PROLOUGE

5.3K 72 20
                                        



"Last duty ko na 'to as E.R. Nurse," saad ko sa katabing si Aadya habang inaayos ang mga Chart ng pasyente.

Ibinaba ang telepono ay ramdam ko ang kaniyang kunot noo ng ako'y nilingon. Nanatili sa ginagawa ang aking paningin, hindi manlang siya sinulyapan o balingan.

"Alam mo naman diba," mahina kong ani. "Lagi akong hinihika dito, masiyadong mabigat ang trabaho,"

Tahimik ngayon ang buong silid ng E.R. kung saan bibihirang mangyari. Ang tanging maririnig lamang ay ang malumanay na boses ni Dra. Casino na nagbibigay abiso sa malapit na kama sa kaniyang pasyenteng isinugod kanina na ang kaso ay pagka-disgrasya sa motor.

Lahat malinis. Maging ang mga kamang nakahilera sa aming harap ay maayos at nakakasilaw sa puti. Ngunit ang katahimikan na ito ay nagbibigay pangamba sa akin.

Emergency room. It should be chaotic. Full of mourning. Sheathed with cries. Blood. Flesh. Pain. Tormenting. Hope. And despair.  It is indeed rare that right now...it is quiet. Peaceful. And full of tranquility. As if it was the calmness before the storm.

"Sa tingin mo hindi mabigat ang trabaho sa ICU?" nakangiwi niyang aniya ng sulyapan ko siya. "Ganon 'din yun uy! Sa totoo lang mas marami pa ang trabaho doon, kahit sa Ward at saang lugar dito sa Ospital. Best advice, maging pasyente ka nalang,"

Natawa ako sa kaniyang sinabi.

"Marami pa namang bagong Doctor ang tinanggap ngayon ang Ospital, nakakainis tayo nanaman mag-aadjust!"

Wala akong naging tugon sa kaniyang sinabi, dahil totoo naman. Huminga ng malalim ay pinagpatuloy ang pagligpit ng iilang nagkalat na Papel. Tumungo naman sa amin si Dra. Casino at hiningi ang Chart ng kaniyang pasyente marahil ay mag u-update.

Ilang minuto ang nakalipas ay nanatiling tahimik ang E.R. Naglagay na lamang ako ng gauze sa tool table at maging ang alcohol ay ni-refill ko din. Sa nakakabinging katahimkan. Binasag ito ng tunog ng telepono. Dahil si Aadya ang nasa pinaka malapit ay siya na ang tumanggap ng tawag.

"...Okay Doc, We'll prepare...yes Doc,"

Nagkatitigan kami ni Aadya. Nakita ko ang pagod ngunit kakalmahan sa kaniyang mga mata. By just it, I know what's coming.

Mula sa isa sa mga kama ay tumayo si Josh doon. Antok niyang kinamot ang mga mata bago mag-unat.

"Aksidente 'yan noh?" humihikab niya pang tanong.

Bago pa man makasagot si Aadya ay pumasok na mula sa entrance si Patrick, Olive, Lucy, at Maisie na aming mga kapwa Nurse din.

"Bangaan sa Shaw Underpass. Isang bus, dalawang kotse, isang Van at may nadamay ding isang motorsiklo," si Patrick bago tumungo sa kakarefill ko lang na alcohol at mag pump sa kaniyang kamay.

"Marami ang may malubhang kondisyon, kahit bata ay may nadamay," si Lucy.

Agad tinapos ang ginagawa ay bumalik na ako sa mismong Nursing Station. Si Aadya naman ay nagsimula nang tawagan sina Dr. Del Roman—marahil para sa iilang pasyenteng kailangan ng agarang operasyon.  Maging si Dr. Casino ay naghanda na 'din. Dumating na  si Doctor Soriano—isa pang E.R. Doctor, kasabay niya si Doctor Del Roman na wari ko'y kagagaling pa lamang sa isang operasyon.

"Where's Doctor Cojuangco?" si Doctor Del Roman ng makalapit.

"He has a pancreatic tumor operation, Doc. But he said he'll be here just in few," si Aadya.

"How many minutes for their arrival?" si Doctor Soriano naman ngayon bago mag pump ng Alcohol sa aking harap at ipahid ito sa kaniyang dalawang kamay.

The Endgame and Mischief Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon