Chapter 22
The folklore of safe and sound
Ang naramdaman na kakulangan sa buong hapunan na iyon ay hindi ko na ipinaalam pa kay Alexander. I think this is my own issue and I should've deal with it on my own. Wala siyang kinalaman sa kung ano man ang nangyayari sa akin. And we did not discussed it and so let it pass like a wind in the end of September.
Huwebes ng umaga nang maabutan ko si Shabina na inis na pinupukpok ang lata ng Corned beef gamit ang Can opener.
"Shabby anong ginagawa mo?" kunot noo kong tanong bago mabilis siyang daluhan.
Nang makalapit ay inis niyang ibinato sa lababo ang Can opener dahilan upang gumawa ito ng kalabog na makapagpapa-gulat sa mga ibong tulog.
Nag-aalala ngunit taka kong pinagmasdan ang kaniyang sitwasyon.
Huminga ng malalim ay yumuko siya bago pagod na itukod sa lababo ang kaniyang dalawang kamay.
Hinaplos ko ang kaniyang likod ay tahimik kong inilayo sa kaniya ang lata na sa tingin ko ay hindi niya mabuksan dahil sa iilang marka ng kaniyang pagsubok.
"Getting up on the wrong side of the bed, I guess?" magaspang kong sambit dahil kagigising pa lang. Bahagya akong napahalakhak at tumango.
"Ako na ang magbubukas ako na 'rin ang magluluto—"
"Kaya kong buksan, okay?!" inis niyang asik bago marahas na tanggalin ang pagkakawak ko sa kaniya. "Ako ang magluluto!"
Halos matumba ako dahil sa kaniyang biglaang kilos kung hindi lang nakakapit sa gripo sa lababo ay marahil nasa lapag na ako ngayon. Awang ang labi ay halos hindi ko mahinuha kung bakit siya nagkakaganyan ngayon.
I shifted my weight on my other leg and looked at her with utmost addled face.
"Sinasabi ko lang naman," mahina kong sambit, hindi makahanap ng kahit anong dahilan ng kaniyang biglaang kilos.
Sa buong agahan ay naging tahimik kaming dalawa ngunit hindi maipagkakaila ang aking tahimik na obserbasyon sa kaniyang mga kilos, kung paano niya buksan ang three-in-one na kape, magpalaman ng corned beef sa tinapay, ngumuya, kahit 'nga pag-pagpag niya ng kamay ay naging alisto ang aking mga mata.
Sa buong agahan ay naging tahimik kami pareho at tanging huni ng mga ibon, kaluskos sa labas, at makina ng motor ang pumagitna sa amin, nagpatuloy ang tila desyembre sa lamig na tratuhan hanggang sa hingal kaming makarating ikaapat na palapag.
Tahimik lamang akong nakasunod sa kaniyang likod, nahihiwagaan sa kaniyang kilos. Ngunit sa akmang pag-pasok namin sa mismong Glass Doors patungo sa aming classroom ay siyang paglingon niya sa akin at pagpakawala ng malalim na buntong hininga.
"I'm sorry, Marah," said she. "Kaninang agahan, masama lang 'yung gising ko, alam mo na...PMS,"
Agad sumibol ang ngiti sa sulok ng aking labi bago lumapit sa kaniya at bahagyang yumakap.
"Akala ko pa naman may nagawa ako," saad ko. "Na-stress foundation ko sayo bigla ha," biro ko pa na nagdulot ng tawa sa pagitan naming dalawa.
Nang makapasok sa Classroom ay siyang pagsalubong sa amin ng iba't ibang usapan at iilang sulyap nang lumangitngit ang pinto. Tahimik kaming naghiwalay ni Shabina ng direksyon dahil sa aming puwesto.
Habang patungo sa aking upuan ay hindi ko maiwasang masulyapan si Jonash na ngayon ay nakangisi habang nakaupo sa armchair at ang mga mga paa ay nasa upuan, ang piso ay kaniyang pinaglalaruan sa hangin bago sasaluhin at muling ipapaikot sa hangin.
"May assignment daw sa Philosophy!" sigaw na bulalas bigla ni Jay. "Pakopya naman ako!"
"Kung sana matalino lang ang jowa ko," agad akong napalingon kay Jonash at bahagya 'rin natigilan sa aking paglalakad.
BINABASA MO ANG
The Endgame and Mischief
Teen FictionGrieved for the spoken words, Mourn for the memories on hold, Tears like a domesticated fall How could I remain the desire for so long? You lay down the rules, put down the knight and pawn, We played chess, I never thought, I was playing with death...
