Chapter 08:
Rankings
Zelmira Andriette.
"Teka, nagkakamali yata kayo, hindi ganito kaunti ang perang natalo namin sa baraha house!" Naguguluhang napatingin sa amin ang tatlong estudyanteng humingi ng tulong namin kahapon. Nasa kamay nila ang tig-iisang sampung libong pinamigay nina Raghnell.
Alas siyete ng umaga. Nandito kami ngayon sa likod ng building namin, medyo liblib ang lugar na 'to kaya walang ibang estudyante ang puwedeng maki-usyoso. May iba kasing mga tao rito na matatalino nga, hindi naman alam ang basic respect for privacy.
Mahinang napabuga ako ng hangin saka hinawi ang side bangs ko. Litong-lito silang tatlo habang prente lamang nakatayo ang mga kasama ko at parang mga hari at reynang pinalibutan ang mga estudyante.
"Hindi porke't nanghingi kayo ng tulong sa amin ay kukunsintihin na namin ang pagkakamaling ginawa niyo," nameywang ako sa harapan nila.
Dapat nga ay ni-report na namin sila at hindi binalik ang kanilang mga pera. Kung hindi lang kami kinumbinsi ni Hale na ibalik ang kahit ten thousand man lang na perang natalo nila, walang awa namin silang hahayaan na maglupasay diyan sa sahig kahit magmakaawa pa sila sa amin.
"Suwerte niyo naman mga tsong. Muntik na nga kaming mamatay sa kaba do'n tapos magdedemand pa kayo ng mas malaking pera? Suntukan nalang oh," sarkastikong sambit ng triplets na kasalukuyang nasa likuran nila.
"P-pero two hundred thousands ang natalo namin sa sugal. Ten thousands lang ang binigay niyo, matitiyak naming mapapatay kami ng mga magulang namin kapag ——"
"That's already your problem." Mabilis na putol sa kanya ni Frost. Natutop ng lalaki ang bibig at napayuko, mukhang takot ito sa mala-yelo naming kaklase.
"Budhi niyo makakapal mukha!" Sambit namang nang nanggigigil na si Sibyl sabay iling sa kanila, sa lakas ng boses niya nagtalsikan pa iyong mga laway niya sa mismong mukha ng dalawang katabi.
Nalukot ang ekspresyon ng dalawang bestfriends niya. Sabay pa siyang binatukan at nandidiring napapunas sa mga mukha nilang bahagyang natalsikan ng laway ng huli.
"Kadiri ka talagang batang hamog ka," sabay hampas sa kanya ni Swayze sa ulo. 'Di na ako nagtataka kung bakit parang maluwag ang turnilyo sa utak ni Sibyl, lagi ba namang binabatukan.
"Hindi nga sabi ako batang hamog! Imong mama batang hamog!"
Nasapo ko ang noo ko. Minsan talaga napapaisip nalang ako kung mga high school students ba talaga sila o mga toddlers kung mag-away. They tend to fight over petty things, tapos pagkatapos naman ng ilang minuto ay bati ulit sila. Parang mga bata ang mga punyeta. Nakakabanas.
Nilibot ko ang tingin sa mga kasama. Kanina ko pa napapansin, parang may kulang sa amin, 'e kanina naman ay kumpleto kami-- ay teka nga! Nasaan si Elcross? Nandito lang ang antuking iyon kanina, ah?
"Nasaan si Elcross?" takang tanong rin ni Sylar nang mapansin ang biglang pagkawala ng kaklase.
Nandito parin ang bag niya, imposibleng umalis iyon nang hindi bitbit ang bag niya. Naagaw ang atensyon naming lahat noong may namataan kaming lumulutang na paa sa itaas ng isang puno.
"Oh shit." bulalas ng isa sa amin.
"M-may multo?" - Hale.
"Kyahhhh! Super scary!" - Yesenia.
BINABASA MO ANG
Highschool Solaris: A Sun's Tale
Novela JuvenilTwelve different students. Twelve different personalities. Twelve different stories. One golden class. They never thought that by entering the golden section, they'll gain something more than what they expected. Friendship. Family. Love. But... what...