CHAPTER THREE

1.3K 27 3
                                        


Chapter 3
Bad faith and good fate

"Sandali lang Marah," si Cassius Rebel habang abala sa kaniyang Cellphone. "Rank 'to—Ay putangina!"

Kinamot ko ang hindi naman nangangating kaliwang pisngi.

"Akala ko ba mag-uusap tayo?" saad ko, ngunit nanatili ang kaniyang tingin sa laro.

Ang mata ay madilim dahil sa pagkakakunot ng kaniyang noo. Kagat ang labi ay mariin siyang pumipindot sa screen.

"Aruy! Aruy!—recall na! Recall na!" sigaw niya pa sa kausap.

Narito kami ngayon sa aming apartment. Ang planong pag-aaral ay bahagyang naudlot dahil nais ko munang makapag-usap kami ni Cassius Rebel, ngunit heto siya ngayon at kaharap ang kaniyang cellphone.

"Sandali! Mamaya ka'na mag push na tarantado ka!"

Inis akong nagpakawala ng buntong hininga. Inilabas na lamang ang aking notebook sa Philosophy at hindi pa man nakakapagsimula ay nanakit na ang aking ulo.

Is this the relationship that they say I am lucky? Is this the kind of relationship they told me once that they ideal of? Tiningnan ko ang abalang si Cassius Rebel na nakaupo sa aking kama. Ang kaniyang buhok ay gulong gulong ng inis niya itong pasadahan kanina.

Problems are meant to be solve, but on our predicament right now, hindi ko alam.

I can say the ideal relationship, or the relationship that you are lucky to belong with, is where conversation or communication is the main priority. In order to have a healthy relationship, the people involved should confront the variance to understand each side of the view.

Hindi 'yung ganito. It is better to approach the conflict, than to façade that everything's fine and there's nothing to worry about. Because, once it grows and build up, it may slowly succumb our insides, until we couldn't save ourselves.

"Marah anak, hindi naman sa pag pressure ng Mama, pero anak wala ka bang plano sa kursong kukunin mo sa kolehiyo?" si Mama sa kabilang linya.

Ang lamig hatid ng alas singko ng umaga ay humagupit sa aking buong kwarto ng buksan ko ang aking bintana. Bitbit ang cellphone ay naupo ako sa harap ng aking tukador.

"Wala pa po, 'Ma..."

"Ang pangarap ko sana sa'yo ay mag UP ka, nabasa ko sa Facebook na libre na daw doon ngayon ang tuition,"

Madrama kong tinanggal ang tuwalyang nakapulupot sa aking ulo bago magsimula ng patuyuin ang buhok.

"May ipapasa ka lang yatang exam at iilang papeles na kailangan," wari ko sa boses ni Mama ang pag-aalala marahil sa hindi ko pa buong pasya sa kolehiyo.

Nagsimula na akong magsuklay at bahagyang binilisan ang kilos dahil mag aalas sais na ng umaga.

"Uuwi ka po ba sa pasko?" tanong ko.

Nagsimulang maglapat ng primer sa mukha ay ramdam kong natigilan siya sa kabilang linya. Isang malakas na buntong hininga ang kaniyang pinakawalan bago bahagyang humalakhak.

"Hindi na muna..." puno ng pag-iingat niyang aniya. "Gusto ko man umuwi ng madalaw ko ang puntod ng papa mo, ang kaso 'yung amo ko nag alok ng tatlong taon pang kontrata, sayang naman kung tatanggihan ko pa,"

"Hindi ka 'din po pala makakauwi sa graduation ko," bigla kong untag hindi pinag isipan habang ang kamay ay pumipili na ng shades ng eyeshadow na susuotin ko ngayon.

"Gagawan ko ng paraan, Marah...kung sakali man na wala talaga ay nandiyan naman ang Tiya Grace mo...pakiusapan ko nalang na siya ang umakyat sayo sa stage," aniya.

The Endgame and Mischief Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon