighter ay nasa sahig na.

Ang bundok ng labahan ay naghihintay sa likod lamang ng aking pinto, ang iilang hinubad na damit at balot ng pinagkainan ay bumabalandra na din sa sahig, isama pa ang mga plato at basong hindi ko pa nailalabas simula noong nakaraang linggo.

Pagod na niyakap ang aking unan ay pilit akong bumalik sa aking tulog ngunit kahit anong istilo ng puwesto ay hindi ako mapakali.

Ang mga posibilidad at tyansa na patuloy na naglalaro sa aking isipan ay hindi ako nilubayan sa pagpaparamdam. At halos inabot ako ng isang oras sa paulit-ulit na pagimbita ng antok sa aking Sistema ngunit wala pa 'rin akong matagpuan.

Sukong bumuntong hininga ay hinubad ko ang kumot na bumabalot sa aking katawan bago wala sa loob na bumangon na. Nakipagtitigan sa hangin bago guluhin ang hanggang batok na buhok at tuluyan ng tumayo.

Kinuha ang aking toiletries at tuwalya ay mabagal ang kilos akong tumungo sa banyo.

Walang pakialam sa oras maging sa maaring sabihin ng Guro dahil huli sa klase. Ngayon ko pa ba iisipin na mahiya kung sa mga nakaraang araw ay pinintahan ko na ng iba pang imahe ang reputasyon ko? I'm so tired of pleasing them, like I am this kind of image in an auction impressing the buyers to bet higher numbers. Kung ano man ang iniisip nila ay hindi ko na iyon obligasyon pa dahil ang mas mahalaga ay ano ba talaga ang totoo at ano ang tingin ko sa sarili ko.

On my situation right now, there's always these three side of the story. My story, theirs, and the truth.

Malinis ang kusina ng maabutan ko at marahil ay talagang nakaalis na si Shabina. Ang kaniyang inihandang agahan kanina maging kape ay nakatakip gamit ang pinggan.

Sa kabila ng antok na nilalabanan ay pinili kong maligo upang magising ang aking katawan.

Gusto man magliban ngayon ay hindi maari dahil sa may kailangan akong asikasuhin. Pinag-igihan ko iyon at bukod sa pag-aaral ay iyon ang nagkonsumo ng aking oras at lakas noong nakaraang sabado at linggo.

Nang matapos magbihis ay nasulyapan ko sa isang sulok ang aking cellphone na tila naghihintay lamang sa oras ng kaniyang kapakinabangan.

Naalala ang gabi kung paano ko iyon sinukuan ay siyang pag-iwas ko ng tingin.

The Endgame and Mischief Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon