CHAPTER SEVEN

1K 21 8
                                        


Chapter 7
Dancing from the beats of jeopardy

"Marah, may pinadala akong package anak," si Mama sa kabilang linya habang hingal akong humakhakbang sa hagdan. Maaga ako ngayong araw dahil sa pagsusulit na gagawin sa OralCom.

Nang makarating sa ikaapat na palapag ay bahagyang tumigil at minasahe ang nangangalay ng tuhod.

"May mga ipinadala ako doon na mga dilata at sabon, at 'yung mga gusto mong bagong labas na mga make-up, bigyan mo na lang si Shabby, marami 'yun sana magustuhan mo,"

"Okay 'Ma, nasa school na ako," sabad ko sa kaniyang marahil sunod pang masayang kuwento. Nagpatuloy sa paglalakad ay naramdaman ko siyang natigilan.

Nalingunan ko si Diether at Roxy sa harap ng vendo machine, marahil ay wala pa si Ma'am Kaari.

"Ay, o sige...ibaba ko na, magiingat ka jan at wag kang masiyadong magpapagod. Love you, Marah,"

Sa akmang pagbukas ng pinto ay natigil ako sa pagpihit ng saradora. Ang init ay kumalat sa dibdib at ang kaniyang mga salitang pinakawalan ay naghila ng pananabik at pangungulila sa akin.

"I...I love you too, Ma." Huminga ng malalim at pilit nilunok ang mapait at mahapding likidong biglang kumalat sa aking lalamunan. Ang biglaang bigat sa aking dibdib ay iwinaksi at pilit ibinalik ang kaganahan sa akin kanina lamang.

Ilang araw na ang nakakalipas simula ng maghiwalay kami ni Cassius Rebel. There's still no sign of him, ni-anino niya ay hindi nagawi sa aming floor. Hindi sa hinahanap ko, but there's still a little hope in me, na kahit papaano ay papatunayan niya sa akin na karapat-dapat siya para sa pangalawang pagkakataon na hinihingi niya sa akin noong nakaraan.

Because even he cheated, pinapahalagahan ko pa 'rin naman ang naging relasyon namin. He was there on my darkest times, when I ask for shelter, when I ask for affection. When I ask for things I haven't experience before. Pinakitaan niya ako ng mga bagay na minsan ng nagkulang sa akin kaya naman paminsan-minsan, kahit nasaktan hindi ko 'rin naman maiwasan mangulila.

Dumiretso sa aking upuan ay naabutan kong abala ang klase sa pag review sa kani-kanilang notebook. Namataan kong naroon na si Femella nakasakbit ang kaniyang lunch sa kaharap na upuan habang halos magkapalitan na sila ng mukha ng kaniyang notebook.

Inayos ang aking bag ay mataman lamang akong naupo. Nakapagreview na 'rin naman ako sa apartment, kapag nag la-last minute review kasi ako ay sa mismong test ay magulo na ang utak ko.

Nilingon ang aking kanan ay mataman siyang nakaharap sa kaniyang notebook habang sa kaliwang kamay ay may hawak ng yellow na highlighter. Hanggang ngayon ay hindi pa 'rin siya nakauniform. Suot ang isang short sleeve button down shirt, at faded jeans, he completed his look with his usual white shoes.

His brows were on creased while analyzing the information on his notebook. Ang kaniyang dila ay pinaglalaro sa kaniyang awang na labi habang bahagayng nakatagilid ang ulo.

Pinagkrus ang braso sa aking dibdib ay humikab ako.

"Hindi ka pa ba nagreview kagabi?" panimula ko ng usapan habang nakabaling na sa kaniya.

I did realize these past few days, na walang mangyayari sa amin kung hindi ko siya kakausapin. Kung gusto ko siyang maging kaibigan, then somehow I should start a conversation. Wala namang masama kung ako iyong magi-insist.

Nakita kong bahagya siyang natigilan dahil sa pagtigil ng kaniyang dila sa paglalaro sa kaniyang labi. Pailalim niya akong sinulyapan marahil ay sinisugurado kung siya ang aking kausap.

Nasulyapan ang kaniyang notebook ay namataan ko doon ang iilang sentence na may highlight na.

"Nagscanning lang, ikaw?" aniya sa mababang boses.

The Endgame and Mischief Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon