Chapter 24:
Oh, brother.Zelmira Andriette.
Swayze:
Labs, nag-aaya sa karaoke bar sina Sibyl. Sama ako? :<Nasa kalagitnaan ako nang pag-liligpit ng gamit ko noong tumunog ang cellphone ko. I immediately frowned as I saw Swayze's name, nagcha-chat na naman ang gago.
Zelmira:
Pakialam ko sayo?Swayze:
Sungit. 'Di na po sasama, galit ka naman agad, labs. Labyu.Zelmira:
Tigil-tigilan mo ako sa kakaganyan mo, Villan.Halos magdikit ang dalawang kilay ko sa katarantaduhan ng lalaking 'to. Ni-hindi ko nga alam kung paano ko 'to naging friend sa facebook, lagi ko naman ni-bo-block. Napakadami niyang dummy accounts. Parang tanga.
I shook my head as I hit the 'block' button, bahala siya sa buhay niya. Umagang- umaga, sinisira na agad ang araw ko.
Pagkatapos magbihis ay sinukbit ko na ang bag ko at sinilid sa bulsa ang cellphone. Dalawa ang bulsa ng palda ko, pinalagyan ko. Mas komportable pag gano'n kesa sa nakasanayan na isang bulsa lang. Ang mga lalaki nga ay may dalawang bulsa sa pantalon, kami pa kayang mga babae?
Hindi pa man ako tuluyang nakakababa ng hagdanan, rinig ko na agad mula sa puwesto ko ang tawanan mula sa sala. Nakita ko si Papa kasama ang limang taong nakikipagtawanan sa kanya, bago ang mga mukha sa akin. Bago niya sigurong mga ka-business partners.
"Ito nga pala ang nag-iisang anak ko, si Zelmira." Pakilala ni Papa noong makita ako. Wala tuloy akong choice kundi ang magpakilala sa kanila. Bwesit.
"Oh! I know you, hija. Hindi ba't kabilang ka sa Solaris Section? My children are your classmates." napangiti sa akin 'yung isang babaeng pamilyar sa akin ang magandang mukha.
May kahawig siya, mula sa mapula niyang lipstick, makinang na alahas na dinaig pa ang sikat ng araw sa pagkasilaw at mapang-husgang mga mata, agad 'kong nakilala kung sino ang tinutukoy niyang mga anak. 'Yung Atienza twins.
Kamukha niya si Yesenia. Kaya naman pala ubod ng kaartehan ang isang 'yon dahil ubod din ng arte ang mama niya. Pero hindi naman sa lahat ng pagkakataon, magkatulad ang anak at magulang
My gaze went to the beautiful woman beside her. Her hair was elegantly curled, simpleng bestida lamang ang suot at napakapamilyar sa akin ng kanyang matamis na ngiti. She somehow resembles Charlotta, lalo na ang mga mata nilang dalawa na parang manika.
Hindi naman ako nagkamali sa naiisip dahil pagkatapos niyang magpakilala, sinabi niya rin na siya pala ang mama ni Chichi. No wonder magkamukha sila.
"My daughter is also part of that section! Do you know Chichi, hija?" Matamis na ngumiti sa akin si Mrs. Winters. Hindi katulad sa mama ni Yesenia, magaan ang loob ko sa kanya. She looks nice.
Tumango ako. "She's my friend.." iyon ang sinabi sa akin ni Chichi. Kaibigan ko daw siya.
"Gano'n din ang apo ko." proud na sambit nung isang babaeng may katandaan na. Pamilyar sa akin ang mga mata niya, kaparehas nung kay Swayze. Siguro siya ang Lola nito, hindi naman lingid sa kaalaman namin na ang Lola ni Swayze ang nag-aalaga sa kanya.
Napaawang lang ang labi ko noong may napagtantong isang bagay. Ang limang taong kasama ni Papa ngayon, lahat sila, may koneksyon sa mga kaklase ko. Mula sa babaeng engrande ang pananamit at lalaking sa tingin ko ay ama ng Atienza Twins, ang magulang ni Chichi at ang sopistikadang lola ni Swayze.
BINABASA MO ANG
Highschool Solaris: A Sun's Tale
Teen FictionTwelve different students. Twelve different personalities. Twelve different stories. One golden class. They never thought that by entering the golden section, they'll gain something more than what they expected. Friendship. Family. Love. But... what...