Chapter 02: The Newbie

353 32 1
                                    

Chapter 2:
The newbie


Yesenia Atienza.

A transferee? A new member of Solaris Section? What?

"You're kidding, right?" binaba ko ang Couture Beauty Diamond lipstick na hawak at matamang tinignan ang kakambal kong bahagyang napahawak sa dibdib niya, hilong-hilo sa pagtakbo.

"Mukha ba akong nagbibiro?"

"Duh. Your whole life is a joke," I rolled my eyes na may L'Oréal Paris Voluminou mascara at mas lalo nitong pinapapungay ang dati ko nang mahahaba at magagandang pilikmata.

Magkamukhang-magkamukha kami ni Sylar, that's already given since we're identical twins pero pagdating sa way of thinking? Nevermind. Ni-hindi mo maiisip na related kaming dalawa kung ang aspetong iyon ang pagbabasehan mo.

Sinulyapan ko ulit ang hawak kong compact mirror at nagpatuloy sa paglalagay ng make up. My hot red lipstick compliments my full and pouty lips, bumagay sa magandang mukha ko ang bagong make up na binili ko pa mula sa abroad.


"Pre, baka hallucinations lang 'yan. Naimpacho lang siguro utak mo, pre." I heard Sibyl said, isa siya sa mga bestfriends ng kakambal ko.

Hallucinations my Debbie Wingham heels. Mas mukha siyang laging nagdederilyo riyan, mukhang naka-drugs. Hmp.

"Buang! Hindi nga, narinig ko mismo galing kay school director, ni-welcome niya pa nga iyong trasnferee!" giit pa ulit niya, tinutukoy ang school director namin na may mala-santa claus laugh.

Napataas ang perfectly shaped eyebrows ko na ni-highlight ko pa gamit ang Anastasia Beverly Hills Perfect Brow Pencil.

Sylar may be an ass pero he's not a liar. So does that mean may transferee nga? At talagang magiging kaklase pa namin. That also means na magiging part siya ng Solaris section!

Just O to the M to the G! May panibago na naman akong smarty-ass weirdo na makakasalamuha. This is un- freaking- believable!

Napahampas ng arm-chair niya si Swayze, "Tapos? Ano naman ngayon kung may bagong miyembro ang Solaris Section? Babae ba, Sylar? Maganda? Gaano kaganda? Sexy? Chicks?"

Here come's the playboy. Yuck. Kahit sino papatusin talaga ng Swayze Villan na 'to, hindi ba siya natatakot na baka magka-AIDS siya sa kalandian niya? He's not even that guwapo.

Patuloy parin si Swayze sa pagtatanong kung sino man ang poncho pilatong transferee hanggang sa biglang may tumamang pencil case sa mismong mukha nito. Kahit hindi ko man lingunin ang salarin, I already know kung sino iyon.

"ARAYYY! Zelmira, mahal na mahal mo talaga ako. Mapanakit ka talagang magmahal!"


"Ulol,"


Napangiwi ako.


Zelmira Andriette. Boyish, baduy, at napakasadista sa lahat. I'm currently not in a good terms with her at hindi rin ako umaasang magkakasundo kaming dalawa. I dislike her fashion style to the core, napaka-old fashioned ng pananamit niya at ang sakit pa sa matang tignan.


Like duh. My fashion diva self would probably hate her style until my last breath. Of course, I'm just exaggerating on that part.


"Labs naman, napaka-sadista mo," nagtatampong napabalik sa upuan si Swayze. "True love hurts!" pakinig pa naming bulong nito.



True love? What the hell? Sa pagkakaalala ko, true love rin ang tawag niya sa mga babaeng nilalandi niya? Ang dami naman niyang true love, ah?


Highschool Solaris: A Sun's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon