CHAPTER TWENTY-THREE

639 11 7
                                    


Chapter 23
Chain of love

Months had passed and Alexander and I go through like a river under the ultraviolet light, sparkling and flowing endlessly, where the wind lead us to.

May mga tampuhan, o mga bagay na hindi kami nagkakaintindihan, at nagkakasundo. His curses and my eye-rolls, his blank stares and my jokingly grin, yet at the end of the day we end up kissing or laughing on ourselves together. Me being Marah and he being Alexander, sometimes I'd start and he'll finished, or most of the time, we can't really identify each other's point of view, but the key to it, to every puzzles and misunderstandings are to be patient and listen. Days and months are never being the same yet it is filled with vivacity and a kind of contentment, I've never expected that I'll felt before.

The wind turned cold and it is the season of giving. The Christmas lights, artificial Pine trees, and well wrapped gifts were being common and scattered again. The oak of December came and the surrounding is coated with sincere felicity like a marshmallow dip in a chocolate fountain.

"Ang pangit ng schedule natin 'no?" si Shabina habang tinutuwid ang tangkay ng aming tamang tangkad lamang na Christmas Tree.

Sumang-ayon sa kaniya ay nagpatuloy ako sa pagtutuwid ng nagkanda-buhol buhol ng wire ng Christmas lights.

Ang examination week kasi namin para sa last quarter ng first semester ay naka-schedule pagkatapos pa ng holiday break kaya halos lahat sa amin ay hindi sumasang-ayon dahil hindi daw mae-enjoy ang holiday break dahil may iisipin pa kami pagbalik.

"Dapat sana bago nalang tayo nag-bakasyon," dagdag niya pa.

Sa aking gilid mata ay namataan ko ang pag-abot niya sa supot ng Christmas Balls at siyang pag-sulyap niya sa akin.

"Hindi ba uuwi si Tita?" maingat niyang tanong bigla.

Sinulyapan siya ay agad kong pag-iling.

"Hindi pa tapos ang kontrata," saad ko. "Ang sabi niya pa baka dumagdag pa siya ng three years dahil inaalok pa siya ng amo niya,"

Tumango sa akin ay nagpatuloy kami sa ginagawa.

"Pinapauwi kasi ako nina Mama," panimula niya matapos ang saglit ng katahimikan. "Uuwi ako ng Pasko at pagkatapos pa ng New Year babalik, gusto mong sumama?"

Tuluyan ng bumaling sa kaniya ay siyang pag-iling ko.

"Family gathering niyo 'yun tapos sasama ako," dahilan ko.

"Eh ano naman ngayon? Pinsan naman kita," agaran niya namang sagot bago ibaba ang hawak at lumapit sa akin.

Muli akong umiling. "Ayoko pa 'din,"

"Bilis na. Wala ka kayang kasama dito sa Noche Buena, malulungkot ka 'nun." Sambit niya bago yakapin ang aking braso at ihilig ang pisngi sa aking balikat may nalalaman pa siyang panguso-nguso.

"Alam mo hindi na 'yan tatalab sa akin ganiyan mong 'yan," saad ko, natatawa. "Gawain ko din 'yan kay Alexander kapag may gusto ako, kaya wala ka sa aking mapapala,"

Umirap siya bago padabog na bitawan ang aking braso.

"Sumama kana!" pamimilit niya pa. "Ang lungkot mag celebrate mag-isa!"

Nakangiti at buo ang desisyon akong umiling.

"Lungkot lang 'yan 'no, si Marah ako," mahangin kong saad bago siya kindatan.

Sa huli ay walang nagawa si Shabina dahil kahit anong salita ang gamitin niyang pamimilit ay hindi na magbabago ang desisyon ko.

I know it's a season of giving, everyone should be in their homes where they build warmth and memories, or accompanied by their own love ones, but they shouldn't feel obliged to give hospitality or cordially share their roof with me, because things may work differently to me.

The Endgame and Mischief Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon