Chapter 10
Notes of yellow line
Nang makarating sa tapat ng aming kanto ay agad tumawag ng Para si Shabina. Bumaba mula sa Jeep ay dumaplis ang init ng sikat ng araw sa aming balat. Ginamit ang kamay na pang tabing sa mata ay may namataan akong walang pedicab na nakatambay sa kanto. Kaya wala kaming choice kung hindi ay maglakad.
"Ang init pa naman, maglalakad pa tayo!" si Shabina habang ginawa ng payong ang kaniyang hawak na Journal at ledger.
Nilingon ko ang kanina pang tahimik na kasama. Kunot ang kaniyang noo habang ang dalawang kamay ay nagpapahinga sa straps ng kaniyang backpack.
"Okay lang sainyo?" tanong ko kay Alexander. "Nasa medyo dulo pa naman iyong apartment namin,"
Sinulyapan niya ako bago ibalik ang tingin sa harap at tumango.
"Weh?" biro ko.
Ngunit hindi niya ako pinansin at nauna na sa paglalakad, sumunod kina Shabina at Flash, na kanina pa may kung anong masayang pinagku-kuwentuhan, hinabol ko sila ng bahagyang mapag-iwanan. Tumabi kay Alexander na kanina pa nakabusangot ang mukha.
Dinunggol ko ang kaniyang balikat gamit ang akin.
"Sungit mo," sambit ko. "PMS?" dagdag ko pa na pang-aasar.
For the past weeks that I've tried to talk to him, hindi na bago sa akin ang biruin siya ng ganito ngunit sa iilang pagkakataon na lumipas ay wala akong nakuhang reaksyon sa kaniya kung hindi ay simangot o kaya naman pag-iling.
Nakita ko siyang palihim na umirap bago ibaling sa kabilang gilid ang kaniyang mukha. Aba! Ayaw talaga akong kausapin!
Humalakhak ako dahil sa kaniyang pagsusungit at hindi yata nangangalay ang kaniyang mukha na laging nakabusangot.
I made an advance two steps. "Kunin mo sa bag ko 'yung payong,"
Sinulyapan ko siya at walang kibo niyang binuksan ang aking bag. Medyo napagiwanan kami nina Shabina dahil sa tumigil kami sa paglalakad. Inilahad niya sa akin ang aking itim na payong. Nang maisara ang aking bag ay walang kibo niya akong nilagpasan.
Anong problema ng singkit na 'to? Grabe naman pala ang mood swings ng lalaking 'to! Kanina lang tinututruan niya ako sa GenMath. Binigyan ko pa siya ng one fourth kanina, tapos ngayon susungitan niya lang ako? Aba!
Tinanggal ang butones ng payong ay pinundot ko ito ng bumukas. Nagpayong ay agad ko siyang hinabol. Ramdam ko na ang pawis na nananalaytay sa aking likod maging sa aking noo. May maliit na ngisi na nakapinta sa aking labi ay hinabol ko ang kaniyang mga hakbang.
Hindi ko alam. Para sa akin ay malaking achievement na kapag may reaksyon na rumehistro sa mukha ni Alexander, simula ng nagkakilala kami kung hindi blanko ang kaniyang ekspresyon ay nakasimangot naman. Bilang palang nga sa daliri kung ilang beses 'tung ngumiti eh, 'yung iba palihim pa.
Mas matangkad siya sa akin, at ang aking two inches heels ay hindi nakatulong upang mapayongan ko siya ng maayos. Kaya naman medyo hirap ako.
"Masakit 'yung araw sa balat," sambit ko. "Baka mangitim ka ako pa sisihin mo,"
Sa pangalawang pagkakataon ay umirap siya dahilan upang humalakhak ulit ako. Inayos ko ang pagkakahawak sa payong at envelope naman sa earth and life sa aking kabilang kamay.
"Ang sungit naman," bulong ko.
"Makulit ka lang," ganti niya bago kunin ang payong sa aking kamay.
"Huy hindi ah, ayaw mo lang talagang makipag-kuwentuhan!"
Mas tumabi ako sa kaniya upang mas maokupa pa ang anino ng payong. Inilagay sa dibdib ang envelope ay sinulyapan ko ang kaniyang nakasimangot na mukha.
BINABASA MO ANG
The Endgame and Mischief
Teen FictionGrieved for the spoken words, Mourn for the memories on hold, Tears like a domesticated fall How could I remain the desire for so long? You lay down the rules, put down the knight and pawn, We played chess, I never thought, I was playing with death...
