Chapter 19:
Dance-saster.Sylar Atienza.
"Isa, dalawa, tatlo," kanta ko sa katabi kong si Swayze habang nakaturo sa kanya ang hawak kong kutsura. Kung saan ito nanggaling? Hindi ko rin alam. Basta nadekwat ko lang doon sa sahig.
"Ang tatay mong kalbo, pumasok sa banyo nabasag ang ulo~~ " kanta rin niya.
Sunod kong dinuro ng kutsara ang patalon talon sa harapan kong si Sibyl. Para siyang siraulong palaka sa pagtatatalon niya riyan, pero hayaan na natin. Diyan siya masaya 'e, support nalang.
"Isa, dalawa, tatlo~~ "
Inakbayan ko silang dalawa. Hinarap ang mga 'audience' naming kapwa mga nakabusangot sa amin at halos pagbabatuhin kami ng mga nakakalat na gamit sa loob ng practice room.
"Ang tatay mong kalbo, pumasok sa banyo nabasag ang ulo --- AY POTEK!"
Nagtago ako sa likuran ni Swayze pagkatapos tumayo ni Zelmira at kinuha ang isang wooden na upuan, akmang ihahampas sa amin. Pero itong siraulo kong kaibigan, nagtago rin sa likuran ko, pinagtutulak naman kami ni Sibyl at talagang kami pa ang ginawa niyang 'shield' laban sa sadista naming kaklase.
"Hindi ako shield!" katwiran ko sabay punta sa likuran nila. Ampucha, hindi ako puwedeng mahampas sa mukha. Ilang taon kong iniingatan ang mukha ko tapos mahahampas lang?
"By height ang paghampas, tutal ikaw Sibyl ang pinakamaliit, doon ka sa unahan!" - Swayze.
Kailan pa naging by height ang paghahatol ni Zel?! Kawawang batang hamog, walang dudang mauuna siya. Bansot.
"Edi wow, Villan. Height ko na naman ang napansin mong gago ka." - Sibyl.
"Hindi talaga kayo titigil?!" hindi lang ngayon si Zelmira ang may hawak na upuan at handang ibato sa amin, talagang pati si Yesenia pa. Aba naman! Minsan na nga lang silang magkasundong dalawa, iyong papatayin pa kami.
"Chichi, pati ba naman ikaw?" bulalas namin noong gumaya rin si Charlotta. Ang mas matindi, talagang iyong lamesa pa ang binitbit niya.
Napayakap nalang kami sa isa't-isa, ilang beses na kwinestyun kung paano namin sila naging kaklase. Ang sasadista nila, samantalang kami.... mga guwapong humihinga lang sa mundong ibabaw.
"Ayan, tatay niyong kalbo pa." tawa sa amin ni Raghnell na prente lamang nakaupo sa gilid.
Pisteng yawa. Gusto lang naman namin sila pasayahin, 'yung mga itsura kasi nila, dinaig pa ang mga taong nakatapak ng tae sa kalsada. Mga lugmok ang itsura, lalo na si Zelmira na kakaunti nalang yata, malapit ng magwala.
Hay! Hay! Frost, nasaan ka na ba? Ikaw ang dahilan kung bakit kami mapapatay nitong mga kaklase natin.
Ilang araw na kasing hindi sumisipot sa practice si Frost, kahit sa klase. Ang dahilan niya, busy daw siya sa set. 'E siya pa naman ang lead dancer namin, ayan tuloy, para kaming mga noodles na walang seasoning, tamang lutang-lutang lang sa tubig. Kung ipa-tulfo kaya namin 'yang si Frost?
Sabi ko naman kasi sa kanila, ako nalang ang gawing lead dancer. Isang budots ko lang, nganga agad ang judges. Taob lahat ng kalaban. Instant finish agad ang contest, kami agad ang panalo.
"Si Sir Kie, n-nasaan?" takang tanong sa amin ni Atlas sa isang tabi.
Sina Sir Kie at Frost ang wala rito. Kumpleto kaming lahat at sa katunayan, last practice na ngayon pero wala sila.
BINABASA MO ANG
Highschool Solaris: A Sun's Tale
Ficção AdolescenteTwelve different students. Twelve different personalities. Twelve different stories. One golden class. They never thought that by entering the golden section, they'll gain something more than what they expected. Friendship. Family. Love. But... what...