Chapter 22: They saw her

292 24 36
                                    

Chapter 22:
They saw her




Yesenia Atienza.




"You're my world and every moment of my life. You know what yellow tulip means? Unrequited love, loving someone alone...."






I bit my lower lip.





My piercing heart continued to shatter.





Ang kaninang pinipigilan kong luha ay tuluyang umagos na parang isang waterfalls.




Sa isang iglap, natagpuan ko na lamang ang sarili na humahagulgol sa iyak. Sayang ang suot kong L'Oreal Paris Makeup Lash Paradise Mascara, pero wala na eh. Tulo na nang tulo ang mga luha ko. So dugyot!





Bwisit kasing k-drama na 'yan.






'Anong bwisit ang k-drama? Ikaw ang bwisit, nood nood ka pa tapos sisisihin mo ang k-drama kapag umiyak ka? Pinilit ka ba manood?' Sabi ng mataray na bahagi ng utak ko.





Peste. Pati talaga kahit utak ko, kaaway ko na rin?






Malalim akong nagbuntong hininga. Mugtong-mugto ang mga mata ko sa pinaghalong puyat at pag-iyak. Ayan, marathon pa.





Makapanood nga ng The World of Married at Penthouse bukas para isahan nalang pagkastress ko. Kaso balita ko hanggang talampakan daw ang stress do'n. Bwesit.





Nagbuntong na naman ako ng hininga habang sapo ang bibig para pigilan ang paghikbi. Kasalukuyan nang umiiyak si Seo Jun sa screen ng laptop ko.






As if on cue, naiyak na rin ulit ako.





BA'T KASI ANG RUPOK KO SA MGA SECOND LEAD?!





Niyakap ko ang aking Brooklinen Down Alternative Pillow at binaon roon ang mukha kasabay nang napakalakas kong tili.





"WHYYYY?!!! YAH, SEO JUN!" Nagpagulong-gulong ako sa Hastens Vividus bed ko worth $150,000 na parang may magagawa ang pagdadrama ko rito.





Tumili. Tumalon sa kama. Halos mauntog pa ang ulo sa headboard. Kung may nakakakita man sa akin siguro ngayon, for sure pagkakamalan nila akong sinasaniban.





Kulang nalang mag-exhibition ako sa dingding sa tindi ng pagwawala ko.





Tss. At least maganda.





Pagkatapos umayos ako ng pagkakaupo at puno ng luhang tinignan ng masama ang screen ng MJ'S Swarovski & Diamond studded notebook laptop ko worth $3.5 million.





"Sabi ko kasi sayo akin ka na lang. 'Wag ka na kay Jukyung, may Suho na 'yon." naiinis na bulong ko sabay sambunot sa sariling buhok. "Nagmukbang pa nga sila, ikaw, ano napala mo? Almost kiss lang!"





Para akong tanga.





Ang pinakamagandang tanga sa balat ng lupa.






Aish!





"Ma'am Yesenia?" I heard knocks on my door. Boses ng isa sa mga maids sa bahay namin.






"Ma'am, may bisita po kayo." ani ng maid pagkabukas ko ng pintuan. Hindi na ako nag-abala pang mag-ayos dahil nasa loob ng kuwarto lang naman ako buong araw.






Highschool Solaris: A Sun's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon