Chapter 15
Claws from present and wounds from the past.
"Bago ko 'to ibaba," si Shabina sa kabilang linya na nagsanhi ng aking pagkatigil.
Nakaupo sa aking Study table ay pinaglalaruan ko ang ballpen sa aking isa pang kamay habang nakatitig sa bilyones na nakatala sa aking ledger.
"Nagka-ayos na ba kayo ni Tita?" tanong niya bigla.
Huminga ng malalim ay isinuko ko ang kaninang ginagawa
"Hindi pa," mahina kong pahayag, kalakip ng maliit na kabiguan.
Sa kabilang linya ay dinig ko ang ingay ng katuwaan marahil ng kaniyang pamilya ngunit hindi nakatakas sa akin ang kaniyang matunog na pag buntong hininga.
"Naiintindihan ko, pero kanina nakakuha ako ng text mula sa kaniya..." saad niya na nagsanhi ng pagsibol ng pag-asa sa akin.
"Tinatanong kung kamusta ka na," aniya dahilan upang ako ay mapanguso.
"Sinabi mo 'yung tungkol kay Alexander?" agap kong tanong.
"Hindi, pero kinamusta niya kayo ni Cassius Rebel,"
"Sinabi mo? Na wala na kami?"
"Hindi...hindi ko na 'yun kuwento, Marah." malumanay niyang sagot sa akin.
"Mag-usap kayo ni Tita, ikaw na mag kuwento sa kaniya...ng lahat." dagdag niya pa.
Tumango kahit hindi niya nakikita ay sumang-ayon ako sa kaniyang sinabi.
"At magluto ka diyan, masama sa tiyan 'yung palaging noodles, mag-lock ka din ng pinto, at mag kopya ka ng notes hihiramin ko ang notebook mo,"
Marami pa siyang bilin katulad ng wag kong kakalimutan ibaba ang gasul o iwan nakabukas ang ilaw sa kusina, isara ang gripo ng maayos dahil sayang ang tubig, ngunit natapos ang usapan namin nang tawagin siya ng kaniyang Kuya. Kaya naman wala akong nagawa kung hindi ipagpatuloy ang kaninang ginagawa.
Sa totoo lang, hindi naman ako galit kay Mama. Masiyadong mabigat ang salitang iyon para sa aking nararamdaman. Sumama lang ang loob ko dahil sa kaniyang ginawang biglaang kilos.
Kumuha siya ng Permanent Residency sa ibang bansa habang ako nandito sa kabilang dako ng mundo, nag-iisa. Para kasing hindi na ako kasama sa mga plano niya at sa pamamagitan ng pera matutugunan niyon lahat ng kailangan sa akin...habang ako...dito, inuukit ang bawat plano, nakikita ang bawat bukas na kasama siya, ginagawa ang lahat ng ito para sa aming dalawa.
Ganito ba talaga? Minsan naiisip ko na, baka hindi lang ako marunong makuntento...I received good education, I have friends, and a mother who's willing to fill my needs, pero bakit 'ganon? Pakiramdam ko mag-isa pa 'rin ako sa lahat, sa lahat ng laban, sa lahat ng sitwasyon.
At gusto ko man ilabas ng hinanakit sa gitna ng disoras ng gabi ay wala akong magagawa dahil naiwan akong mag-isa sa apat na sulok ng kwarto. Ayokong istorbohin pa sina Femella, alam kong makikinig sila pero hindi ko alam kung maiintindihan ba nila. And I am not a fan of technology, mas gugustuhin ko itong pag-usapan ng harapan, iyong nakikita ko ang bawat reaksyon nila habang nag kukuwento ako.
Kaya sa huli ay wala akong nagawa...kung hindi ang bumalik sa aking sinusuyong mga numero at makipag-ugnayan sa aking calculator.
Huwebes ng umaga ay naabutan ko si Femella, Tempest, at September na nakapalibot sa upuan ni Diether, maging si Flash at Alexander ay nakatayo sa likod niya at tahimik lamang na nakamasid. Agad ibinaba ang aking bag ay tumungo ako sa kanila. Sumalubong sa akin ang hangin ng lungkot at simpatya.
"Anong nangyari?" tanong ko at sinulyapan ang nakayukong si Diether.
Napasulyap kay Alexander ay hindi manlang siya nag-angat ng tingin. Ang eskpresyon ay nanatili maging ang kaniyang posturang nakapamulsa.
BINABASA MO ANG
The Endgame and Mischief
Teen FictionGrieved for the spoken words, Mourn for the memories on hold, Tears like a domesticated fall How could I remain the desire for so long? You lay down the rules, put down the knight and pawn, We played chess, I never thought, I was playing with death...
