CHAPTER TWO

1.6K 27 8
                                        


Chapter 2
Strangers and Friends

Sa likod ng ugong na buga ng malamig na aircon ay maliit na hagikhikan ang bumalot sa kwarto. Tumayo ang rebultong naupo sa medyo unahan na bahagi. Sa paghubad ng kaniyang suot na itim na beanie ay siyang pagsabog na kaniyang buhok. Some of his sand colored brown locks turned ringlet, that caused him to raked his hand on it, once.

Mas lalong lumala ang hagikhikan at may narinig pa akong impit na tili na halatang pinipigilan.

"I am Flash Asnee De Augustine," he said and show his arrogant crooked smile.

"Ilawan mo ako, Flash!" biro na sigaw ni Diether dahilan upang sumabog sa tawanan ang klase.

Pinanatili ko ang malamig na ekspresyon. The guy named Flash has expertise to detonate his charm that made girls to pledge their morals. He has this kind of dial tone that call girls attention and captivate their eyes.

Umayos ako ng upo ng sunod na tumayo ang katabi. Kung ikukumpara kay Flash. He is too formal. Ang kaniyang bawat kilos ay pino at tahimik lamang. Inayos ang gusot sa suot na pang itaas ay inilagay ang dalawang kamay sa bulsa.

"I am Alexander Lazarus Takahashi po,"

My mouth turned like a one-peso coin. Ang kaniyang boses ay masiyadong magaspang at mababa na puwede na siyang maging actor sa isa sa mga podcast sa Spotify. It sounds like a growl from the king of the jungle. He sounds like a lion. Pero 'yung cute na lion. Ngumisi sa aming direksyon iyong Flash.

Tumango ang aming guro senyales na maari na siyang umupo. I cleared my throat and fixed my eyes in front. His presence was dominating to laid your eyes on, but when you do, there's this kind of heat and intensity that will liquefy you.

Hindi ko na siya sinulyapan pa. I think Flash is more convenient to be our friend. Parang pag itong si Alexander kasi ay sisipain ako kapag nahampas ko sa tawanan.

Sa kalagitnaan ng aming lesson ay naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone sa aking bulsa. Dinukot iyon ay nanlalaki ang mata kong nilingon si Femella.

Cassius Rebel:
Marah, pasensya na hindi ako nagparamdam. Usap tayo pagkatapos ng klase mo.

Cassius Rebel:
Sunduin kita.

Malaki ang ngiti akong nagligpit ng gamit nang matapos ang asignaturang iyon. Pakanta-kanta kong isinilid ang aking kuwaderno sa bag.

"Usap daw kami mamaya, after class!" anunsyo ko sa katabing si Femella.

Naiiling niyang kinuha ang wallet at panyo.

"Ewan ko sa'yo, bahala ka." Aniya.

Malaki lamang akong ngumisi na halos ikangalay na ng aking panga. Nasulyapan ko ang kaklaseng si Mary na may isinusulat kung ano sa isang index card.

"Mary Ano 'yan?" tanong ko, bahagya pa siyang kinalabit.

"Ah, para sa recitation sa Accounting, hindi ako nakapasa kahapon. Last day na ngayon kapag hindi nakapasa absent daw ngayong araw."

Napatanga ako. Oo 'nga pala!

"Huy Femella may index card kana? Para sa accounting?"

Natigilan siya at bahagyang umawang ang labi. "Oo 'nga pala!"

"Hanggang ngayon nalang daw 'yun," dagdag ko pa.

Since binigyan kami ng aming guro sa earth and life science ng ilang minuto ay napagdesisyunan namin ang bumaba. I think this is one of the privileges we have compared to other schools. Hello, nasa baba lang namin ang Mall.

The Endgame and Mischief Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon