CHAPTER THIRTY-TWO

756 12 3
                                        


Chapter 32
Gold doors, gleaming dimensions.

"One! Two! Three!"

We are the product of our own choices. The decisions we made yesterday is the foundations of who we are today.

The patients rushed to the emergency room like a sparkling water in a brook gurgle, with their face colored with pain, their skin throbbing making them weep, on their difficulties and misery, they asked for Doctors and Nurses as if we're the hand of peace.

"Thirty-seven year old, Female, Broken knees, trouble with breathing..." itinaas ng Paramedic ang t-shirt ng pasyente at doon ibinulgar ang pula, dilaw, at lila na nag lalaro sa tiyan na parte nito.

"Has abdominal internal bleeding,"

Agad siyang inilapat sa Hospital Bed mula sa stretcher ay patuloy pa 'rin sa pag ragasa ang mga sugatan mula sa bangaan.

Dr. Apollo Del Roman rushed towards us examining the patient, isinuot ang kaniyang stethoscope ay siyang pag lapag naman nito sa dibdib ng pasyente.

"I need Dr. Gomez from Orthopedics!" agad niyang utos na agad naman inako ni Aadya.

"Ako na dito..." si Aadya nang mamataan akong hinila ang tool table kung nasaan nakalagay ang intubation set at iba pang gamit.

Agad naman akong tumango at ipinasa sa kaniya ang hawak.

Ang bawat sigaw ng palahaw at pangamba ay tila naging liriko at ang tunog ng mga ambulansyang patuloy na dumarating ay naging tono.

"Male, twenty-three years old, minor head trauma—"

Hindi na nasundan pa ang sinasabi ng First Aid ay agad akong lumapit sa  dumating na pasyente kasabay si Dr. Soriano.

"Female, twenty-five year old, stomach puncture wound, under post op care three days ago from Cholecystectomy,"

Sa mabilis na kilos ay agad siyang kinabitan ng Finger probe at Velcro cuff nang mabasa ng Vital sign machine ang estado ng kaniyang katawan, matapos niyon ay agad ko namang hinila sa malapit na sulok ang tool table nang mag anunsyo si Dr. Soriano na kailangan niyang i-intubate ang pasyente.

I hand him the laryngoscope and immediately tear apart the plastic cover of endotracheal tube as he finds the trachea, an intern went to us offering for another hand.

Ibinigay kay Doc Soriano ang endotracheal tube ay agad akong napaangat ng tingin nang tumunog ang monitoring machine.

"Blood dropping from eighty to sixty Doc," sambit ko.

"Ramos call for an O.R. room we need to open her up immediately," aniya at nang maikabit ng mabuti ang ambu bag ay agad ko iyong kinuha at ako na mismo ang nag pump.

Kinalas ang kung anong nakakabit sa pasyente at agad nang tinulak ni Dr. Soriano ang kama upang tumungo na O.R. para sa agarang operasyon.

Nang makabalik si Dr. Ramos ay kasama niya na ang wari ko'y O.R nurse at tuluyan na akong pinalitan at kasabay niyon ay pagpasok naman ni Dr. De Leon ng Trauma at Dr. Oliveros head ng Plastic Surgery.

Sa akmang paglapit sa pasyente ni Dr. Cojuangco ay agad akong natigilan nang muling mapuno nang mariing sigawan ang bukana ng emergency room, muling nilingon ang pasyente ni Dr. Cojuangco ay nakita kong dumulog na doon si Oliver kaya naman kasabay si Dr. De Leon ay siyang paglapit namin sa bagong pasyente.

Agad akong napasinghap nang makita ang kalagayan nito.

"Male, thirty-five years old, third degree burn, damage lungs..."

The Endgame and Mischief Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon