CHAPTER THIRTY-SIX

829 12 2
                                        


Chapter 36
Apotheosis of swollen heart

Your future self is watching you now...

History cannot be change. History is crucial.

As nurses and Doctors the history of our patient plays a significant role. That is one of the Participles wherein we'll base on how we'll diagnose or treat our patient's torment. In the operating room, history might be your key to life or your door to death.

Every person has their own history to keep. That moments in their life wherein some fragments where hidden through their own kind of volt with utmost security. Future is powerful but history is inevitable. It is the thing that even when you run so fast...so hard, hid your tracks on the sand, it'll still find a way to chase you, to pull you down and tie you on the ground.

No one can escape their history, it is the tattoo of our soul...the one that even when you wait for too long, it might be forgotten but wouldn't be vanish...and it's okay. There are things that are meant to run from...also, there are things that even when you buried so deep in the sand the wave will find its way to divulge, because the only thing you could do is to buried them in the grave of acceptance. To let yourself be chased and accept your fate.

History is history...and right at the moment, you're making one.

"Marah!"

Nginitian ko iyong sekyu nang tanguan ako nito bago lumingon sa direksyon kung saan nagmula ang boses na tumawag sa akin.

Agad akong dinapuan ng kagalakan nang mamataan si Nina na tumatakbo sa lobby ng Ospital. Dire-diretso ang tungo sa akin ay siyang agad niyang pagbalot ng yakap sa aking braso at hagikhik.

"Hindi ka manlang nahiya. Talagang nakapantulog ka pa! At Poporo pa ha!" sita ko sa kaniya habang natatawa.

"Galing akong Dorm, kagigising ko lang." aniya bago humikab.

"Hindi ka manlang nahiya? Makikita ka ng mga Doctor sa ganiyang kalagayan?" ani ko pa.

"Hindi. Nakasabay ko 'nga iyong batang Silvestre sa Elevator tinawanan lang ako."

Tumawa ako bago tuluyan ng maglakad hila-hila siya nang manatili siyang nakapulupot sa aking braso.

"Saan ka?" tanong niya.

"Bibili ako ng kape. May Duty na ako ng Alas syete ng Gabi," sagot ko nang tuluyan na kaming makalabas mula sa Exit ng Ospital.

"Sama na ako sayo. Kailangan kong magising. May seminar kami iyong head nurse namin ang Speaker kaya kailangan kong mag attend, nakakatamad 'nga eh," aniya.

Sa aming gilid ay ang East Avenue Highway na tuluyan ng nabubuhay ang mga anino dahil sa unti-unti nang pagsuko ng araw sa buwan, dahilan upang ang mga karatig gusali ay binuhay na ang kani-kanilang ilaw.

"Nag announce na ba sa inyo?" si Nina bago humikab pa.

Kunot noo ko siyang sinulyapan bago ibaling muli ang atensyon sa lokasyon ng isang café na namataan ko noong isang araw na malapit lamang.

"Na ano?" hati ang atensyon kong tanong.

"Ang sabi ay pinaghahanda daw ngayon ang Board ng Hospital," aniya.

"Bakit?"

"May naitala daw na kaso ng Virus sa Europe. Ang alam ko ay nag mula sa H1N1?"

Agad akong natigilan at gulat na napalingon sa kaniya.

"Ano?" bulalas ko na ikinatango niya.

"Hindi ko alam ang buong detalye narinig ko lang sa usapan nina Dr. Silvestre iyong head ng Pain Department at Dr. Peralta iyong head naman ng Cardiothoracic," simple niyang paliwanag bago magkibit balikat.

The Endgame and Mischief Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon