Chapter 1
Name of Greatness
Kumpol ng ibon ang nagsiliparan mula sa mayabong na puno ng mangga. Ang hangin ay bumubulong dala ang tinig ng mga tuyong dahon. Nasulyapan ang papalubog na araw ay nakikipagdigmaan ang kulay ng pula, dilaw, at kahel sa likod ng mga ulap.
Pula. Ang kulay na sumisimbolo ng sakripisyo at panganib.
Dilaw. Ang kulay ng kasiyahan at pag-asa.
Kahel. Ang kulay ng determinasyon at sigla.
Sa payapang paligid na hanap ko ang panganib na pumipinta sa kaniyang mga mata, ngunit sa pagkakataong ito ay nakita ko doon ang pagsusumamo at pagsinta. On the gentle breeze brought by the sunset, in the middle of the empty classrooms, I was moved when he get into his knees.
"Be my girlfriend, Marah." He said while holding a bunch of yellow bell in his hand.
Malamyos na hinawakan ang aking kaliwang kamay ay pinatakan niya iyon ng masuyong halik. Ang kaninang namumungay na mata ay nabahiran ng kaba at pangamba.
Ang kaniyang itim na buhok ay tinatangay ng hangin. Sa suot na uniform ng Sta. Monica High school ay tila parang nasa isang pelikula kung saan ako ang bida. Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko ito napaghandaan.
"Hindi ko alam ang sasabihin..." tanging usal ko dahil parang tinakasan na ng mga salita.
Naging lubak-lubak ang braso dahil sa pagtaasan ng aking mga balahibo. Napasinghap ako ng marinig ang impit na tili ng kaibigan na mula sa iilan naming manunuod. Hindi ko na siya sinulyapan pa dahil alam kong siya na ang kinikilig para sa akin, sa kabila ng lahat na nararamdaman binuo ko ang piraso ng sarili upang maging kalmado.
Sa pagdagundong ng tibok ng puso ay mariin akong pumikit bago huminga ng malalim. Sa pagmulat ay sinalubong ko ang kaitiman ng kaniyang mga mata.
Sa naninikip na dibdib dahil sa galak at sa namamawis na palad ay tumango ako bago ngumiti.
"Oo, Cassius Rebel...tayo na," nakangiti kong ani.
Ang aming iilang kaibigang nagsilbing manonood ay nagpunyagi tila ba isang komplikadong gera ang aming dinaluhan. Sa paunti-unting pagsuko ng liwanag ay napagbigyan akong masilayan ang kaniyang ekspresyon. Ang lamay ng kaba ay tuluyan ng nailibing, ang galak ay nabuhay at tuluyan ng naghari.
His coffee pools remind me of pandemonium and rebellion. Dark and brooding.
"Talaga ba?" he asked as if he was just being delusional, the few seconds ago.
I nodded in enthusiasm. Walang sere-seremonya siyang tumayo at tumungo sa akin bago ako agresibong balutin ng yakap. I chuckled and hugged him back. Ang alikabok sa kaniyang pantalon ay hindi na ininda pa at mas hinigpitan ang yapos sa akin.
"Salamat Marah!" aniya sa pagitan ng yakap. "Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya ngayon."
Nakangiti kong hinigpitan ang aking braso na pumupulupot sa kaniya.
"Masaya 'din ako,"
Ang mukha ng mga kaibigan ay nakangisi. Kumindat sa kanila ay huminga ako ng malalim bago tumingala sa langit, dinadama ang init na hatid ng kaniyang yakap.
Ang larawan ng buwan ay unti-unti ng sumisilip, ang mga puno ay tila nakangiti sa akin, ang huni ng ibon ay nagmistulang aming musika. Sa papalubog na araw, kung saan nakapaloob ang pagtatapos ay nabahiran ng galak ng mga oras na iyon. Ang pagtatapos na masaya at walang halong lungkot.
Ngunit ang paligid ay tila naging estatwa. Ang mga kulay ay naging Malabo. Ang oras ay tumigil. At sa isang kisap mata sa pamamagitan ng isang malakas na sigaw dinala ako nito sa kasalukuyan, kung saan ang tinatanaw na araw ay nagi ng isang alaala.
BINABASA MO ANG
The Endgame and Mischief
Teen FictionGrieved for the spoken words, Mourn for the memories on hold, Tears like a domesticated fall How could I remain the desire for so long? You lay down the rules, put down the knight and pawn, We played chess, I never thought, I was playing with death...
